SAMANTHA'S POV...
Nakasubasob ako sa ibabaw ng kama ko at tamad na tamad kumilos. Ilang araw na akong walang gana at laging tila nahihilo. Miss na miss kona si Agustin at gusto kona syang makita pero saan ko naman sya hahanapin? Iniisip ko kung ano na kayang nangyari sa kanila?
Napabangon ako ng biglang may bumato sa bintana ko. Kunot noo akong lumapit don at sumilip. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang bulto ng lalaking naka jacket na hoody at may takip sa mukha. Agustin? Alam kong si Agustin yon. Kaya dali-dali akong nagayos at palihim na lumabas ng bahay. Sinundan ko ang lalaki sa loob ng masukal na gubat sa likod ng hacienda.
"Agustin!" Naiiyak kong sabi nang magalis sya ng saklob at tabing sa mukha.
Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan ng sobrang diin sa labi. Nangunyapit akong maigi sa leeg nya. Sobrang pananabik ang nararamdaman ko sa lalaki.
"Samantha, ikaw ba ang tumulong sa papa ni Julio?" Tanong nya kaya tumango ako. Muli kong niyakap ang lalaki na parang ayaw kona ngang kumawala dito.
"Agustin sasama na ako sayo, ayoko na dito," hikbi ko sa nobyo.
Hinaplos nya ang buhok ko.
"Samantha yon nga ang balak ko sana, galit na galit si Julio sa pamilya mo, ayokong madamay ka," sabi nya.
Bahagya akong kinabahan sa narinig. Oo nga at galit ako sa ginawa nila Vicente pero pamilya ko parin sila. At wala silang kasalanan. Si Alejandro ang dapat sisihin don.
"Agustin, nilason ni Alejandro ang utak ni Vicente, im sure may blackmail na nangyayari sa kanila, hindi ganong kumilos ang uncle ko, kung papatay sya ay harapan at hindi trayduran kung lumaban. Ang papa ni Eli saka si Luis Mondejar ang pasimuno"
Napabuntong hininga sya . Medyo natakot ako sa poot na nakita sa mga mata ni Agustin. Pero alam kong naiintindihan nya ako.
"Samantha, alam kong mali itong gagawin natin pero kailangan kong makatiyak na di ka maaagaw ni Eli, kaya magtatanan tayo at ilalayo sa gulo, payag kaba?"
Walang pagaalinlangan akong tumango. Sobrang saya ko sa narinig. Ito talaga ang inaasahan ko.
"Kahit saan ay sasama ako sayo Agustin.."
"Kaya lang Samantha, alam mong mahirap lang ako kaya ngayon palang ay sinasabi kona sayo na hindi ko kayang ibigay ang buhay na nakasanayan mo, kung sasama ka sakin ay magtitiis ka sa buhay na meron ako, kaya mo ba?" He asked. Tumango ulit ako ng maraming beses.
Niyakap nya akong muli. Saka sinakop ang labi ko. Humihingal kami ng maghiwalay.
"Babalikan kita, aayusin ko lang ang mga kailangan natin saka kita kukunin okey?" Aniya.
"Agustin, bakit dipa ngayon?"
"Kailangan ko munang maghanda, wag kang mainip, magpakabait ka muna dyan, kailangan ko munang umalis, may babalikan ako sa kampo.."
"H-ha? Ano naman?" I asked.
"May binubuo kase kami ni Eli noon na isang kakaibang imbensyon, kailangan kong makuha yon dahil iniutos ni Julio--"
"Anong imbensyon?" Kunot noo kong tanong.
"Isa yong formula Samantha, pero di pa yon tapos, sa nangyayari kase ay dina dapat pa yon matapos kaya kukunin ko"
Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Agustin. Anong imbensyon ba yon? Alam kong mahilig si Eli sa ganong eksperimento pero anong kinalaman ni Agustin don?
Nalungkot ako ng naglaho si Agustin sa gubat. Pero pinilit ko nalang pasiglahin ang sarili. Malapit kona syang makasama. Kaya konting tiis nalang.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
