Chapter - 11

831 130 53
                                        

Eleazar's POV....

First time kong magka- crush at sa bago pa naming ka klase na si Samantha. Di naman kataka-taka yon dahil sobrang ganda ng dalagita. Yun nga lang medyo bobita. Cute sya sa paningin ko pero hindi ang mga ganoong babae ang tipo kong asawahin. I like beauty & brain. Yon talaga ang ideal girl ko kaya hindi ako makontento sa mga babae sa MECS. Karamihan kase sa kanila mga mahihina ang utak at galing lang sa pakikipaglaban ang alam. Kaya nga talong babae lang ang nakapasa sa Section alpha. Nadagdag lang si Samantha.

Ito pala ang apo ni Don Alfonzo, bakit kaya ngayon ko lang narinig ang tungkol sa babae? Magkakaibigan naman ang pamilya namin at iisa ang ginagalawan pero hindi ko pa nakita manlang sa kahit anong event si Samantha.

kahit mahina ang utak ni Sam at bawing-bawi naman sa ganda ng mukha. Pwede na rin. Kaya nagmabilis akong kumain at ibinili ng chocolate ang dalaga. Tiyak na di pa sya nakain. Iaabot ko nalang mamaya.

Kaya lang ng dumating kami sa klase ay wala doon ang dalaga. Sinabi ni Agustin na nasa clinic daw at tinamaan ng allergy. Di nalang ako umimik at itinago sa bulsa ang chocolate.

Samantha's POV...

"Master Sam bakit naman po di nyo kami tinawag, umatake pala ang allergy nyo di sana nadala namin ang gamot nyo"

Yon ang bungad sa akin ni Kenzo kasama si Lori sa clinic na yon sa loob ng MECS. Mabuti nalang at nawala na ang pangangati at pamamantal ng balat ko. Masaya ako dahil binuhat ako ni Agustin kanina paparoon. Ayaw pa nga sana nyang umalis pero ayoko namang maabala sya sa klase kaya pinauna ko na.

"Okey na ako kenzo,Lori.. Don't worry " sabi ko.

"Magpahinga kana lang muna sa dorm Ms. SAM " mungkahi ni Lori pero umiling ako.

"Babalik ako sa klase. Maaga pa naman, " sabi ko na ikinabahala ng mga kaibigan..

Inalalayan ako ni Kenzo na tumayo.

"M-master okey kana ba talaga?" Tanong ng lalaki .

"Oo nga, muka ba akong mahina?" Naiinis ko ng tanong sa lalaki. Ang kulit talaga ng boyfriend ni Lori.

"Ms. Sam nagaalala kase kami sayo, alam mong allergic ka sa chocolate pero kumain kapa rin para mapansin ng binatang yon" si Lori.

"Okey lang yon, saya nga eh" kinikilig na sabi ko.

"Hmm matingnan nga ang Agustin na yan kung anong hitsura. Baka naman mas pogi pa ako sa kanya ha master?"

Inambaan ko ng suntok si Kenzo. Inayos ko ang suot na uniform saka lumabas ng clinic kasunod ang dalawa. Ayoko nga sana pero nagpumilit ang mga ito na ihatid ako sa klase. Pumayag nalang ako para matigil ang mga ito.

Nang makabalik ako sa classroom ay science subject na kami. Buti nalang at nasabi ni Agustin ang nangyari kaya di ako napagalitan ng teacher. Kumaway nalang ako kina kenzo at Lori bago sila umalis. Nasalubong ko ang titig ng magbabarkada sa akin.

"O-okey ka na ba Sam?" Tanong ni Julio.

Nakangiti akong tumango. May konti pang pangangati pero di na ganon kalala. Naupo ako sa tabi nya pero ang mga mata ko ay nakay Agustin na nasa unahan namin sa bandang kanan. Tahimik lang ito kaya pinagmasdan ko nalang sya. Nakakainis kase di nya ako nililingon.

"S-sam.. Di kapa nakain kaya binilhan kita nito"

Napatingin ako kay Eli at nanlaki ang mata ko ng makitang chocolate din ang iniaabot nito. Katabi sya ni Miguel sa hanay ni Agustin kaya napatingin dito ang binata.

"Hindi sya pwede nyan!!"

Napatingin ang lahat kay Agustin dahil sa lakas ng boses nito. Buti nalang at mukang mabait ang teacher sa science at tila walang pakialam sa ingay ng paligid. Nagsusulat lang ito ng kung ano ano sa black board.

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon