Georgia's POV....
Walang Ekspresyon ang mukha ko habang nakatingin sa binatang si Julio na di malaman kung paano iso-solve ang math problem na nasa black board. Bobo talaga.. Bukod sa yaman at kagwapuhan ay nagtataka ako kung ano paba ang pwede nitong ipagmalaki? Ang kapal ng mukha nitong mag proposed sa akin ng kasal eh ni hindi ko nga sya kilala. Kahapon ko lang nakilala ang binata ng kantahan nya ako sa harap ng buong magaaral ng MECS. Tsskk ..
Nakita kong pulang -pula ang mukha nya ng sumulyap sa akin pero blanko lang ang mukha ko. Wala akong pakialam sa kanya. There is someone na gusto kong mapansin ako at hindi sya. Sabay sulyap ko sa gawi nila Miguel at Eleazar. Napatitig ako sa huli. Then i Sighed. Matagal ko nang itinatangi si Eleazar. Naging kaibigan ko sya nong bata pa kami at non paman ay mahal kona sya pero ng dumating kami sa MECS ay nagiba ang trato sa akin ng lalaki. Simpleng tango nalang sya sakin at hindi na nya ako kinakausap. Bagay na ikinalulungkot ko. Gusto ko sanang tanungin ang kababata pero hindi ko magawa dahil lagi nitong kasama ang mga kaibigan. Nagiwas lang ako ng tingin kay Eli ng mapansing nakamasid na sa akin si Agustin. Napahiya ako dito. Sa kanilang apat ay dito ako naiilang. Para kaseng napakagaling nito at maging ang pagbasa ng damdamin ng isang tao ay kaya nya.
Sikat silang apat sa paaralan, yon ang madalas kong marinig kahit di ako palakaibigan. Maraming girls ang nagkakagusto sa mga ito lalo na kay Julio at Eli. Pero sa kanilang apat ay si Agustin ang walang hilig sa babae. Hindi pa daw ito nagkaka- girlfriend o nanligaw manlang. Im just curious. Usap - usapan din kase na galing lang daw ito sa kalye at tinulungan ng papa ni Julio para makapasok sa MECS. Di na naman yon bago dahil halos lahat ng nagaaral don ay pinulot lang kung saan ng organisasyon. Kami lang mga anak ng mafia ang napabilang sa kanila dahil sa ayaw at sa gusto namin ay susunod kami sa mga pamilya namin at organisasyong kinabibilangan non.
Natapos nalang ang klase ay walang naisagot si Julio kaya naiwan sya sa classroom. Nagsilabasan na kami para mag break time. Hindi kona sya sinulyapan pang muli at sumunod na sa iba paglabas. Natanaw ko si Eloisa na naghihintay kay Miguel. Well kaibigan ko si Eloisa pero di kami masyadong close. Sa mga social Gathering kase ng mga pamilya namin ay lagi kaming nagkikita- kita. Ang alam ko ay fiance nito si Miguel. Magka sanggang dikit kase ang pamilya nilang dalawa kaya ganon. Sa tulad naming anak mayaman ay may itinatakda nang aasawahin namin sa tamang oras. At sa kaso ko ay umaasa akong kay Eleazar ako maipagkasundo, though im not sure kase di naman ganon kayaman ang pamilya ko. Di tulad ng mga Mondejar. O ng Evañez at Cabrera. Medyo nasa level lang kami. Kaya nga ako pinilit pumasok dito para daw makapangasawa ako ng mas mataas na ranggo ng new mafia boss. Yun ang sabi ng ama ko. Pumayag ako dahil ang nasa isip ko ay si Eli. At sana ay hayaan ng tadhana na maging kami balang araw.
Nasa canteen na ako at magisang kumakain ng biglang may maupo sa tapat ko at nagpatong ng tray ng pagkain doon. Natigilan ako ng makita si Agustin na nakangiti sa akin. Naalibadbaran ako sa mukha ng lalaki pero hindi na ako kumibo.
"Hi, magisa ka laging kumakain, " bati niya. Tila nakikipagkaibigan ang boses ng binata pero hindi ako basta nakikipagusap sa diko ka close. Lalo na at kaibigan ito ng baliw na si Julio.
"Maraming mesa ah, bakit dito ka pa? Asan ang mga kaibigan mo?" Malamig kong tanong sa kanya. Lihim kong binistahan ang lalaki. Gwapo ito at may pilyong mukha pero kabaligtaran ng ugali. Seryoso kase itong tao at napaka gentleman nito. Marami ang humahanga sa pagiging mabait, masipag at matulungin ng lalaki. Nakakasira lang talaga sa image ni Agustin ang hambong nasi Julio. Ayun at dina yata makakakain sa kabobohan .
"Me mga kasabay kase silang chicks, si Julio naman ay nasa classroom pa, kawawa naman ang kaibigan kong yon, dina nakasagot sa pisara kakatitig sayo"
Nairita ako sa narinig. Akala ko pa mandin ay matino itong si Agustin pero sa sinasabi nya ngayon ay tila inilalakad nya sa akin ang kaibigan nya.
"Dapat ba akong magkaroon ng paki sa kaibigan mong yon?" Mariing tanong ko. Nakita kong saglit syang natigilan pagkuway tumawa ng mahina.
![](https://img.wattpad.com/cover/231910080-288-k326769.jpg)
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...