Chapter - 22

801 135 49
                                        

MIGUEL'S POV....

SA nakalipas na isang buwang pageensayo ng lahat ng dapat naming malaman ay nagsimula na kami sa totoong laban ng bawat grupo. Sa gitna ng bundok malapit sa kampo ay doon ang kasunod naming ruta. At ang unang pagsubok ng grupo ay ang makarating sa nakasaad sa mapa. I look at Samantha. Naka backpack ito at tila kay daming laman ng bag na dala nya. Naka sombrero pa ito at ang malala ay naka dress pa talaga ang dalagita. Ano bang iniisip nitong pupuntahan namin sa gitna ng patag na bundok na yon? Party? Bakit tila di yata na inform ang dalaga?

Naka flat shoes ito samantalang ang iba ay naka rubber. Yung pang hikking talaga but this young lady choose a pair of flat doll shoes. Maarte man itong magayos ay napapansin ko naman na di ito mareklamo. At nakakasabay ito sa aming paglalakad. Hanga na sana ako sa dedikasyon nito kaya lang, Nang maabutan kami ng grupo nila Agustin ay bigla nalang namin nakita ang maarteng side ng dalagita.

"Agustin pagod na ako, ang bigat ng dala ko at uhaw na uhaw na ako." Nakasimangot nitong sabi sa kaibigan ko.

Nairita ako don. Kanina kase ay di manlang namin sya narinig na magsalita. At humanga pa nga ako sa bilis nyang maglakad . Pero bakit pagkakita kay Agustin ay naginarte itong bigla.? At bakit naiinis ako don? Bakit parang gusto ko sa akin sya maging ganon? Naipilig ko ang ulo sa inis dahil sa naisip.

"Ang dami mo kaseng dinalang gamit, amin na at papasanin ko nalang yang bag mo" sabi ni Agustin kay Sam. Lihim akong napasimangot sa nakita.

"Uhaw na ako" reklamo pa ng babae.

"Malapit na tayo sa patag. Hayaan mo at pag may nakita akong buko sa daan ay ibibigay ko sayo" ani Agustin.

Yumakap pa sa braso nya si Sam na ikinasimangot ko. Ang arte!.

Bawal kase ang magdala ng tubig at pagkain. Kapag nakarating na sa destinasyon namin ay saka lang kami makakakuha non but they said na pwede kaming mamaraan.

"Nakakauhaw namang talaga. Akyat kaya muna tayo at ng makainom manlang ng sabaw ng buko?" Reklamo ding sabi ni Julio.

"Oo nga Julio umakyat ka" sabi ni Sam dito.

"Hala bakit ako? Ako ba ang boyfriend mo?"

Nang dumating ang iba pa nilang kasama ay nagpahinga sila. Pero inakit kona ang mga kagrupo na umalis don. Napasimangot tuloy ang babae samantalagang walang reaksyon kay Agustin. Ilang sandali pa ay nakakita kami ng puno ng buko na medyo mababa kaya nagpasya akong don nalang magpahinga. At umakyat kaming tatlong lalaki para kumuha ng buko. Then i give it to her. Akala ko ay tatanggihan ni Samantha pero uhaw na siguro talaga ito kaya ininom nya yon agad.

"Salamat Miguel, mabait ka naman pala" ang sabi na may kasama pang irap pero nakangiti naman ito.

"As your leader, responsibilidad kita, kaya kung may kailangan ka ay sakin ka magsabi!" Yon ang isinagot ko sa kanya.

"Okey," aniya at dina ako tiningnan.

Ewan ko ba kung bakit parang gusto ko pang palawakin ang aming konbersasyon but the lady didn't talk at all. Na parang walang kainteres-interest na kausap ako. I feel irritated again pero dina ako kumibo.

Halos sabay lang ang grupo namin na makarating sa patag ng bundok na yon. Agad kaming nagpahinga saglit bago gumawa ng aming tent. Bukas ang simula ng iba pang gawain. Nakakainis lang dahil pagkarinig ni Samantha na pwede ng magpahinga ay agad itong tumakbo sa tent nila Agustin. Napaismid ako. Landi-landi nito. Tskkkk...

Samantha's POV...

NApasimangot ako ng tangka kong yakapin si Agustin pero iniiwas nya ang katawan sa akin. Nang ianunsyo kasi na pwede nang mamahinga ay agad akong tumakbo sa pwesto nila para makatabi ito. Miss kona kase sya dahil busy lagi kami sa pageensayo . Kaya nasaktan ako ng umiwas sya.

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon