Miguel's POV...
Nagtaka ako ng maging panauhin si Georgia sa opisina ko ng araw na yon. Bakas ang pagkabalisa sa mukha ng babae.
"Miguel hindi ko kayang ilagay sa panganib ang buhay ni Ellaina, napakabata pa nya. Isa pa anak sya ni Eleazar" sabi nito sa akin.
Napabuntong hininga ako. Hindi naman sya nagiisa. Sino ba ang may gusto non? Kung bakit at paano nagkaroon ng device sa katawan ng bata ay si Samantha lang ang makakasagot non. Pero paano? Ayun at wala pa ring improvement sa babae.
"Georgia wala tayong magagawa don. Utos yon mula sa taas. Alam mo ang patakaran ng organisasyong sinalihan mo" sabi ko sa babae.
"Pero napalapit na sakin ang bata, hindi ko makita ang sinasabi nilang panganib na dala ng anak ni Eli" naiiyak nitong sabi.
Tinapik ko sya sa balikat.
"Iisa lang ang alam kong makakapagligtas sa bata," sabi ko.
"A-ano yon?"
"Ang mawala sya sa landas natin. Kapag nagkaisip sya ay magti-triggered sa utak nya ang laman ng files. Who knows what will happen? Baka isa-isahin nya tayo"
Di makapaniwalang tumingin sa akin ang babae.
Akala ko kapag sumangayon ako kay Chairman ay mapapanatag na ang loob ko kapag nawala si Eli o Aurelio. Kaya lang panibagong blackmail ang nangyari sa akin. At parehong mga Mondejar pa talaga. Grrrrrr...
Agustin's POV...
Kumunot ang noo ko at napatigil sa pagpasok sa mansyon ni Julio ng marinig ang malakas na sigaw ng lalaki. Nasilip kong kausap pala nya si Jarred pero nagtaka ako kung bakit nakaluhod sa harap nya ang bata. Mataman akong nakinig sa kanila.
"Jarred Dave you can't love her, magiging kalaban mo sya pagdating ng araw. Kaya itigil mona ang kahibangan mong yan" galit na sabi ni Julio.
Kumunot ang noo ko. Sino? Si Master? in love? Napakabata pa nito ah. Sabagay ang anak ko ngang si Azzerdon ay mukha ring tinamaan sa bunso ng mga Evañez. Pero yon ay mauunawaan kopa dahil likas na pilyo ang anak ko. Pero si master?
"Dad i realy love the girl, hindi sya pwedeng mamatay. Tulungan mo ako dad.."
Marahas na napabuntong hininga ang kaibigan.
"Jarred delikado ang buhay mo sa babaeng yon, buhay nating lahat. May device na nakakabit sa katawan nya. At naroon ang lahat ng files ng mafia bosses. Soon she will kill us all"
"Hindi yan magagawa ni Ellaina, she's innocent. Dad please"
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang pangalan ng anak.. Anong ibig sabihin ng mga sinabi ni Julio?.
Kaya naman ng makaalis si Master Jarred ay agad akong nagtanong kay Julio tungkol don at ganon nalang ang pagkagimbal ko sa mga narinig.
"Agustin alam kong nabigla ka, anak sya ni Samantha na mahal mo, pero delikado ang batang yon. Kung bakit naman kase kinabitan ng babaeng yon ng device si Ellaina. Ang alam ko ay nagpa-plano ang mga Smith na patayin ang bata---"
"Ano?" Nabigla kong reaksyon. Para akong tinakasan ng lakas sa narinig.
Si Julio ay nagtaka sa akin, umalis ako agad na gulong -gulo ang utak. Si Ellaina? Paanong nangyari yon?
Natagpuan ko nalang ang sarili na nasa harap ng puntod ni Samantha.
"Samantha bakit mo nagawa yon sa anak natin? Anong dahilan? Kung mga files lang yon bakit dinamay mo pa si Ellaina? Alam kong may mas malalim kang dahilan. Pero paano ko pa palalaman?" Naiiyak kong sabi.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
CintaAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
