Julio's POV..
Mabuti nalang at pumayag na si Georgia na magsama kami ulit sa aking mansyon. Patay na si Aurelio at wala nang hadlang para sumama sya sa akin. Ang mga anak nalang namin ang bahalang mag- ayos ng mga problema nila. Basta kami ni Misis ay okey na ulit.
"Si Jarred nalang ang natira sa atin, mga ayaw magpakita nila Joven at Danica" malungkot na sabi ni Georgia habang naguumagahan kami.
"Kung sino pa ang pinaka-masungit ay sya pang natira.. Ni hindi nga manlang tayo dalawin ng batang yon" nakasimangot kong sabi.
Mas gusto pa yatang kasama si Azzer kesa sa amin. Bantay sarado ang buong MU, mula ng bumalik sila Traviz at Ellaina ay lalong nagkulong sa school na yon ang anak namin.
"Kasalanan mo kung bakit masungit si Jarred." Sabi ni Georgia na ikinainis ko.
"Bakit ako? Masayahin akong tao, malamang sayo nagmana"
"Sa sama ng loob ko sya pinaglihi dahil sayo"
"Bakit sinabi ko bang doon mo sya ipaglihi? Dami-daming prutas na pwedeng paglihian. Tsskk siguro pinaglihi mo sya sa demonyo,"
"What? Anak mona, ginaganyan mopa?" aniya.
"Nakakainis ang mukha ng anak mong yon, kaya di magustuhan ni Ellaina eh" naiiling kong sabi.
"Kanino mo naman yan nasagap? Parang mali ang impormasyon mong yan"
"Sabi sakin ni Azzer nung nagkita kami sa kampo"
Tumaas ang kilay ng asawa.
"Naniwala ka naman sa batang yon? Maloko yon,".
"Sabi nya si Traviz na ang gusto ni Ellaina, yan lang anak mo ang di maka move-on. Dami-daming babae sa MU tskkk.. Sayang lang ang kagwapuhan nya. Dapat may anak na sya ngayon, naunahan pa sya ni Azzer. "
"Yan ang ipinagpapasalamat ko na hindi nagmana sa pagiging babaero ang mga anak mong lalaki."
Napamaang ako sa kausap. Anong sinasabi nito?
"Hoy Georgia kakadating mo lang ay pinagiinit mo na agad ang ulo ko. Hindi ako babaero"
"Okey sabi mo eh, kaya pala may anak ka sa labas" sabi pa.
Nakakabwisit.. Ayaw pang tumigil. Nakakapikon ito.
Samantha's POV...
Dalawang taon pa ang lumipas at nananatili parin ako sa Solace. Bagamat nalaman kona ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan ay di parin ako pinakakawalan ni Miguel. Nalaman ko nalang na inatake ito sa puso kaya dina nakakapunta don.
Hanggang isang araw, nasa sala ako noon sa taas ng makarinig ng ingay sa labas ng gate ng mansyon. Kumunot ang noo ko ng masilayan ang isang gwapong binata na nakatutok ang baril sa mga bantay. Wala pa naman si Markus don kaya kinabahan ako. Lalo na nang makita kong pinapasok sya ng mga tauhan ni Miguel.
Sino kaya yon?
Nagtama ang mga mata namin ng tumingala sya sa taas . Kumunot ang noo ko. Nawala sya sa aking paningin at pagtalikod ko ay naroon na sya sa terrace. Nakatitig sa akin ang nanlalaki nyang mga mata na nagbabadya ng luha.
"Sino ka?" Tanong ko sa binata.
Mariin itong pumikit na tila nasasaktan sa nakikita.
"S-samantha? Ikaw ba si Samantha?" He asked na tila di malaman kung paano magre-react.
"Y-yes--" sagot ko na nagtataka kung sino ang lalaking kaharap.
Nakita kong napahilamos sya sa mukha nya .
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomantizmAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
