Agustin's POV....
Hindi ko akalain na sa bibig ng isang kinse anyos na dalagita mismo nanggaling ang tanong na yon. Literal at walang habas nya akong inalok na maging boyfriend nya. Anong kahangalan ang iniisip ni Samantha? Alam ba nito ang sinasabi?
Matagal akong natigilan at ilang beses na napalunok, wala sa bokabularyo ko ang pumatol sa paslit. Oo paslit dahil matanda ako sa kanya. Kahit pa sabihing maganda sya at matangkad ay hindi parin pupwede. Kahit anong gawin nyang pagaayos para magmukang ganap na dalaga ay halata parin ang batang edad nya.
"A-agustin ano payag kana ba? Boyfriend na kita?"
Napakurap ako ng muling itanong yon ni Samantha. Talagang pilya.
"Wag mo kong paglaruan Samantha, tatamaan ka sakin" yon nalang ang nasabi ko.
"Pero Agustin gusto kita, totoo yon."
"Umayos ka, hindi ganyan ang dapat na kilos ng isang dalaga. Hintayin mong magustuhan ka, hindi yung ikaw pa ang unang nagsasabi dyan"
Sa narinig ay nakita kong namula ang dalagita. Napahiya siguro pero mas mabuti na yon. Ang pangit tingnan ng ugali nya. Nakaka turn off..
Ilang saglit itong nalungkot pagkuway inubos ang pagkain at ginasumot sa maliit na palad . Nagulat na naman ako ng bigla nyang isalpak sa akin ang basura ng kinain nya.
"Oh ayan, itapon mo, kainis!!" Sabi ni Samantha saka ako inirapan at bumalik sa pwesto nya at doon tumayo ulit. Hindi na nya ako sinulyapan pa. Sinumpong na ang lukang bata.
Samantha's POV...
Kung inaakala ni Agustin na basta nalang nya ako maiiwasan ay nagkakamali sya. Hindi ako basta-basta sumusuko. I can feel na may epekto ako sa kanya. Ramdam ko yon sa kabila ng pagsusuplado nya.
"Samantha, kami muna ang mag shower, muka namang isang oras ka na namang magtatagal sa loob eh," sabi ni Amanda. Kasama nito si SUssaine. Balak ko kaseng maligo ng gabing yon bago matulog. Pero marami pang gumagamit ng shower room.
"Nauna ako diba?" Sabi ko.
"Eh ano naman? Kung sanay dika matagal okey lang, pero hindi eh, kulang nalang tumira ka sa loob" sagot ni Sussaine. Nainis ako sa dalawa pero hindi nalang ako kumibo. Ayokong magkaroon ng kaaway sa MECS. Lalo na at ka-section kopa.
"Oh una na kami ha," si Amanda
"Dalian mona Amanda, baka naiinip na sila Agustin sa tambayan nila," sabi dito ni Sussaine .
Kumunot ang noo ko ng marinig ang pangalan ng binata. Gusto ko sanang itanong kung saan sila pupunta pero pumasok na ang dalawa sa loob. Na-curious ako at nais malaman ang tungkol don.. Sakto naman na nakita ko si Georgia na may dala ding towel at maliit na timba na pinaglalagyan ng mga sabon nya. Sinalubong ko ang dalaga.
"Georgia, alam mo ba kung saan ang tambay nila Agustin ngayong gabi?" Tanong ko sa kanya.
"Ha?bakit mo naman tinatanong?"
"Narinig ko kase kina Amanda na pupunta daw sila sa tambayan nila Agustin. Kasama ka din ba don? Saan yon?" Sunod-sunod na tanong ko.
Napaisip tuloy ang dalaga.
"Iisa lang ang alam kong tambayan nila, yung kubo sa dulo, don sa madilim.. Pero hindi ako nalabas ng gabi eh, isa pa puro lalaki don Samantha, tiyak na magiinom sila dahil walang klase bukas. Hindi tayo pwede don" sabi ni Georgia.
Ako naman ang napaisip. Kung bawal ang babae bakit papunta don sila Amanda at Sussaine.
"Georgia pumunta kaya tayo, papunta daw don sila Sussaine eh, bakit sila kasama kung boys lang diba?" I said to her. Natigilan si Georgia at tila napaisip din. Kailangan ko syang makumbinsi.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
Storie d'amoreAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
