Agustin's POV....
Sa unang araw ng training namin ay kinailangan kaming maghati hati sa apat na grupo. Labing anim kaming lahat at sakto yon sa apat na grupo. At ang napiling mamuno sa nasabing grupo ay ako, si Miguel, si Eli at si Carlos, dahil apat ang babae ay nagkaroon ng pilian. Ang nais ko sana ay mapabilang sa aking grupo si Samantha para maprotektahan sya pero naunang manalo sa pilian si Carlos
"Of course i choose Amanda my love" aniya na ikinakantyaw naming lahat maging ng committee na nagbabantay sa amin.
Nagrelax lang ako at makahulugang kinindatan ang kasintahan. Ngumiti lang sya sakin at hinihintay na makauna akong mamili. . Okey lang.. Safe parin si Sam. But Miguel won the next choosing at nabigla ako ng si Samantha ang pinili nya. Natigilan ako pero di ako nagkomento.
"Sorry brad, i need her brain sa group ko" sabi ni Miguel sa akin na tinanguan ko nalang.
Nakita kong nainis si Sam pero wala itong nagawa sa nangyari. Sinenyasan ko nalang na hayaan na. Then si Eli na, kaya sa kanya napunta si Georgia at sa amin si Sussaine. Naging ka grupo ko din si Julio at nagalit pa ito sa akin dahil dapat daw ay sa grupo nalang sya ni Eli para mabantayan daw si Georgia nya. Sinapak ko nalang to.
"Kung diko nakasama si Sam at dapat di mo rin kasama si Georgia. Para patas!" Sabi ko kaya nainis sya. Natatawa ako ng umirap ang lalaki.
"Bwisit ka talaga Agustin, "
"Hoy mag focus ka muna gago!" Sabi ko dito.
"Oo na epal ka eh"
Nang maayos na ang grupo ay bumalik kami sa malaking kiosk at itinuro sa amin ang iba't- ibang uri ng armas, kung paano at kelan yon pwedeng gamitin. Ang iba ay alam na namin pero iba ngayon dahil aktwal na ang mga ito at wala na sa libro. Nang araw na yon ay nagaral muna ang lahat kung paano bumaril. Itinuon ko ang atensyon sa training na yon at pilit inalis muna kay Sam ang utak ko. Nasa kabilang dulo sya katabi ni Miguel. Nang sumunod na araw naman ay ang mga knife ang itinuro sa amin. Nagaalala ako kay Sam dahil ang nasa isip ko ay baka masugatan sya sa mga ipinahahawak sa amin. Ilang beses na nagkamali si Sussaine ng hawak, dahilan para magkasugat sya sa braso.
"Ang mga patalim na yan ay simple lang kung titingnan, pero isa yan sa pwede nyong ikamatay. Kaya pagingatan nyo ang sarili. Sa laban na magaganap ay totoong sakitan na. Lalo na sa mga babae. Alam nyo naman ang pinasok nyo diba? Maging ang pamilya nyo ay alam yan" malakas na paalala ng isa naming trainor.
Samantha's POV...
Tahimik lang akong nakikinig sa trainor na si Shan, ang totoo ay nabo-board ako sa grupo, bakit sa dinami-dami ng lider ay si Miguel pa ang pumili sa akin? Tskkk kainis.. Kung sino pa ang kinaiilangan ko. Nakahalukipkip lang ako habang busy ang tatlong lalaki sa pagbusisi ng mga patalim. Maya't- maya ay na kay Agustin ang paningin ko. Kung sana ay sya ang ka-grupo ko di masaya.. Kaya lang umepal na naman si Miguel.
"Sam bakit di ka lumapit dito at makinig sa instruction ni Shan? Paano ka matututo kung nakatanga ka lang dyan?" ..
Naitirik ko ang mga mata ng marinig ang sinabi ni Miguel. Alam ba nito kung sino ang kausap nya. Ako lang naman ang Pinaka nangungunang assassin sa buong Europa. Baka sya ang masampolan ko . Tskk.. Inis nalang akong lumapit.
"If you didn't know each of this, matatalo ka sa laban at ibabagsak mo ang grupo ko" masungit pang dagdag ng lalaki. Inirapan ko sya saka patamad na nagtangkang hawakan ang isang throwing knife pero mabilis nyang pinigilan ang pulso ko.
"W-what?" Taka kong tanong ng matalim nya akong titigan.
"Basta ka nalang dadampot? Paano kung masugatan ka rin kagaya ni Sussaine?"
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
Roman d'amourAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
