Chapter - 46

801 119 70
                                        

AGUSTIN'S POV...

SA ilang araw na lihim kong pagmamasid sa harapan ng hacienda ay nasilayan ko ang bunsong anak namin ni Samantha. Kahit saglit lang ay masaya na ako don. Kahit masakit sakin ang makitang closeness nila ni Eli ay masaya na rin ako kahit papano na itinuring syang anak ng dating kaibigan. Masaya ako na ELLAINA ang ipinangalan dito ni Sam. Kahit papaano ay nagkaroon ako ng bahagi sa buhay ng bata. Pero diko na tinangka pang lapitan si Ellaina. Baka matakot lang ito sa akin dahil di naman nya ako kilala.

Isang araw ng pagmamasid ko, napansin kong wala yata ang bata. Naghintay ako habang nasa tagong bahagi ng daan. May nakapulupot namang balabal sa ulo at mukha ko kaya di ako nangangamba na makilala ng mga tao don. Ilang saglit pa akong naghintay ng dumating ang isang sasakyan.

Kumunot ang noo ko ng makitang bumaba doon si Samantha kalong ang anak na si Ellaina. May kasama itong binatilyong lalaki. Nakadama ako ng pananabik sa babae pero nagtaka ako dahil tila lambot na lambot si Ellaina habang nakayakap sa balikat ng may kargang ina. Anong nangyari? Kilala ko ang binatilyong kasama nya. Si Jacob yon na nagsasanay sa kampo. Hindi na kase MECS ang tawag don. Basta nalang training camp . dahil nagkasira-sira na ang mga founder non.

Ano kaya ang nangyari sa anak ko? Gustuhin ko mang alamin ay diko na ginawa. Umalis ako sa lugar nayon. Ayoko nang makita pa ako ni Samantha. Isang huling sulyap pa ang ginawa ko sa magina ko. Para kaseng may bagay na nagudyok sa akin na pagmasdan pa sila ng konting oras. Pero nang makita kong lumingon sa gawi ko si Sam ay mabilis na akong umalis.

Nang makauwi sa kubo namin ay  naabutan ko ang anak na si Azzer na nagaayos ng mga mais sa likod ng kubo.

"Tay bakit ngayon ka lang? Nag harvest ako ng mais natin, dami kaseng bunga. Nabalitaan ko sa bayan na mahal ang kilo ng mais kaya kinuha kona bago pa tayo maunahan ng mga ibon" masayang salubong sakin ng bata.

Malungkot ko syang tiningnan. Sana di ko nalang nakita si Samantha. Bumalik lang ang sakit sa puso ko. Kapag nakikita ko si Azzer ay naalala ko ang mapait naming nakaraan.

Balang araw kukunin ni Azzer ang posisyong ipinagkait sa akin. Sino man sa kanila ni Master Jarred ang mag rank 1 ay okey lang. Ang mahalaga magkasunod sila at magkasanga. Pero batid kong hindi yon magiging madali kay Azzer kung mananatili syang Quinto. Baka maulit lang ang nangyari. Kaya naisip kong ipaampon sya kay Mr. Villegas. Yun nga lang nasa ibang bansa pa ang matanda at diko alam kung kelan ang balik.

Hindi ko pa nasasabi kay Azzer ang balak ko dahil baka agad syang tumanggi. Saka nalang kapag malaki na sya. Apelyedo lang naman ang kukunin nya sa matanda. Hindi naman kami maghihiwalay. Kailangan ko lang makausap si Mr. Villegas.

SAMANTHA'S POV...

Nagkamali ba ako? Sa dami ng pagkakabitan ng device na yon ay bakit sa anak ko pang si Ellaina? Tama ba na sinunod ko ang payo ng kaibigan kong si Jacob? I trusted him like my own brother.

Nagkamali ako sa misyon ko sa mga Smith. May nakuha akong mga files na may kinalaman sa buong mafia crime group. Nakasagupa ko ang asawa nya na si Violy Smith.

"Akala moba hindi kita kilala Samantha? Ikaw ang anak ng traydor na si Nina kaya kung ako sayo ay wag mong pakikialaman ang mga Files na yan"

Akala ko yon ang pinaka weapon ko sa kanila kaya kinuha ko parin ang files. Handa kona sana yong ibigay sa organisasyong kinabibilangan pero ng alamin ko ang laman non ay laking gulat ko ng makita ang files ko don na kasama. Hindi pwedeng lumabas ang lihim ng pagkatao ko. Manganganib ang pamilya ko lalo na ang dalawa kong anak. Sila ang ha- huntingin ng mga kalaban. So i need to ruin the files. At kay Ellaina ko yon itinago. Sa device na ikinabit sa kanya ni Jacob. I know na hahabulin ako ng mga Smith dahil pinatay ko ang asawa nya. Pero nakahanda akong lumaban..

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon