Samantha's POV...
"Master Sam ang saya nyo nitong mga nagdaang araw ah, kayo naba ni Agustin?"
Nakangiting tiningnan ko si Kenzo. Pabalik na kami sa Kampo galing sa bahay. Si Lori ay hindi pa pwedeng makapasok dahil may sakit ang lola nito na dating katiwala sa hacienda namin.
"Hindi pa Kenzo pero malapit na" kindat ko sa kaibigan.
"Naks, nagbunga ang panliligaw mo Master ah"
"Anong panliligaw. Sya ang manliligaw sakin no" ingos ko sa binata. Nakakainis talaga ang mga banat nito.
Kahit ng makababa na kami ay naiinis parin ako sa lalaki. Sya ang pinagdala ko ng bag ko papunta sa dorm. Pero nang makapasok kami ng gate ay nakita ko si Agustin sa may waiting shed sa loob ng kampo at tila hinihintay ako. Nang makita nya kami ay agad nya akong kinawayan.
"Hi hinihintay moba ako?" Nakangiti kong tanong . Inirapan ko si kenzo ng makita kong ngumisi sya .
"Oo Samantha, may kasama ka pala?"
"Ah si Kenzo kaibigan ko" pakilala ko sa lalaki. Matiim itong tiningnan ni Agustin . Tila may tensyon sa dalawang lalaki na hindi ko naman napansin agad.
"Asan ang gamit mo? Ako na ang magdadala" pagkuway sabi ni Agustin.
"Ako ang tagadala ng gamit ni Master Sam kaya wag kanang magabala pre" sabi ni Kenzo na ikinairap ko dito.
"Kenzo ano ba, si Agustin na nga daw ang magdadala eh" sabi ko dito. Nakita kong tila nainis si Agustin kaya isang warning look ang iginawad ko kay kenzo.
"Oh ayan na nga," inis na sabi ng kaibigan at iniabot ang bag sa lalaki saka umalis. Habol ito ng tingin ni Agustin.
"Halika na Agustin" nakangiti kong akit sa lalaki. Tahimik syang naglakad kasabay ko.
"Samantha masyado naman yata kayong close ng isang yon, daig pa ang syota kung bumakod sayo eh" sabi nya.
"Ha? Naku ganon lang talaga yon, boyfriend yon ng kaibigan ko si Lori"
"T-talaga?" Tila nabiglang sabi nya.
"Oo, malapit na nga yata yong ikasal eh." Sabi ko. Tila naman nakahinga ng maluwag si Agustin.
"Buti naman kung ganon" aniya.
"Nagseselos ka no?" Buska ko sa lalaki.
"Hindi naman masyado,"
Kinilig ako sa sagot nya. Tahimik kaming naglakad sa daan. Kung pwede nga lang na humawak sa kamay nito eh. Kaya lang baka ayaw nya ng PDA. Saka diba sabi nya gusto nya pinong kilos ng isang dalaga kaya susundin ko sya.
Nang magsimula nang muli ang klase ay pinag review lang kami dahil sa paparating na exam. Alam ko na naman yon lahat kaya habang nagre-review sila ay nakatunganga lang ako kay Agustin. Inilapit ko pa ng bahagya ang upuan ko para masilayan sya ng ayos. Ang gwapo nito pag seryosong- seryoso sa pagaaral.
"Samantha bakit di ka magaral din? Hindi yung mukha ni Agustin nalang lagi ang sinasaulo mo?" Mahinang sabi sakin ni Julio. Nainis ako dito pero dahil bestfriend sya ng mahal ko ay nginitian ko nalang ito. Saka sya tinulungang mag-review.
"Julio alam mo matalino ka eh, gago ka lang" sabi ko na ikinalaki ng mata nya.
"Grabeng makagago ah.?" Aniya.
"Sa math ka lang naman mahina, oh sige magtanong ka ng di mo naiintindihan at ituturo ko sayo" sabi ko. Natuwa naman si Julio sa akin kaya sa buong oras na yon ay kami ang magkausap.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
