GEORGIA'S POV...
ALAM kong plakda si Julio sa alak at naiwan nyang bukas ang pinto. Kaya kahit kinakabahan ay nagawa kong umalis sa kama at tangkaing lumabas. Shit. Bukas nga. Isang lingon pa ang ginawa ko sa lalaki bago lumabas. Kaya lang naalala kong hubad nga pala ako. Napapikit ako sa frustration. Bumalik pa tuloy ako at naghanap ng isusuot. Puro nightys. Pero pinatungan ko nalang yon ng makapal na roba saka ulit dahan-dahan na lumabas. Nakahinga ako ng maluwag. Kaya lang ay nanlumo ako ng matanaw ang malawak na karagatan.
Napaiyak ako sa kawalan ng magagawa. Ang tanga ko. Alam ko namang nasa isla ako bakit pa ako magtatangkang tumakas.? Paano ako aalis don? Alangan namang lumangoy ako?
Napahikbi nalang ako ng mahina. Saka napasalampak sa sahig ng balkonahe. Yung pakiramdam na magisa lang at walang karamay sa mga oras na yon ang nagpapahina ng loob ko. Kung sana ay hindi ganon ang trato sa akin ni Julio baka gumaan pa kahit papano ang loob ko.
Muntik ko na syang mahalin. Kaya lang dahil sa mga nangyari nagbago ang lalaki. Galit ako sa ginawa nya sa akin pero may bahagi sa loob ko ang niintindihan ang galit nya. He lost his family. At nagkataon lang na ako ang narito para mapagbuntunan nya ng galit.
Nang medyo gumaan ang aking pakiramdam ay tumayo ako at bumalik sa silid. Nakahiga parin ang hubad na si Julio at walang alam sa nangyari. Napabuntong hininga ako at malungkot na bumalik sa kama. Nahiga ako sa tabi ng binata. Maya-maya ay kinumutan ko sya at yumakap nalang dito. Iniisip ko na ito parin ang masayahing si Julio.
Kinabukasan nagising ako na wala nang katabi. Nagayos ako ng sarili at ng malamang bukas ang pinto ay lihim ulit akong lumabas. Natuwa ako nang matanaw ang isang helicopter na nakatigil sa malayo. Ibig sabihin ay may dumating. Kaya excitted akong bumaba pero iniwasang makagawa ng ingay. Kumunot ang noo ko ng makita si Agustin na kausap si Julio.
"Agustin, kailangan kong simulan ang plano ko, nais kong ibalik kay Alejandro ang ginawa nya sa pamilya ko"
"Anong plano mo?" Tanong ni Agustin kay Julio.
"Malalaman mo pagalis natin. "
Nakita kong naglakad na si Julio pasakay ng helicopter saka ko lihim na hinila sa kamay si Agustin.
"G-georgia?" Nagulat ito ng makita ako.
Naiiyak akong yumakap sa lalaki. Para akong nakakita ng kakampi. Agad akong nagsumbong sa kanya para humingi ng tulong.
"Agustin ialis mo ako dito, iba na si Julio, he raped me at papatayin nya ang anak namin pag hindi babae,. Galit na galit sya. Please ayoko na dito.. Tulungan mo ako" umiiyak na sabi ko. Natulala naman ito sa mga narinig.
"G-georgia.. Naniniwala kabang kaya ni Julio na patayin ang anak nya kung sakali?" Bigla nitong tanong.
"Agustin di mo naman kase nakikita kung gaano sya nakakatakot eh, he changed" hikbi ko. Puno ng pakikiusap ang tinig at tingin ko sa lalaki. Pero bumuntong hininga lang sya.
"Hindi kita matutulungan Georgia, pero sinisiguro ko sayo na mahal ka ni Julio, ang magagawa ko lang ay siguraduhing ligtas ang pamilya mo, Georgia... Julio need you! Mahal mo naman sya diba kahit papano?"
Napaiyak ako sa sinabi ni Agustin. Oo mahal ko sya kahit konti ay minahal ko ang gagong yon. Kaya lang ay nagiba na to.
"A-ayoko na dito" hikbi ko.hinaplos naman nya ang buhok ko.
"Im sorry pero wala akong magagawa. Mas mabuting na kay Julio ka para kahit papano ay may kontrol pa sya sa galit nya."
Kumunot ang noo ko sa narinig.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
