Samantha's POV...
Masaya ako, as in sobrang saya habang kasama kong kumakain sa hapag kainan ang aking pamilya doon sa la Vista. Nakakaiyak nga pero pinipigilan ko lang. Ayokong masira ang araw na yon sa drama ko.
Sa wakas natupad na ang isa sa aking mga pangarap. Ang magkakasama kaming kumain nila Agustin, Azzer at Ellaina. Binigyan kami ng pagkakataon ni Jarred na magsama ng buong pamilya sa La Vista ng buong linggong yon.
Nakangiti lang ako habang inaasikaso sila sa pagkain. Nilalagyan ko ng ulam ang mga pinggan nila kapag nakikita kong ubos na ang naroon. Pasalamat nalang ako ay lumaking mabubuting tao ang mga anak namin ni Agustin kahit hindi sila sa amin lumaki. Lalo na si Ellaina. Bata pa ito ng maiwan ni Eli. Mabuti nalang mabubuting tao ang umampon dito.
Nakapunta na ako sa pamilya Perez at nakapagpasalamat na sa pagkupkop nila kay Ellaina. Wala naman akong balak ipagdamot ang anak sa mga ito.
"Ganon pala talaga ang mga nanay, inaasikaso nyo pati paglalagay ng pagkain sa plato? Nakikita ko kase si Mommy Georgia kay Jarred non" komento ni Azzer habang maganang kumakain.
Ipinagsalin ko sya ng tubig at nakangiting iniabot yon sa kanya. Ngingiti- ngiti lang si Agustin sa ginagawa ko.
"Lahat ng nanay maasikaso Anak, kahit sino pa, kung pwede nga lang kitang ipaghele ay ginawa kona para makabawi sayo, kaya lang mas malaki kapa sa tatay mo" sabi ko na ikinatawa nila.
"Mommy kung gusto mo ibili mo pa ng bote ng gatas tapos patulugin mo sa duyan, tutal isipbata naman yan eh" suhestiyon ni Ellaina.
"Hoy Ellaina epal ka, selos ka lang kase mas inaasikaso ako ni nanay"
"Bakit naman ako magseselos? Mas mahal nya ako kase sakin nga sya unang nagpakita," aniya.
"Nagaaway ba kayo lagi?" Tanong ko sa dalawa.
Sabay pa silang umiling.
"Kase diko naman alam na kapatid ko yan Nay. Alam nyo ba nung una ko yang makita akala moy napaka- hinhing babae, nang ma- spoild ni Jarred ayun, lumabas na ang nakatagong sungay. Asar na asar kaya ako dyan noon" kwento ni Azzer na ikinahagikgik ko.
Tahimik lang ang tatay nila na nakikinig. Tapos na kaming kumain at nagkwekwentuhan nalang sa hapag.
"Ako naman 'my umiyak nung sabihin nila na kapatid ko yan, diko matanggap na may kapatid akong kengkoy. Kainis ang mukha nyan eh, sinisiraan pa ako kay Jarred"
"Hoy hindi ko yon ginawa kahit minsan. Kung alam ko lang na kapatid kita baka nakurot na kita sa singit sa kalandian mo, alam nyo ba Nay na pumupunta yan kay Jarred tapos ------"
Natawa ako ng takpan ni Ellaina ang bibig ng kuya nya para pigilan ito sa sinasabi.
"Alam nyo ba 'My na ang asawa nitong si Danica ang nagkulong sa akin sa nasusunog na------"..
Si Azzer naman ang lumamas sa bibig ni Ellaina. Nagkatinginan nalang kami ni Agustin sa makukulit na anak.
"Sisiraan mo pa ang asawa ko, di na nga makauwi yon. Eh kung sabihin ko kaya kay nanay na nilatigo ka ni Jarred noon sa gubat?"
Nabigla ako sa narinig. Napatingin ako kay Agustin. Umiwas naman ito ng tingin sa akin.
"G-ginawa yon sayo ni Jarred Anak?" Di makapaniwalang tanong ko kay Ellaina.
Bigla ay parang gusto kong i-check ang buo nyang katawan.
"O-okey na ako Mommy, maninira lang yang si Azzer."
Napabuntong hininga ako. Akala ko pa naman sa Jarred na yon ay napakabait. May pagka-sadista din pala.
"Anak kung kasama mo lang ako, baka si Jarred ang nalatigo ko, bakit di ka lumaban? Nagka peklat kaba nak?" Nagaalalang tanong kopa.

BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...