Chapter - 28

725 120 34
                                        

AGUSTIN'S POV...

"Kailan pa?"

Yun ang mahina pero madiin kong tanong kay Miguel na nabigla ng makita akong naroon sa labas ng kubo at nakatingin sa halos magkayakap nilang katawan ni Samantha na walang malay.

"A-agustin---

Nakadama ako ng matinding poot sa lalaki. Alam nya kung ano kami ni Samantha, kaibigan ko sya at may sarili syang nobya pero anong ginagawa nya?

"Kelan kapa nagkagusto sa kanya? Kelan mo pa ako tinatraydor Miguel?" Matalim ang matang tanong ko pa habang nakakuyom ang kamao.

Iniayos nya ng higa si Samantha saka ako hinarap.

"I-im sorry Agustin," nakayukong hingi nya ng paumanhin.

"Para saan ang sorry mo? Sa paghalik mo kay Samantha o sa pagta-traydor sa akin?"

Mariin nyang ipinikit ang mga mata. He sigh deeply at tila maging ito ay hirap sa pag-amin.

"I---i -- i like h-her-----"

Saka ko sya sinuntok ng malakas. Yun ang naabutan nila Julio at Georgia na napalapit patakbo sa amin.

"Anong nangyayari dito?" Gulat na tanong ni Julio at pumagitna sa amin.  Si Georgia ay dinaluhan si Miguel.

Sa kabilang banda ay tumakbo din padating sila Eloisa at Eli na nagkasabay pa.

"Miguel!" Sigaw ni Eloisa nang makita ang nakabulagtang nobyo.

"Traydor ka Miguel, paano mo nagawa ito sa akin?"

"I said im sorry, isa pa break na kayo ni Samantha, kaya nga naglalasing sya eh, yun ang sinabi nya kanin----"

Nagpupuyos ang loob kong nilapitan syang muli sa gitna nang pagawat nila Julio at Eli.

"Umalis kayo dyan!" Sigaw ko kina Georgia at Eloisa na nasa tabi ng binata at hinila ito sa kuwelyo. Inundayan ko sya ng maraming suntok bago ito gumanti.

"Tama na!" Awat ni Eloisa..

Pero di namin sya pinansin.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin yan sa harap ng babaeng pakakasalan mo, hayop ka!" Sabi ko saka itinulak sya ng malakas. Tumalsik ito sa kanto ng hagdan ng kubo kung saan nakahiga si Samantha.

Hindi pa ako nakontento at hinila syang muli para maupakan ko sya.

"Agustin tama na,----" awat ni Julio pero nahagip sya ng suntok ni Miguel kaya napahandusay din sya. Ito naman ang dinaluhan ni Georgia.

Pasaan na kami ay di parin kami tumitigil ni Miguel. Galit na galit ako sa ginawa nya at hindi ko alam kung paano yon papawiin.

"A-agustin?"

Natigilan kaming dalawa ng marinig ang tinig ni Samantha. Napabitaw kami ni Miguel sa isat- isa. Napalapit ako ng mabilis sa dalagang mabuway ang paglalakad palabas ng kubo. Nasambot kona ang katawan nito bago pa mapahandusay dahil sa kawalan ng malay.

Tiim bagang na sinulyapan ko si Miguel habang pangko si Samantha. kasalukuyan itong nagpapahid ng dugo sa labi nya.

"Isa kang taksil, sa kaibigan at nobya mo." Sabi ko kay Miguel na di nakakibo. I saw Eloisa's clueless face.

"Ano ba kase ang nangyari? At bakit plakda yan?" Tanong ni julio pero di ko sya pinansin.

Binalingan ko si Eli na natitigilan sa nangyayari.

"Ikaw, may gusto ka rin ba kay Samantha? Tatraydurin mo din ba ako? Sabihin mona agad para alam ko," saad na tanong ko kay Eli.

"Agustin---" nauutal nitong sabi.

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon