Chapter - 42

739 122 51
                                        

AGUSTIN'S POV....

ANG makitang ikasal ang pinakamamahal kong babae sa ibang lalaki at kaibigan kopa ay isa sa  pinakamasakit na nangyari sa akin. Kahit na sinabi ko sa sarili na hindi kona iisipin pa si Samantha ay diko naman kaya. At kahit alam kong masasaktan akong lalo ay pumunta parin ako sa kasal nila ni Eli. Gusto kong matiyak kung totoo. Pero parang bagyong sumambulat sa akin ang katotohanan ng salubungin sila ng malakas na palakpakan ng mga taong sumaksi sa pagiisang dibdib nilang yon.

Hindi lang puso ko ang winasak ni Samantha, pati ang pagkatao ko. Lalo na ang buhay ng anak naming si Azzer. Ngayon ay wala na talagang pagasang bumalik sya sa aming mag-ama. Sobrang sakit man ay kailangan kong tanggapin alang - alang sa anak ko.

Pinigil kong mapaluha at tiim bagang na umalis don. Umuwi ako sa la vista. Nagpasalamat ako kay Aling Pasing na pinakisuyuan kong magbantay kay Azzer na kalalabas lang ng ospital.

Masigla na ang bata at tila nga wala manlang itong karamdaman. Nahabag na naman ako sa anak ko. Ni hindi ako sigurado kung hanggang kailan ang medikasyon niya. Basta monthly ay kailangan nya ng check up.

"M-mama---" he said na medyo utal pa pero nauunawaan ko. .

Napaluha tuloy ako ng marinig ang paghahanap ng anak sa ina nya. Kinalong ko ang anak at hinaplos ang buhok.

"Si tatay ang narito anak, wala na si mama, mula ngayon ay si tatay nalang ang kasama mo." Kausap ko sa anak na tila naman naintindihan nya at tumango ito.

Habang naglalaro ang bata ay nagsimula akong maggayak ng gamit namin. Aalis kami sa bahay na yon na puno ng alaala ni Samantha. Magsisimula kami ni Azzer. Kailangan kong pagtuunan ang pagaalaga sa kanya kaya bukas ay kakausapin ko si Julio na magpapahinga muna ako hanggang dipa nagaling si Azzer. Isa pa diko sya pwedeng iwan. Maraming apo si aling pasing at nakakahiyang laging abalahin ang matanda.

Samantha, mula ngayon hinding-hindi mona makikita ang anak mo. Ilalayo ko sya sa yo para dina sya masaktan kapag nalaman pa nyang iniwan mo sya.


GEORGIA'S POV...

Kinakabahan ako habang hinihintay sa mansyon ang pagbabalik ni Julio. Batid kong ngayon sila susugod sa kasal ni Eli at nagaalala ako sa dalawang bagay. Paano kung mapatay si Eli at si tito Alejandro? Pero paano din kung si Julio ang mapatay ? Naninikip ang dibdib ko sa isiping yon. Parehong mahalaga sa akin ang mga ito.

LALONG nadagdagan ang kaba ko ng marinig ang pagdating ni Julio kasama ng maraming tauhan. Agad akong napatigil sa puno ng hagdan ng makita si Julio na puro dugo ang damit. Nanlambot ang tuhod ko. Narito si Julio, meaning napatay nya si Eli? Napaiyak ako...

Napababa ako at sinundan sya sa counter. Nagbukas sya ng alak don at mabilis nyang tinungga. Saka ibinalibag na halos magulat ako sa lakas. Pasabunot nyang hinawakan ang ulo.

"J-julio---" i called his name.

Nagliliyab ang mata nya sa galit ng tingnan ako. Kahit natatakot ay lumapit ako sa asawa para kompirmahin ang lahat.

"I killed them. And they deserved that.. " he said na ikinaluha ko ng sobra.

"S-si Eli??"

Galit syang napapukpok sa table.

"I want to kill that bastard. God knows i want it so much..but i can't" he said saka tumingin sa akin na may luha sa mata nya.

Nakahinga ako ng maluwag pero nakadama din ng awa sa asawa.

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon