Samantha's POV....
Nainip ako sa paghihintay sa mga kaibigang sila Kenzo at Lori sa opisina ng namamahala sa paaralan na yon. Ayos na ang papel namin ni Lori bago pa kami pumunta don kaya lang ang saling pusa na lalaki ay hindi pa. kaya may ilan pa syang kailangang asikasuhin don, dala naman nya ang mga papeles . Nagpaalam akong maglilibot- libot muna tutal ay mamaya pa sila.
Kaya namasyal ako sa paligid ng Training camp. Sayang at nasa klase pa sila Agustin. Di ko sya masisilayan agad.
Ito pala ang MECS. Ang itinatag na paaralan ng lolo ko kasama ng iba pa nyang kaibigan. Malawak yon at kompleto sa pasilidad. First time kong makarating dito. Maayos naman ang mga nakatayong silid. Halos lahat ay yari sa kahoy maliban lang sa academic school . May mga kubo pa na tila pahingahan ng mga estudyante don. Marami dong puno na di ko matukoy ang pangalan . Ang tanging field nito ay ang malawak na damuhan na nasa tapat ng school at gate. The rest ay mga puno at halaman na.
Naglalakad ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya napatakbo ako sa isang nakatayong bahay na antique ang design. May tila shed don kaya nagpasya akong don magpalipas ng ulan. Buti nalang malaki ang sombrero ko. Paborito ko ang sobrero lalo na yung may kapansin-pansin na laso. Kaya lang dalawa lang ang nadala ko don. Hindi ko naman magagamit yon masyado dahil training ang gagawin namin kahit ang totoo ay gusto ko lang namang magpapansin sa crush ko.
Ilang saglit akong nanatiling nakatayo habang palakas ng palakas ang ulan at sinamahan pa ng kulog at kidlat. Nang bigla nalang may binatang sumilong don kaya natigilan ako. Well suplada ako dati sa personal at diko ugali ang kumausap sa mga diko kilala kaya lang ay nakita kong pamilyar sa akin ang binata.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Yung kaba na mas matindi sa naramdaman ko 10 years ago. Nakatungo ang binata at pinapagpag ang sapatos sa paa na nabasa ng ulan.
Agustin.......
Namula yata pati bumbunan ko ng mabistaan ang katawan ng lalaki. Matangkad ito,obvious naman na nasa 6 footer ang taas nya. Macho at may pagka rugged ang looks ng crush ko. Ang muscle niya sa braso ay ganon nalang . Halatang siksik ang mga iyon at tila kay tigas na parang ang sarap hawakan. Namula lalo ako sa naisip. Im just 15 years old for god sake at naiisip kona ang mga ganong kahaling na bagay. Pinakalma ko ang sarili. Pero ng magawi na sa akin ang mata nya at magkatitigan kami ay nakalimutan ko ang pangaral sa sarili na wag lalandi.
Samantha behave.. Maria Clara ang tipo ng mga ganyang lalaki.
Nakita kong tinititigan din ako ni Agustin kaya kumaway nalang ako sa kanya at nginitian sya. Yung ngiti ko na kayang magpabagsak ng isang daang kawal sa kaharian ng Pransya.
"H-hi Lintik" sabi kong pinapungay ang mga mata.
Kaya lang nakita kong natigilan sya sa sinabi ko. At kinabahan ako ng biglang pumormal ang mukha ng future husband ko. Why?? Kanina ay nakita kong natulala sya sa kagandahan ko pero bakit ngayon ay parang may inis sa mukha nya.
"Hello binibini" tila napipilitang sabi nya.
Seryoso ang mukha nya pero ang boses nya lintik talaga. Ang ganda sa tenga..
"Anong pangalan mo?" Nauna na akong mag start ng convo. Para kaseng wala ito sa mood magsalita. At tingin ko ay matamlay sya.
"Agustin" ang sabi saka nagpunta sa loob ng bukas na shed at nahiga sa railing non na kahoy din.
Napataas ang kilay ko. Nasupla ako don ah. Di manlang hinintay masabi ko ang pangalan ko. Nahiga na sya at iniunan ang braso sa ulo saka itinakip ang polong dala sa mukha. Natameme tuloy ako. Ano pang sasabihin ko eh mukang deadma ako sa lalaki. Nalungkot tuloy ako.. Pero nakaisip ako ng paraan para mapansin nya.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
Roman d'amourAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
