8 Years Later........
AGUSTIN'S POV...
MECS TRAINING CAMP SCHOOL..
"I need you my Darlin' please love me and make me yours. Then be my wife of course!"
🎵🎶Sumakit ang tiyan namin katatawa habang nanonood kay Julio na kumakanta ng nakaluhod sa harap ni Georgia. Kasama ang mga kaibigang sila Miguel at Eli o Eleazar ay naroon kami sa tagong bahagi at tinitingnan ang parang tangang pagpo- proposed ng lalaki sa dalaga. Hayop na Julio yan! Dina nahiya sa mga taong nakakakita sa kanya. May hawak pa itong bouquet ng pulang mga rosas at nakalahad kay Georgia na walang ekspresyon ang mukha na nakatunghay sa kaibigan namin.
"Pustahan tayo sasampalin yan?" Bulong ni Miguel na nakangisi. Natawa ako sa sinabi nito.
"Isang libo, tatadyakan yan" pusta naman ni Eli ba ikinabungisngis namin.
"Sige ha akin pera nyo, hula ko ay deadma lang yang lintik na yan..tskk lakas ng loob mag- propose ni hindi nga nya girlfriend yung tao" nakangisi kong sabi.
Easy money.. Tiyak na me dalawang libo ako mamaya.. Kilala ko ang tipo ni Georgia. Malamig pa ito sa yelo. Kung bakit naman kase dito pa tinamaan si Julio ay alam nang Cold Queen ang bansag sa dalaga sa MECS dahil bukod sa wala laging ekspresyon ang mukha nito ay masyadong snob pa si Georgia.
Ilang saglit nga ay napapalatak kaming tatlo sa pinagkukublian ng makita naming tiningnan lang ng dalaga ang kaibigan namin at tila natatangahan ito kay Julio na iniwan ang binata. Kitang - kita namin ang pagkabigo sa mukha ng kaibigan. Pero dahil si Julio Evañez ito ay di kami nakadama ng awa bagkus ay nagtatawa pa kaming lumapit sa kanya.
"Naks...lupit mo Julio!" Akbay ni Miguel dito.
"La ka pala eh, boom!" Pangaasar naman ni Eli dito.
Napailing nalang ako sa pangiinis ng dalawa sa kaibigan. Si Julio ay nailing din na kunwa ay susuntukin ang dalawang alaskador.
"Mga ulol! Isang linggo lang ay syota ko na yang Georgia nayan, walang cold- cold sakin.. " ismid pa nito na sinusundan pa rin ng tingin ang papalayong dalaga.
"Tol hanap ka nalang ng iba, di naman kagandahan yan, kaya lang naman yan sikat dito sa MECS ay dahil sa intriguing aura nya" sabi ni Miguel.
Matalim itong sinulyapan ni Julio. Saka sinikmuraan ng mahina.
"Gago, sya ang pinakamaganda dito no, binabalaan ko kayong tatlo, akin si Georgia.. Pag nalaman ko lang na pinopormahan nyo sya yari kayo sa akin" banta pa ng lalaki sa amin.
Sa halip na matakot ay natawa pa kami. Bakuran ba naman ang di nya pagaari? Maya- maya lang ay naghiwalay na kaming apat. May pupuntahan kase ang dalawa at kami naman ni Julio ay kailangang umuwi sa mansyon nila dahil pinapatawag kami ng ama nyang si Juanito Evañez.
8 years ago ng sumama ako kay Juanito ng alukin nya ako na magaral sa MECS stand for Mondejar, Evañez, Cabrera & Suarez Training Camp school. Isa yong paaralan na hindi lang academia ang itinuturo kundi iba-ibang pakikipaglaban. Ang section don ay hindi batay sa edad kundi nakabase sa galing, lakas at talino sa labanan. At kaming apat na magkakaibigan ang nangunguna don. Section Alpha kung tawagin. Don kami nanguna. At kasama namin don si Georgia na tulad namin ay marunong din sa pakikipaglaban. Doon dinadala ang mga batang may natatanging talento sa pakikipaglaban. Libre ang pagtira at may allowance pa. Pero dalawa lang ang kakapuntahan ng mga naroong magaaral, maging mafia o di kaya ay Assassin. Sa tulad nila Julio, miguel at Eleazar ay panigurado na ang nakalaan sa kanila bilang anak ng mga mayayaman nilang magulang na syang nagtatag ng paaralang iyon. At ako naman ay magiging kanang kamay ni Julio. Yon ang plano sa akin ng ama nya.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...