GEORGIA'S POV....
NAGPASALAMAT ako sa tili na yon ni Samantha dahil kung hindi ay baka kung ano pa ang nagawa namin ni Julio. Ewan koba kung bakit ako nagpahalik dito at wala manlang akong pagtutol sa binata ng gawin yon. Marahil ay nagrerebelde ang kalooban ko dahil sa mga magulang. Pumayag akong sumamang matulog sa tent nila Julio dahil naiilang ako kay Eli, pagkatapos ng dinner nila sa bahay ay nahiya na akong humarap sa kababata though kinausap naman nya ako at sinabing wag nalang pansinin ang papa nya.
Gusto ko sanang tanungin si Eleazar kung sino ang babaeng nakatakda nyang pakasalan kaya lang ay nahihiya ako. So nang sabihin sakin ni Julio na dito na ako matulog sa kanila ay pumayag ako.
Kaya lang hindi pa man kami nakakaidlip ay hinapit na ako ng binata at nagtakip ng kumot kasama ko, sa pangalawang pagkakataon ay hinayaan ko syang halikan ako. Kahit katabi lang namin sila Agustin. Pumayag ako ng di ko alam kung ano ang nararamdaman ko para kay Julio. Lumalim ang halik nya at aaminin kong nadala ako sa halik na yon. Kaya lang habang tumatagal ay nagiging agresibo ang binata. Nang sumigaw si Samantha at nagkaroon ako ng pagkakataong itulak sya. Habol namin pareho ang hininga ng magbitaw at tingnan kung ano ang dahilan ng tili ng dalagita at maging ang ibang grupo sa kabilang tent ay nagising.
"Nananaginip lang po ang baby ko!" Malakas na sabi ni Agustin sabay tawa ng malakas.
"Kala moy na-virginan tskk" reaksyon ni Julio.
Natigilan ako.. Di yata at pareho namin ni Julio ay may ginagawa din sila. Pero imposible yon, tingin ko naman kay Agustin ay gentleman ito. Ewan ko lang sa dilim.
Nagulat ako ng muli akong talukbungan ng kumot ni Julio at ang manyak na lalaki ay wala na namang paalam na hinalikan ako sa labi ng mariin. Kumawala na akong pilit sa kanya pero iniiwasan ko ang magsalita dahil tiyak na gising na gising pa ang dalawa sa kabilang tabi ni Julio.
Pinalis kong pilit ang palad ni Julio na naglulumikot sa katawan ko. Sumosobra na ang lalaki. Pinayagan ko na ngang humalik ay gusto pang manghipo.
"Ano ba?" Mahinang asik ko sa lalaki. Isa nalang ay susuntukin kona to.
"Pasmado ang kamay ko Georgia, pasensya na" aniya. Kahit may kadiliman sa tent ay aninag ko naman ang ngisi nya dahil may ilaw sa labas.
"Pasmado? Ang sabihin mo manyak ka"
"Ha? Ano yon? "
Inis akong tumalikod sa lalaki. Malandi din ako eh, di ko sya boyfriend pero tumabi ako sa kanya kahit pwede namang kay Sussaine ako tumabi ng higa .
Pagkatalikod ko ay nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ang kamay ni Julio sa loob ng suot kong pajama top. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maramdaman ang palad nyang humaplos sa tiyan ko at pagkuway binaybay ang dibdib kong may suot na bra. Napaigtad ako at umiwas sa kanya. Pero manyak talaga ito at sumunod parin sakin kahit nasa tabing-tabi na ako ng tent. Sa kalikutan namin ay natabunan kami ng gumuhong tolda.
"Tanginang likot nyo kase!" Inis na sabi ni Agustin.
Sam's POV....
Tahimik lang ako na nakaupo sa putol na kahoy habang nagsisimula ng mag ensayo ang mga kasama. Patingin-tingin ako kay Agustin na hubad barong nagpapapawis. Pero kapag susulyap sya sakin ay mabilis akong umiiwas ng tingin kasabay ng pamumula ng pisngi ko. Pagkatapos ng ginawa nya sa akin kagabi ay diko na yata kayang maglandi sa kanya. Di naman pala sya gentleman. Oo nga at mahal ko sya at gusto ko lagi ang halik nya pero diko sinabing pati ang ano ko ay pakialaman nya. Nahihiya tuloy ako ngayon. Feeling ko dina ako virgin kase parang ganon na rin yon.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
