AGUSTIN'S POV....
IT was Samantha's birthday so i came. Kasama si Julio ay nagpunta ako kahit nahihiya ako sa pamilya ng babaeng mahal ko dahil alam ko namang ayaw na ayaw nila sa akin. Ramdam ko ang matalim na tingin ni Vicente pero bukod don ay wala naman syang sinabi. Ang lolo Alfonso naman ni Sam ay pormal lang na tinanguan ako maging ang tito Gerald niya. Naroon din ang ilan pa nilang kamaganak na batid kong kasapi sa organisasyon nila.
Nakita ko din ang pamilya nila Eli at Miguel. Pormal ko din silang binati kahit di maayos ang lagay naming tatlo. Halatang naalibadbaran sa akin ang mga magulang nila. Kibit balikat lang ako don dahil sanay na ako. Ang atensyon ko ay nakay Samantha na sobrang ganda ng gabing yon.
Nang makita nya ako ay agad syang lumapit at humalik sa pisngi ko na ikinagitla ko.
"S-samantha?--" nasabi ko saka mabilis na iginala ang tingin sa paligid. May ilang nakakita ng ginawa nya kaya nailang ako.
"Bakit masama bang halikan ang boyfriend ko? Ang gwapo mo kapag naka pormal clothes ka" aniya. Okey lang sana ang ganong kilos nya kaya lang ay napakadaming tao sa party na yon.
"Happy birthday nga pala, ang ganda mo ngayong gabi Sam" tapat na sabi ko.
Ngiting-ngiti ang dalaga. Halos nakayakap na ito sa akin ng lapitan kami ng uncle Vicente nya.
"Samantha salubungin mo ang ibang bisita, " utos nito sa dalaga.
Walang nagawa si Sam kundi lumayo sa akin at sinunod ang utos ng lalaki. Nang makalayo ang dalaga ay pasimple nya akong pinuna.
"Agustin hanga din naman ako sa kapal ng mukha mo. Diba nagusap na tayo? Anot nakapunta kapa sa party ng pamangkin ko?"
Namula ako sa sinabi ng lalaki pero pinilit kong tatagan ang sarili.
"Inimbitahan po ako ng pamangkin nyo kaya pumunta ako" sabi ko.
"Umalis kana bago pa kita ipakaladkad sa labas. You are not welcome here"
"Mamaya po ako aalis pag tapos na ang party" i said na ikinausok ng bumbunan nito. Mabuti nalang at lumapit ang uncle Gerald ni Sam.
"Vince wag ka namang ganyan sa bisita ni Sam. Hayaan mo na at birthday ng pamangkin ko, baka sumama pa ang loob non sa ginagawa mo eh tskk" awat nito sa lalaki.
Marahas na bumuntong hininga si Vicente saka lumayo matapos akong tingnan ng masama.
Natanaw ko si Julio na kausap ni Georgia . Saka ko napansin ang driver ng mga Evañez na tila naghahanap sa bulwagan na yon. Lalapitan kona sana kaya lang ay umakyat na sa stage si Don Alfonso at ipinakilala sa lahat si Samantha. Then umakyat din don ang dalaga at nakangiting nagpasalamat sa lahat.
"Thank you for celebrating with me on my 16th birthday. And tonight i want to say thank you for the mAn who make my life complete. The Man who i want to share my life with. The man i will love forever. AGUSTIN QUINTO"
Nagulat ang lahat ng sabihin yon ng dalaga. Lalo na si Vicente na di malaman ang gagawin at kung paano magre-react . Nagsimula ang malakas na bulungan ng mga bisita. Itong si Julio na malakas ang pangasar ay nanguna pang magkomento.
"Yahoo kasalan na, Agustin bidang-bidang ka" malakas na sabi nito.
Ang mga kasama namin sa MECS ay mga naghiyawan sa tuwa. Sila lang ang masaya ng mga sandaling yon dahil halos patayin ako ng mga mata ng pamilya ni Samantha at mga Magulang ni Eli. Tinawag pa ako ng dalaga kaya nailang ako lalo na at naririnig ko ang mga bulungan ng mga tao don.
Sino sya?
Kaninong anak yon?
Anong negosyo kaya ng pamilya nya?
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
