GEORGIA'S POV.....
WALA na akong mailuha ng mga oras na yon habang nakahiga sa malamig na sahig at walang saplot sa katawan. Nakatulala lang ako sa kawalan habang nagbibihis ang binatang humalay sa akin. Masakit ang buo kong katawan pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ng puso ko sa mga nangyari.
Wala sa isip ko na ganito ang sasapitin sa kamay ni Julio Evañez. Gusto ko syang kamuhian pero wala akong ibang maramdaman kundi takot sa lalaki.
Napapitlag pa ako ng buhatin nya at ilabas sa silid na yon ng wala manlang takip sa aking kahubdan. Nag- ngalit ang aking bagang sa pagpipigil na muling umiyak.
Sa isang malawak na silid nya ako ipinasok at ibinaba sa kama doon. Wala paring reaksyon sa akin. Umaasa ako na babalik pa sa dati si Julio, galit lamang ito kaya nya nagawa yon. Pero ng muli itong magsalita ay naglaho ang pagasa kong yon.
"Alagaan mo ang yong sarili Georgia, kailangan ko ng anak na lalaki at ikaw ang magbibigay non sakin, kapag babae ang ipinagbuntis mo ay ipapalaglag ko yan, remember that!" Ang galit na sabi na may kahalong pagbabanta .
At muli akong napaiyak sa takot. Balewala lang sa lalaki ang luha ko. Umismid lang ito sa akin.
"Madali ka lang naman palang makuha, kung alam ko lang noon pa sana kita dinala dito, nagpakatanga pa ako panunuyo sayo," sabi pa nya.
"Get out!!" Mahina kong sabi.
"Anong karapatan mong paalisin ako sa kwarto ko? Magsasama tayo dito hanggang dika nabubuntis, kapag nabigyan mo na ako ng anak ay saka ka lang pwedeng umalis"
"Get out!!!!" Tili ko. I hate him, i hate his word.
Pero ni hindi manlang nasindak si Julio. Tumawa lang ito saka pumasok sa banyo doon. While me? Feeling like a dirty whore.
AGUSTIN'S POV...
"Kaninong bahay to Agustin?" Tanong ni Samantha.
Nang kunin ko ito sa hacienda ay nagpasya akong don muna magpalipas ng gabi sa bahay bakasyunan ni Mr. Villegas.
"Kay Mr. Villegas ito, dito muna tayo magpapalipas ng gabi bago tayo pupunta sa la Vista. Malayo ang lakarin doon at mahihirapan tayo kapag naglakad ng umaga" sagot ko sa dalaga.
"LA vista?"
"Private property yon ng mga Evañez. Doon tayo titira habang di pa maayos ang lahat. Kapag tanggap na tayo ng pamilya mo saka tayo bababa sa bayan at don hahanap ng bahay," paliwanag kopa.
Masayang ngumiti si Samantha saka yumakap sa akin. Ginanti ko yon at hinalikan ito sa labi. Saka ko hinaplos ang kanyang tiyan. Magkakaanak na kami at yon ang isang bagay na nagpapalakad ng loob ko na ipaglaban ang dalaga.
May mga pangamba man at pagaalala sa buhay na tatahakin namin ay hindi ko pagsisisihan ang bagay na yon. Ang makasama ito at ang magiging anak namin.
"Agustin, pagkatapos mong tulungan si Julio na magpalakas ng pwersa, pwede bang lumayo na tayo ng tuluyan? Yung malayo sa gulo, yung tayo lang at ang mga anak natin?" She asked na ikinatingin ko sa kanya.
Napabuntong hininga ako saka sya hinila para mapaupo sa akin.
"Samantha gusto ko yan, yan lang ang pinangarap ko mula ng mahalin ka, kaya lang hindi ko pwedeng iwan sa laban si Julio, nangako ako sa ama nya na lagi ako sa tabi ni Julio,. Sana maintindihan mo..." I said na ikinalungkot nya. Hinaplos ko ang buhok nya.
"Natatakot ako Agustin, baka kase mapaglayo tayo, ang balak ko sana tumira nalang sa ibang bansa, sa italya may kilala ako don, o saan mang pwede na hindi tayo masusundan ni Vicente"
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
