Chapter - 26

732 123 34
                                    

VICENTE'S POV....

YES! Samantha is my daughter. My only daughter na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko.  I was 20 years old that time ng makilala si Nina sa isang club, kasalukuyan akong nangunguna noon sa ranking ng mga bagong mafia bosses. Na inlove ako sa babae kahit alam kong magkaiba kami ng katayuan sa buhay. Pero diko akalain na bukod sa anak maralita ito ay isa rin palang secret agent ang babae at misyon nito na sirain ako para bumagsak sa rank at masira ang pamilya namin. Galit na galit ako at nilayuan sya. Isinumpa ko nong hinding- hindi na ako magpapaloko sa mga babae. But my brother Victor Suarez also fell in her trap. Akala ko ako lang ang target nya yun pala ay maging ang mga kapatid ko. Kaya mabilis na hinadlangan ni Papa ang dalawa. Nang mamatay ang kapatid ko ay sinabi nyang may anak kami ni Nina. Hindi ko matanggap noon ang narinig. Pero ng dumating ang babae sa hacienda ay dala na nya si Samantha. Dahil sa ranking ay si Victor ang ipinakilalang ama ng anak ko para di ako masira sa organisasyon. Binigyan namin ng pera ang babae kapalit ng pananahimik nito. Galit na galit ako sa kanya. Lalo na ng aminin nyang hindi nya ako minahal kahit kelan. Na isa lamang akong misyon na kailangan nyang gawin. At si Victor ang lalaking mahal nya.  Don ako nagalit.. At kay Samantha yon lahat naibuhos. Twing makikita ko ang bata ay naaalala ko lang ang katangahan ko noon. Na parang ayaw kong tanggapin na anak ko sya but the DNA didn't lied isn't it? Pero isa yong sekreto.

So after i succeeded sa field na tinahak ko ay isinama ko si Sam sa Europe at doon sinanay para maging isang assassin like her mother to protect our family's wealth. Gusto ko makita ni Nina na kayang-kaya kong gawin kay Samantha ang ginawa nya sakin. Na ako ang kokontrol sa anak namin at balang araw ay sila ang magtatapat. Nakapagasawa din naman ako pero di ko naman mahal si marife. Sa europe palang ay naghiwalay na kami though we became friends. Nagdesisyon akong ibuhos nalang ang sarili sa pagpapayaman at pagsubaybay sa anak ko. At di nga ako nabigo. Nanguna si Sam at handang-handa na itong ilaban. Pero nabalitaan ko nalang na namatay si Nina. Hindi malinaw ang dahilan, kung aksidente o sinadya. And that's the moment na muli akong umiyak para sa babaeng kinasusuklaman pero minahal ko ng totoo. Iniyakan ko ang pagkawala ng ina ni Samantha.  So i let my daughter's go. Para kahit sa huling sandali ay makita nya ang inang alam kong pinananabikan nya. Hinayaan kong paniwalaan ni Sam na si Victor ang ama nya to protect my name. Na minsan akong naloko ng isang traydor. At ayoko na ring guluhin ang buhay ni Samantha. Ayokong kamuhian nya ako pag nalaman nya ang totoo. Ayokong magulo ang isip ng bata. Kailangan mag focus lang sya sa mga magiging misyon nya.

Pero diko akalain na malalaman ni Alejandro ang sekreto ko. Isang kasamahan ko noon sa kampo ang nagsabi sa kanya so i killed that bastard. Ayokong makasal sa anak nya si Sam but what can i do? Kailangang maging sekreto ang pagkatao ni Samantha. Kapag nalaman ng organisasyon na anak ko sya kay Nina ay hindi nila kikilalanin si Sam bilang tagapagmana ng mga Suarez. Because Nina is a traitor.

Kaya kailangan kong magplano. Kung ayaw ko kay Eli ay mas lalong hindi ako makakapayag kay Agustin. Ang hampas lupang yon na pinulot lang kung saan ni Juanito. Katulad lang ito ni Nina. Ayokong magkamali din si Samantha katulad ko sa pagpili ng mamahalin.

"Ideretso mo sa MECS" utos ko sa driver.

Pagkadating don ay sinalubong ako ng mga tao don pero sinabi ko sa kanila na kakausapin ko lang ang anak. Kaya hinayaan nalang nila akong maglibot sa paligid non. Naalala ko lang ang nakaraan kapag napupunta ako sa kampo.

Nang makarating sa training ground sa likod ng school ay lihim akong nagmasid sa mga ginagawa kila. Then i saw Samantha na masayang kausap ang ilang kasama. Parang may pumitlag sa puso ko ng makita ang nakangiting mukha ng anak. Ngayon ko lang kase sya nakitang nakangiti ng ganon. She used to be a snob and very quite person na hindi basta ngingiti lang kung di rin naman nakakatawa masyado ang sinasabi ng kausap. She was trained to have a blank faces with no expression at all. Pero sa pagmamasid ko ay nakangiti sya na tila sayang saya habang nageensayo ng kanyang palaso.

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon