5 YEARS LATER...
AGUSTIN'S POV....
"Azzerdon!!!!!"
Dumadagundong na parang kulog ang boses ko habang habol ng uyo na gagawing pamalo sa anak na tumtatakbo palayo sa akin.
Tiim ang bagang ko dahil diko maabutan ang anak. Naghabulan kaming mag-ama hanggang sa maisan at akoy nabwibwisit dahil tinakbuhan lang ako ng lintik na bata.
Galing akong school dahil pinatawag ako ng guro nya. May hinalikan ang salbahe kong anak na kaklase nya at umiyak ito kaya nagsumbong sa guro. Ayun at ipinatawag na naman ako. Kaya pagdating ay agad ko syang kinastigo pero ang sutil na anak ay nagawa pa akong takbuhan.
"Azzerdon bumalik ka dito, kapag dika bumalik hindi lang uyo ang tatama sa pwet mo," sigaw ko sa kanya.
Hiningal lang ako pagtakbo. Ilang saglit ay kusang lumapit ang anak na takot na takot.
"Tay wag mo akong papaluin!" Nahihintakutang sabi ng walong taong gulang na bata.
"Pasaway kang bata ka, halika dito!!" Malakas na sabi ko.
Atubili pang lumapit si Azzer pero hinila ko na sya agad sa damit nya.
"T-tay.. Wala akong kasalanan" palahaw na sabi nito habang kinakaladkad ko sa loob ng kubo na tinitirahan namin.
"Sinabi ko sayo na wag mo akong ipapahiya sa school mo, ang tigas ng ulo mo kabata mo pa manyak kana," sabi ko habang naglalakad.
"T-tay sya naman ang nagsabing halikan ko sya. Tapos nung ginawa ko umiyak bigla, tay!!" Takot na paliwanag ng bata.
Pagkapasok sa loob ng bahay ay pinadapa ko sya sa mesa.
"Ilang beses na kitang pinagsabihan. Igalang mo ang mga babae. Wag kang malikot. Pero di ka nadadala"
"Tay!!!!"
Niyabat ko ng uyo ang puwet ng anak. Hindi ko alam kung paano mapapatino ang bata. Mabait naman ito at masipag saka matalino kaya lang ang problema ay may pagkapilyo ito sa babae na diko alam kung kanino minana.
"Uulit kapa o hindi na? Sagot!" Sabi ko sa batang hinihimas ang puwetan.
"Depende po!"
"Anong depende? Talagang hina- high blood mo ako ha!" Pinalo ko ulit ito ng uyo.
"Tay depende nga eh, pano kung ako ang hinalikan"
"Abat---- talagang matigas ang ulo mo, kapag hinalikan ka iiwas ka!!" Sabi ko na naiirita na talaga.
"Tay sabi ng kaklase ko bakla lang daw ang umiiwas sa halik ng babae"
"What?"
Dahil sa katigasan ng ulo ay napagpalo ko talaga ang bata. Kaya habang kumakain kami ng hapunan ay panay ang daing nito sa sakit ng puwitan. Hindi ko pinansin ang pagiinarte nya at tahimik na kumain. Nakikita ko sa kanya ang tigas ng ulo ni Samantha. Napabuntong hininga ako ng maalala ang ina ng bata. Huli kong balita ay assassin na ito ng organisasyon nila. Plano kong lihim na pumunta sa hacienda para sana makita ang anak ko sa kanya kaya lang ay abala pa ako sa tahanan ni Julio.
Ako ang nagsasanay kay Master Jarred para maging pinakamagaling balang araw. Kaya lang ang problema ay matigas ang ulo ng bata. Ayaw nito ng pinagagawa ko. Kay Azzer ay walang problema. Kung anong sabihin ko ay ginagawa nito. Pero kay Master Jarred mukang magkakaproblema.
Apat na taon na non si Azzer nang lubusang matakasan ang sakit at tuloy-tuloy na gumaling. Mula noon ay naging malusog na ang anak. Sinanay ko sya sa pagkain ng gulay at inalagaan mabuti para dina ito magkasakit. Pasalamat nalang ako ay mabilis makaintindi ang anak. Hindi din ito nagtatanong kung bakit wala syang nanay. Kung gagawin nya yon ay diko alam kung ano ang isasagot ko.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
