Chapter - 24

775 116 23
                                        

Eleasar's POV ..

Nabigla ako sa sinabi ng amang si Alejandro. Katabi si tito Luis ay kinausap nila ako. At di ako makapaniwala sa narinig. Si Samantha? Si Samantha na gustong-gusto ko ay ang babae daw na nakatakda kong pakasalan . Kasabay non ay ang aking pagaalala.

"Pa, nobya sya ng kaibigan ko, paano sya papayag na ma-engage sakin eh may boyfriend yon?" Nasabi ko nalang.

"Sino? Ang hampas lupang si Agustin? Hindi sya ang para kay Samantha. Hindi sya magugustuhan ni Vicente. Ang mayaman ay para lang sa mayaman" sabi nito..

"Pa bakit kayo ganyang magsalita? Kaibigan ko si Agustin at hindi isang hampas lupa ang tingin ko sa kanya---"

"Shut up, hindi ba kayo nakakahalata nila Miguel? Inaagawan kayo ng oportunidad ng lalaking yon na kung tutuusin ay wala namang karapatang magyabang sa MECS. Pinulot lang sya ni Juanito kung saan, tapos ngayon ay sya ang nangunguna sa inyo? Ano hangal kaba Eli? Oh sadyang duwag ka lang?"

Napakuyom ang kamao ko na narinig. Pinigilan ko ang sumagot ng pabalang at baka matamaan pa ako ng ama.

"Pa hindi tama ang ma-engage ako sa babaeng may mahal na iba." Sabi ko.

Natahimik naman ang ama ko sa narinig. Nang bigla ay si tito Luis ang magsalita.

"You like the girl diba Eli?"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ang paniniyak na tinig ng tiyuhin. Paano? I mean bakit nya nalaman yon?

"G-gusto mo ang Suarez na yon?" Nabigla din si daddy. Napayuko tuloy ako.

"Eli sa mundo nating ginagalawan hindi uso ang love na yan. Lahat ay ikakasal sa taong ipinagkasundo ng pamilya natin, maswerte ka dahil mahal mo ang babaeng inirereto sayo, who cares kung sino ang mahal nya? Be a selfish man din minsan Eli. You are a Mondejar.. At sino lang ba ang Agustin na yan? Wala syang karapatang mapabilang sa Mga Suarez." Ani Luis Mondejar.

"Tama ang tiyo mo, isa pa matututunan ka rin nong mahalin. Ang importante ma-engage kayo, at anak layuan mo na si julio at Agustin.. Isa silang kalaban-----"

"Papa!" Nabiglang sabi ko.

Pero marahas lang syang napabuntong hininga.

"Kalaban ng mga Suarez ang Mga Evañez. At dahil ie-engage na kayo ni Samantha, kalaban narin natin sila. In time mawawala ang lahat kay Julio. Kaya layuan mo sya ng dika madamay"

Nanikip ang dibdib ko sa narinig. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang sinabi ng ama at tiyuhin. Mula bata ay kami na ang magkakasama. Paano kami magiging magkakalaban?

"Eli pagisipan mo ang lahat. Kung ayaw mong ikaw ang mawalan, ngayon palang ay baguhin mona ang mga pananaw mong yan sa buhay" ani Papa.

Natahimik ako at di makapaniwala sa mga nangyayari.

SAMANTHA'S POV....

Nabigla ako sa sinabi ni Kenzo ng puntahan ko sya sa rancho nila. Sinabi niyang buntis si Lorita at hindi nya alam ang gagawin dahil dumami ang mga problema sa manggahan nila. Nabigla ako at di makapaniwala dahil bata pa sila kahit sabihing mas maedad sila sa akin. Ulila na si Kenzo at si Lori naman ay lola nalang ang kasama. Parang ako ang biglang namroblema sa kanila.

"Master Sam hindi ko kayang pamahalaan ang rancho naming ito kaya nahihirapan ako. Nagaalala ako na baka bumagsak ang kabuhayan namin. " tila sumbong ng kaibigan sa akin.

"Ano kaba Kenzo, malapit kanang maging tatay ay ganyan kapa rin. Mag-matured ka nga" pangaral ko dito na parang matanda pa ako sa kanila.

"P-paano si Lori? Hindi ko alam kung mapapakasalan ko agad sya. Ang dami ng problema dito" daing nya .

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon