AGUSTIN'S POV.....
Isa pang suntok ang ibinigay ko kay Gio at natumba na ang mayabang na bata na naghahari - harian sa lugar na yon. Bwisit ito.. Hinarang ako sa daan kasama ng iba pa nyang kaibigan. Akala naman nya ay uurungan ko sila. Neknek nila. Kahit ilan pa sila ay diko sila uurungan. Batang kalye kaya ako. Lumaki akong lumalaban para lang mabuhay. Kung hahayaan ko sila ay aapakan lang nila ako at hahamakin lalo.
Laki ako sa ampunan at wala na daw akong magulang dahil namatay daw sa sunog ang mga ito non kaya sa ampunan na ako nagkaisip. I was 8 years old ng maisipan kong tumakas dahil di ko na gusto don. Ilang ulit akong inampon pero isinosoli din ako ng mga umaampon sa akin sa magkakaibang dahilan, una nabuntis bigla yung mga umampon sa akin kaya ayaw na nila, pangalawa namatay yun matandang sana ay aampon sa akin, pangatlo tumakas ako dahil nalaman kong dadalhin ako sa ibang bansa na ayoko naman. Kaya nanatili ako sa ampunan at ng tumakas don ay nagpalaboy - laboy na ako sa kalsada.
11 years old na ako ngayon at ganito pa rin ang buhay ko. Tumutulong ako sa palengke para may makain sa mga bigay ng mababait na tindera don. May gusto nga sanang umampon sa akin kaya lang feeling ko gusto lang nila akong gawing utusan, alila kapag pumayag ako kaya nakontento nalang ako sa sitwasyon ko ngayon.
"Aling Madel may iuutos po ba kayo sa akin?" Tanong ko sa babaeng magtitinda ng karne sa palengke.
"Naku Agustin buti dumating ka. Itong mga order sakin dalhin mo sa baryo sais... " sabi ng ginang kaya natuwa ako. Sigurado na ang tanghalian ko mamaya dahil may inutos ang babae.
Masaya kong kinuha ang sampung kilong karne ng baboy na inoorder lagi sa kanya sa baryo sais, isa yong tila iskwater sa dulong bahagi ng Mayondong . Agad kong dinala ang karne sa nagtitinda don sa karinderya. At napaka swerte ko dahil pinakain pa ako ng lugaw ng ale don . Yes busog ako sa maghapon. Swerte na kung makakain ng dalawang beses sa isang araw, madalas kasing wala . Ayoko namang mamalimos tulad ng mga kabataan sa lugar na yon. Over my dead body. Kung bibigyan ako ng pera ng tao ay gusto kong may ibigay din akong kapalit. Mahirap ng magkaroon ng utang na loob.
Pabalik na ako sa palengke ng bigla ay harangan na naman ako nila Gio. Tskk nakakainis na talaga ito. Nagsama pa ng maraming kaibigan. Maganda pa naman ang araw ko ngayon dahil may pagkain ako mamaya kay aling Madel.
"Hoy Agustin, ang yabang mo ah, kala mo matatalo mo kami, tingnan natin ang yabang mo ngayon" sigaw ni Gio at bigla nalang silang sumugod sa akin.
Walong bata yata ang kasama ni Gio at sabay sabay silang sumugod pero nagawa ko silang labanan. Sa ganoong lugar ay normal nalang ang ganong tagpo. Walang naawat. Ano nga bang mapapala ng mga tao kung aawatin kami eh mga batang hamog lang naman kami don kaya di nila pagaaksyahan ng oras.
Ibinalibag ko ang isa sa pader at dina yon nakagalaw pa. Si Gio ay sinipa ko sa mukha habang ang isa ay tinadyakan ko sa dibdib. I need to fight to live. Kung maduduwag ako ay baka lalo akong mapagtulungan. Hindi ko alam na may kutsilyo palang dala ang isang kasama ni Gio na mas matanda sa amin. Muntik na akong tamaan sa tagiliran pero isang palaso ang tumama sa kamay nya at nabitawan nito ang patalim. Kinuha ko yon at ng makita ng grupo ay mga natakot at nagmamabilis na umalis. Natawa ako sa kanila.
Pagkuway kumunot ang noo ko ng damputin ang palaso. Saan yon galing? Nang tingnan ko ang paligid ay nakita ko ang isang batang babae na nasa loob ng sasakyan na tila ito ang nagpakawala ng palaso dahil may tangan syang bow. Nakatitig sa akin ang batang sa tingin ko ay limang taong gulang palang. Nagtaka ako. Baka naman di ito ang may gawa non. Pero iniligtas ng palasong hawak ko ang buhay ko.
"Hoy bata, ikaw ba ang tumira nito?" Tanong ko sa batang babae na nakatingin pa rin sa akin sa loob ng magarang sasakyang iyon. Bakit kaya nasa ganoong klaseng lugar ang sasakyan ?. Mukang mayaman ang me ari.
"I saved you, you're mine!" Sabi nito na ikinakunot lalo ng noo ko. Ano daw? Ingles ay,, paano ko maiintindihan.
Lumapit ako sa bata, nagtaka ako dahil magisa lang pala ito sa sasakyan. Napasulyap ako sa paligid. Sinong tanga ang nagiwan sa batang yon na magisa sa sasakyan sa ganoong lugar? Paano kung makita ito ng mga adik o magnanakaw don? Bata pa naman ito at mukang galing sa school base sa unipormeng suot.
"Tagalog lang, ikaw ba ang tumira nito?" Tanong kong inilapit ang muka sa kanya.
"Yes, cause i like you, you're good in fighting" ngiti ng bata. Lintik na to. Yes lang ang naiintidihan ko.
Sa bahay ampunan ay naturuan naman akong magsulat at bumasa ng konti. Pero hanggang don lang. Magsasalita pa sana ako pero may lumapit ng lalaki sa sasakyan.
"Lady Samantha, wala na daw po dito ang mama mo, umalis na daw at di alam ng kapitbahay kung saan lumipat ng tirahan" sabi ng lalaki sa bata. So nakakaintindi naman pala ng tagalog si ineng. Nakita kong tumalim ang mata ng batang babae. Napansin naman ako ng kasama nya.
"Lets go, she doesnt realy want to see me at all," ang sabi ng bata. Hindi na nya ako sinulyapan at tila na bad shot ito.
Nagulat pa ako ng abutan ako ng pera ng lalaking driver pala ng bata. Pero mariin akong tumanggi. Napagkamalan pa akong pulubi tssskkk. Pagkatapos non ay umalis na ang magarang sasakyan sa lugar na yon. Pinagmasdan ko ang palaso na ginamit ng bata para iligtas ako. Kakaiba yon... At sa katawan ay may nakaukit na pangalan . QUEEN..
Ilang araw pa ang lumipas ay nasundan pa ang mga rambol namin nila Gio. Walang sawa ang mga ito sa basag ulo at nakakainis na.
Naaabala tuloy ako sa trabaho. Mabuti nalang at nakalayo ako ng may dumating na pulis. Nagulat pa ako ng biglang may humarang sa akin na itim na Van. Kumunot ang noo ko ng lumabas mula don ang isang matandang lalaki.
"Agustin right?" Sabi nya.
Tiningan ko ang lalaki. Sino na naman ito?
"Ako si Juanito Evañez, ilang araw na kitang sinusubaybayan at napansin kong magaling kang makipaglaban." Sabi nito.
"Wala po yon, kailangan lang" sabi ko.
"Gusto mo bang sumama sa akin?"
"Ho?"
"Palaboy ka diba? Kung gusto mo ay sumama ka sa akin, don makakapagaral ka at di ka magugutom,"
"S-saan po? Aampunin nyo po ba ako? Ayoko na po kaseng magpa-ampon" matapang kong sabi. Gusto kong ipakita sa mayamang lalaki na hindi ako uto- uto kahit bata lang ako.
Pero tumawa ang matanda. Muka naman itong mabait. Lalo na siguro kung tulog.
"Hindi kita aampunin, i just want to help you, sayang ang talento mo, kung papayag ka ay dadalhin kita sa kampo kasama ng anak kong si Julio at doon ay sabay kayong magsasanay upang maging pinakamagaling" aniya.

BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...