AGUSTIN'S POV....
NGAYON lang ako kinabahan ng ganito sa tanang buhay ko. Kahit sa kalaban ay dipa ako kinabahan at natakot ng ganito. Pinagpapawisan ako ng malapot at di mapakali habang nakatingin kay Samantha na nakahiga sa papag at kasalukuyang hirap sa pagire. Katabi ang matandang nagpapaanak sa lugar na yon. Naroon din si Aling Pasing na katuwang ko sa pagaasikaso.
"Samantha, konting ire pa ineng at lalabas na ang anak mo" sabi ng manghihilot.
Ire naman ang dalaga. Parang ako ay napapangiwi sa nangyayari. Napaaga ang panganganak nito at huli na para dahil ko sya sa laying in clinic na nasa patag.
"Agustin kumuha ka pa ng mainit na tubig." Sabi ng matanda.
"Agustin wag kang umalis" naiiyak na sabi ni Samantha na puro pawis na sa mukha at leeg.
"Naku ako na nga ang kukuha" sabi ni Aling pasing.
Pumuwesto ako sa tabi ni Samantha.
"Samantha konting tiis nalang at lalabas na ang anak natin" sabi ko saka hinawakan ang kamay nya.
"Agustin mamamtay na yata ako sa sakit" daing nya.
Pinahid ko ang tagaktak ng pawis sa noo nya.
" Ineng isa nalang malakas na ire at nakikita kona ang ulo ng anak mo" sabi ng matanda.
Isang ire nga ang ginawa ni Samantha. At narinig namin ang malakas na iyak ng panganay naming anak.
"Lalaki ang anak nyo!"
Napangiti ako sa narinig, para akong natulala saglit sa kaligayahang sumapuso sa akin ng marinig ang palahaw ng bagong silang naming anak ni Samantha. Nang sulyapan ko si Samantha ay nahimatay na pala ito .
ALEJANDRO'S POV....
NAPATIIM bagang ako sa sinabi ng investors na kausap ko ng araw na yon. Mas pinili nya ang mag invest sa kompanya ni Gascon na ngayon ay dina mapigil sa pagunlad dahil kakabit ito ng pangalan ng mga Evañez. Ilang investors na ang tumanggi sa akin dahil sa kompanyang yon at ayoko mang isipin ay tila nananadya ang kaibigan.
Napilitan akong puntahan sya sa opisina nito. Nabigla pa ako ng makita ang makabagong mga equipment doon. Nagtagis ang bagang ko. Mukang nagpapaalipin sya sa Julio Evañez na yon ah porke pinakasalan ang anak nya.
"Sir wait nyo nalang daw po si Mr. Solejos sa loob" anang sekretarya nya.
Tumango ako at pumasok doon. Ibang-iba na ang dating pipitsugin na kompanya ni Gascon. Nakakainis man pero mas nalamangan na nito ang mondejar inc.
"Alejandro,.musta?"
Napatayo ako sa pagkakaupo sa opisina ni Gascon ng dumating ito at masaya akong batiin. Walang ekspresyon ang mukang tinanguan ko lang sya.
"You've changed Gascon, from zero to top. Mukang hiyang ka sa pera ng manugang mo?" Sabi kong puno ng sarkastiko ang tinig. Tumawa lang ito na ikinaasar ko.
"Alejandro, nagmamahalan sila ni Georgia kaya pumayag akong ikasal sila at nag invest ng malaking halaga si Julio sa kompanya kaya sino ba naman ako para tumanggi diba?"
Napatiim bagang ako. Planado lahat yon ng Julio na yon.
"Alam mong kalaban ko ang batang Evañez na yon Gascon, bakit ka pumayag na ikasal si Georgia sa kanya?"
Bumuntong hininga ito.
"Kase magkakaanak sila, sinabi kona sayo na ayoko ng gumitna sa away nyong dalawa. Tahimik na ako sa negosyo ko"
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
