SAMANTHA'S POV..
MUGTO na naman ang mga mata ko ng magising kinabukasan. Magdamag ba naman akong umiyak sa kwarto at kahit sino ay di ko kinausap. Kung di nga lang ako nakaramdam ng gutom ay nungkang lumabas ako ng silid. Kaya lang ay sobrang hapdi na ng sikmura ko. Ayokong magkasakit at baka lalong diko makita si Agustin.
Naghilamos lang ako at pagpalit ng damit bago lumabas ng silid. Ang tahimik naman masyado ng kabahayan. Asan kaya ang mga tao? Dahan-dahan lang ang paglalakad ko dahil sinisiguro ko munang wala sa hacienda si Uncle Vicente. Ayoko na muna syang makaharap at baka kung ano na naman ang masabi ko.
Ngunit ng mapatapat na ako sa opisina sa mansyon na yon ng lolo Alfonso ko ay kumunot ang noo ko ng makarinig ng mga nagtatalong tinig. Dala ng kuryusidad ay sumilip ako don at nakita ko ang papa ni Eli, si Lolo , si Uncle Vicente,si Luis Mondejar at tatlo pang lalaki na di ko alam ang pangalan. Nagtaka ako. Ano kayang ginagawa ng mga ito sa mansyon at bakit tila nagtatalo ang mga ito.
"Ang lakas ng loob nilang pagtangkaan ang buhay ni Samantha, mga hayop sila" galit na sigaw ni Vicente. Bahagya ko pang iniawang ang pinto para marinig mabuti ang pinaguusapan nila.
"traydor ang mga Evañez na yan, ilang transaction na rin namin ang sinulot ng mga ito, at ngayon pati kayong Suarez ay pinagiinitan" sabi naman ng isa.
"Kailangan na nating patumbahin ang mga yan, ng dina makapagyabang " sabi ni Alejandro . Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Pamilya ni Julio ang pinaguusapan nila.
"Wag muna kayong magpadalos-dalos, malaking pamilya ang babanggain nyo kung sakali, matagal na ang iringan ng mga Evañez at Suarez pero nakukuha pa naman sa usapan. Hindi mabuti kung palalakihin natin ang gulo" saad ni lolo.
"Pero kelan pa tayo kikilos kapag may napahamak na sa pamilya natin? Baka maunahan nila tayo". Si Luis Mondejar.
"Mamayang gabi ang pinakamagandang pagkakataon para ubusin ang mga Evañez. Lahat ng myembro ng pamilya nila ay darating sa mansyon nila Juanito para sa selebrasyon ng ranking ni Julio. Minsan lang mangyari yon, ano sa tingin nyo.?" Mungkahi ng isang lalaki na ikinapanghina ng loob ko.
Mamayang gabi?
"Kung gegerahin natin sila ay gaganti lang ang mga yon at walang tigil na gantihan ang mangyayari" iling na tanggi ni lolo Alfonzo.
"Pero Don Alfonzo gaya ng sinabi ni Florez. Hihintayin paba natin na mauna sila?" Si Alejandro.
"Tama si Alejandro, mamaya ay sugurin na ang mga pesteng yan at tiyakin na walang matitira sa kanila, panahon na para mawala sa mundo ang mga Evañez na yan" pasya ni Vicente.
"Ako ang bahala Vicente, suporta mo lang ang kailangan ko at titiyakin ko sayong walang matitirang Evañez. Pati si Agustin ay isasama namin"
Nanlalaki ang mga matang lumayo ako sa lugar na yon. Mabilis akong tumakbo pababa kipit ang dibdib. Sakto namang naroon pala si Kenzo at may dalang envelop.
"Master Sam?" Nagtataka nyang sabi.
Tila ako natakot pagkakita dito. Hinila ko sya sa taas ng silid at inilock ang pinto.
"Kenzo anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa binata.
"Ha? Kukumustahin sana kita at dala kona nga pala yung titulo ng rancho. Baka makaisip kana ng sagot tungkol don eh!" Nakangiting sabi nya.
Bigla kong naisip ang dalawang kaibigan. Kung magkakaroon ng gulo at may susugod dito malamang na madamay ang rancho nila dahil magkalapit lang yon at hacienda namin. Buntis si Lori at walang bantay ang rancho nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/231910080-288-k326769.jpg)
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...