Chapter - 51

763 124 61
                                        

Eloisa's POV....

Wala na yatang sasakit pa sa nararamdaman ko ng mga oras na yon habang naggagayak na naman ng mga damit sa maleta ang asawang si Miguel. Hongkong na naman? Nakakatawang isipin na sa dinami-dami ng idadahilan nya ay business trip pa ang napili nya. Sabagay maganda nga namang dahilan yon para umalis lagi.

Napabuntong hininga ako. Kaya kopa ba ang sakit? Alam kong may pinupuntahan syang babae, at kahit mahirap sa akin ay gusto kong malaman kung sino yon. Noon pa man ay batid kong walang pagmamahal sa akin ang asawa bagamat maayos ang pakikitungo nya sa akin. Pero nitong mga nagdaang buwan ay mas naging malala sya.

Palagi ko syang naririnig na may kausap sa telepono at kung ano ano ang ibinibilin. Lagi itong nagiisip ng malalim at minsan pa nga ay natutulala. Nahuli ko pa itong naglabas ng malaking pera sa banko. Saan nya yon dinala? Then i saw some logged book in his office at nakita ko ang lugar na lagi pala nyang pinupuntahan tuwing sinasabi nyang may business trip sya.

Kaya nang makaalis si Miguel ay agad ko syang sinundan sa sinasabing Solace Palace. Malayo iyon pero sakop pa ng kasunod na lungsod. Kinabahan ako ng makita kong ipinasok nya ang sasakyan doon. Napakataas ng bahay. Kahit malayo ito sa main gate ay tanaw mula sa labas ang marangyang mansyon na yon na di ko alam na may ganong property ang asawa. Kelan at bakit nya ito binili? Ang Solace palace ay nakatayong parang palasyo sa may burol na napakaganda ng tanawin sa baba. Nakita ko ang ilang tauhan na nagbabantay sa gate.

Ilang saglit bago ako nagmaniobra para pumasok din. Nakita ko ang gulat sa mga mata ng tauhan nya nang makilala ako. Ang iba ay walang ideya kung sino ako.

"Buksan nyo ang gate!" Mariing utos ko.

Sa reaksyon palang nila ay batid ko ng may itinatago don si Miguel and i need to know kung sino o ano yon.

"M-maam--"

"Buksan nyo kung ayaw nyong barilin ko kayo" banta ko ng kunin ko ang baril at itutok yon sa kanila.

Walang nagawa ang mga ito kundi buksan ang gate. Mabilis akong pumasok at ganon nalang ang pagkabighani ko sa ganda at lawak ng lugar sa loob niyon. Mabilis kong itinigil sa tabi ang kotse ng tutukan ako ng mga baril ng mga bantay sa gate ng bahay. Bumaba ako doon at nakita ko ang pagkagimbal nila ng makilala ako.

Pero mas nagimbal ako ng makita ang babaeng pinupuntahan ni Miguel don.

Samantha?




Miguel's POV...

Hindi ako makatingin ng ayos sa harap ng asawang si Eloisa. Alam kong darating din naman ang araw na malalaman nya ang tungkol kay Samantha pero diko akalain na ganito kaaga. Wala akong choice kundi papasukin sya sa mansyon. Umiiyak sya habang nakatingin kay Samantha na nasa ganoong kondisyon.

"Miguel paano mo ito nagawa? Paano mo kami nagawang lokohin ng anak mo?" Puno ng pagdaramdam na tanong nito.

Muli akong napabuntong hininga.

"Im sorry Eloisa, mahal na mahal ko sya. Alam mo yon diba?---"

"Pero may pamilya kana, at si Sam?? May anak syang naulila dahil sayo, Miguel naman hindi kaba natatakot na malaman ng mga Suarez ang ginawa mong ito?"

Natatakot? Wala na akong kinatatakutan basta nasa akin si Samantha.

"Nakahanda ako sa anumang pwedeng mangyari. Pero hinding-hindi nila makukuha si Samantha sa akin" buo ang loob na sabi ko. Lalo syang napaiyak.

Nasasaktan ako sa nakikitang paghihirap ni Eloisa. Kaya lang mas mabuti nang alam nya ang lahat. Nilapitan ko sya para yakapin pero tumanggi sya. Naiiyak akong lumuhod sa harap nya.

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon