Samantha's POV....
Hindi ko alam kung anong oras na ng mga sandaling yon pero wala nang ulan sa labas. Nagising akong yakap yakap ni Agustin habang nakahiga ito sa lapag. Napangiti ako at ninamnam ang init ng yakap nya. Hindi ako nagkamali. Gusto ko talaga ang lintik na to. Gusto ko mang manatili sa bisig nya ay hindi pwede. Baka may makakita sa amin sa silid na to ay mapahamak pa ang binata. Kaya dahan -dahan akong bumitaw sa kanya at umalis sa ibabaw nya. Ikinumot ko kay Agustin ang polo nyang nasa lapag saka ito sinalat sa noo. Mainit pa rin ang binata.
Tahimik ko syang iniwan doon at pumunta sa dorm kung nasaan ang silid ko.
Nagulat pa ako pagkapasok don nang makita ang pagmumukha nila Kenzo at Lori na tila problemado. Nang makapasok ako ay agad akong nilapitan ng dalawa.
"Master saan ka nanggaling? Kung di ka namin kilala ay baka naipareport na kita sa mga pulis. Anong oras na?" Salubong ni Kenzo.
"Oo nga Ms. SAM, Bakit naman ngayon ka lang nakabalik. Imposble namang naligaw ka eh di naman kalawakan tong kampo" sangayon ni Lori sa bf nya.
Bumuntong hininga ako. Alas dose na pala ng hating gabi. Pero okey lang. Masaya naman.
"Ai parang tanga lang. Master anong nangyayari sayo?"
"Wala kenzo, okey lang ako, nakipag-date lang, pumunta kana sa silid mo at inaantok na ako" sabi ko sa lalaki.
"Ha sinong ka- date mo?"
"Wag ka ng matanong pwede? Saka wag mo akong tawaging Master dito, tunog amazona yon eh, baka kung anong isipin ng Mahal ko" simangot ko.
"M-mahal?" Sabay pang tanong ng dalawa.
"Shhhh ano ba ang ingay nyo, alam nyo namang magkakatabi lang ang kwarto baka kagalitan tayo ng ibang student" sabi ko kaya natahimik ang dalawa.
"Sino yung ka-date mo Ms.?" Mahinang tanong ni Lori.
Ngumiti ako ng matamis.
"Si lintik man. Agustin Quinto" sabi ko na ikinalaki ng mga mata nila.
"Whoah.. Ikaw na talaga Master... " natutuwang sabi ni Kenzo. Nag- apir pa kami ng kamay.
"Bukas ko na ikwekwento sa inyo ang lahat. Kenzo matulog kana sa kwarto mo" sabi ko.
Tumango ang lalaki. Balak kong maglinis muna ng katawan bago matulog kaya lang malayo nga pala ang Cr. Nasa dulo pa. Nahihiya naman akong magpasama kay Lori kaya nagpalit nalang ako ng damit at nahiga ng may ngiti sa labi. Sinadya kong iwan ang sombrero ko don para may dahilan si Agustin na kausapin ako. Galing ko talaga.
Julio's POV...
Umaga na at malapit nang mag - start ang klase pero narito parin ako sa silid namin at hinihintay magising ang kaibigang si Agustin. Hindi ko alam kung anong oras itong nakauwi kagabi sa kwarto namin. Pero nagising nalang ako na nakahiga na ito sa katre nya at nilalagnat. Ang nakakapagtaka ay may dala itong sobrero ng babae.. Curious na curious ako pero diko sya magawang gisingin . Mataas parin ang lagnat nya. At naikuha kona sya ng gamot sa clinic at basang bimpo. Pati almusal ay ikinuha ko na din sya para may kainin sya mamaya pag gising.
Naisip kong mamaya ko nalang sya tatadtarin ng tanong pag balik ko. Kailangan ko ng pumasok. Ngayon palang ako nakakabawi sa aralin, si Agustin naman ay matalino, kahit um-absent ito ay okey lang. Hindi tulad ko na laging naghahabol.
Kaya iniwan ko sya at pumunta na sa klase."Ano nilalagnat si Agustin?" Nabiglang reaksyon ni Miguel. Naghihintay kaming dumating ang guro sa classroom na yon.
"Oo, kahapon pa yon sinasama, natuluyan kanina" sagot ko sabay sulyap kay Georgia na alam kong nakikinig.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomansaAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...