Agustin's POV....
Nakakabingi ang palahaw ni Julio sa loob ng clinic ng kampo. Sa ingay nito ay tinatawanan na sya ng mga kasamahan namin na may mga sugat at pasa din dahil sa labanan na nangyari. Ako itong bugbog sarado dahil sa dami nilang nakalaban ko ay sya pa ang may ganang mag-atungal.
"Nurse dahan-dahan naman, kung makangudngud ka naman ng bulak ay wagas eh!" Nakasimangot na reklamo nito sa nurse na gumagamot sa kanya.
"Hoy Julio ang ingay mo, para konting gasgas lang yan!" Sigaw ni Carlos sa kanya. Kaklase din namin.
"Eh sa masakit eh"
"Julio padagdagan mo nalang yan kay Agustin para di ka OA dyan" buska ni Eli sa kanya. Swerteng wala itong tinamong fracture sa pagkakahagis ko sa kanya kanina.
"Yabang mo isang hagisan ka lang naman ni Agustin!" Sabi ni Julio dito.
Napapailing nalang kami ni Miguel ng magaway ang dalawa. Hindi ko magawang magsalita dahil sa sakit ng katawan. But i saw Miguel na tila may malalim na iniisip. Ano kaya yon?
Pero hindi ko nalang sya tinanong at ipinikit ko ang mga mata. Sobrang sakit ng katawan ko. Pero sa pagpikit kong yon ay mukha ni Samantha ang nakita ko sa aking balintataw. Nakita ko sya kanina na may pagaalala sa mukha nya habang nakatingin sa akin. At nagdulot yon ng kasiyahan sa puso ko.
"Ano kaya ang resulta ng laban kanina?" Natanong ni Eli pagkuwan.
"Ano pa edi number one na naman si Agustin, bakit kase ang yabang ng isang yan? Feeling pogi." Sabi ni Julio. Binato ko sya ng unan.
"Kinakabahan ako, tiyak na masesermonan ako ni daddy, Agustin bakit di mo manlang ako pinasuntok kahit isa? Lalagpak ako sa rank nyan eh!" Reklamo pa sakin ni Eli na ikinatawa nila. Diko naman magawang sumabay ng tawa dahil ang sakit ng mukha ko.
Nang maiwan nalang ay kami ni Julio. Seryoso ko syang kinausap.
"Anong pakulo mo? Bakit di ka nanlaban kanina? Isang tira lang humilata kana eh di ka naman ganon!" Inis kong tanong sa lalaki. I know Julio's capacity. He is good in fighting. Mahina nga ito sa Academic ay iba naman ito pag labanan na.
"Ganon talaga Agustin, Naisip ko kase na di pa ito ang oras para ipakita sa kanila ang galing ko. Kung makikita yon ng mga kalaban ni Daddy ay baka magbalak pa ng paninira sa akin. Alam mo naman ang sitwasyon ko." Aniya .
Napatingin ako sa kaibigan. Hindi ko alam na may utak din ito sa mga ganong bagay pero napangisi ako sa kanya.
"Julio alam mong na sayo ang suporta ko, hanggang huli.. Hindi dahil sa utang na loob ko sa pamilya mo kundi dahil naniniwala ako sa kakayanan mo. Hindi nyo kailangang maging magkalaban nila Eli at Miguel sa darating na panahon, pwede pa nga kayong maging magkasangga!" I said.
"Oo tama ka Agustin, kaibigan natin sila at labas kami sa problema ng pamilya namin, yun nga din ang nasa isip ko"
Tumango-tango ako nang bigla ay pumasok sa clinic si Arturo Villegas. Nagulat tuloy kaming dalawa ng kaibigan.
"M-mr. Villegas?"
"Agustin, julio.. The unbeatable two.. Musta mga bata?" Masayang bati ng lalaki at naupo sa upuan doon.
"Okey lang po, hindi namin inaasahan na napakayaman nyo pala, at special guest pa kayo." Sabi ni Julio sa lalaki na tumawa ng malakas.
Maya-maya ay nagseryoso na ito at tumitig sa akin.
"Busy akong tao, kaya direkta na kitang kakausapin Agustin. Nalaman kong hindi ka pala kasama sa ranking. Akala ko magiging mafia boss ka balang araw. Pero tinanggihan ka ng taas." Sabi ni Arturo.
![](https://img.wattpad.com/cover/231910080-288-k326769.jpg)
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...