Chapter - 55

759 128 64
                                    

Samantha's POV..

Napaluha ako nang ipakita sa akin ni Markus ang mga larawan ng mga anak namin ni Agustin na nasa cellphone nya. Lalo na si Azzer na mas diko nakasama ng matagal.

"S-sila na ito? " tanong ko habang umiiyak.

"Opo madame, ang panganay nyong anak si Azzerdon Villegas. Mafia boss number 2, inampon sya ni Mr. Arturo Villegas bago nawala si Agustin Quinto, si Ellaina naman po ay dating Nicole Perez. Pareho silang nasa MU. Ang dati nyong hacienda ay naging university ng masunog ito  noon."

Lalo akong napaiyak ng maintindihan ang mga nangyari. Nakadama ako ng awa sa mga anak ko. At galit sa mga taong gumawa non sa amin.

"Sana alam nila na magkapatid sila. Kumusta kaya ang relasyon nila?" Tanong kopa.

"Batay sa nakalap ko, hindi po nila alam na magkapatid sila. Ang anak nyo pong si Azzer ay bestfriend ng nobyo ni Ellaina. Si Jarred Dave Evañez. "

"E-evañez? Akala ko anak ni Miguel ang nobyo nya?"

Umiling ang lalaki.

"Hindi kopo alam masyado ang takbo ng lovelife nila. Si Azzer ay asawa ni Danica, anak din ni Julio. Ang problema lang po ay parehong nawawala si Danica at ang anak nyong si Ellaina. May nagsabi na nagtanan sila ni Traviz, anak ni Mr. Cabrera. "

"A-ano? Bakit gagawin yon ni Ellaina?"

"Mukang magulo po ang love life ng anak nyong yun. Sa narinig ko sa mga tao ay playgirl daw po si Ellaina--- ewan ko lang po" naiilang na sabi ni Markus.

Napabuntong hininga ako. Siguro kung kasama nya ako ng lumaki sya ay baka nagabayan ko sya ng ayos. Pero sinabi naman ni Markus na maayos ang pamilya Perez na kinalakhan nya.

"May isa pa po akong nalaman Madame"

Napatingin ako sa binata.

"Ano?"

"Totoo pong patay na si Eleazar Mondejar, pero nagpapanggap na  Eleazar ang kakambal nitong si Aurelio. At ang huling balita ay napatay na din ito nila Jarred at Azzer bago magtanan ang dalaga nyong anak"

Napapikit ako ng mariin. Ibig sabihin ay may kinalaman si Miguel sa lahat ng yon. Bakit nya hinayaang magpanggap ang lalaking yon na si Eli kung wala silang planong masama?




Miguel's POv...

Naninikip ang dibdib ko ng malaman ang ginawang pagalis sa bansa ni Traviz kasama ang anak ni Samantha nasi Ellaina. Tinawagan lang ako ng anak para magpaalam. I tried to stop him dahil tiyak na ha-huntingin sya ng anak ni Julio pero matigas ang ulo ni Traviz.

"Miguel anong gagawin natin? Baka masundan sila ni Jarred, alam mo naman kung sino na ang batang yon, baka saktan nya ang anak natin at----" umiiyak sa pagaalala ang asawa ko. Niyakap ko ito para kumalma.

"Wag kang magisip ng ganyan Eloisa, matatauhan din ang anak mo,"

"Pero paano pag pinatay sya ng dalawang yon? Si Azzer kapatid pala ni Ellaina. Paano na Miguel. Hinahabol na tayo ng karma" sabi nito.

Napayuko ako.. Hindi ako naniniwala sa karma. Naniniwala ako sa tadhana. Sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan, hindi ako makakapayag na si Traviz ang magbayad non.

"Ika-cut ko ang allowance nya pati mga credit card nya. Kapag naubos ang pera nya tiyak na babalik yon" sabi ko.

Traviz anak.. Hindi ka mahal ng babaeng yan. Wag ka nang tumulad sa akin.

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon