Julio's POV....
Nabigla ako at hindi agad nakapagsalita ng kausapin ako ni Vivian at sabihin na nakikipag break na sya sakin. Like what the fuck? Kami ba? Sabagay pinangakuan ko naman sya ng kasal dahil sa nangyari sa amin. Pero ang ikinagugulat ko ay ang sinabi nyang magmi- migrate na daw ang pamilya nya sa ibang bansa. Bagay na ipinagtaka ko. Ang alam ko kase ay maraming negosyo ang pamilya nila sa pilipinas, biglaan naman yata ang pagalis ng mga ito.
"Vivian kaya ka ba nakikipag break ay dahil aalis na kayo?" Tanong ko sa dalaga.
"Part of.. Pero ang dahilan ko talaga ay dahil iba naman ang mahal mo eh, hindi ako yon diba?"
Hindi ako nakaimik.
"Vivian alam mong si Georgia ang mahal ko, pero handa kong panagutan ang nangyari sa atin, ----" umiling- iling lang sya kaya natigil ako sa pagsasalita.
"Okey na yon wag mo ng isipin. Kaya nga ako nakikipag break na sayo para hindi kana mapilitang pakasalan ako, makaka move- on din ako Julio" sabi nya. Medyo nalungkot ako para sa dalaga. Kahit papano ay may pinagsamahan kami at lahat ay masasaya lang. Kahit nong mag break kami ay hindi kami nagaway at naging magkaibigan pa nga kami. Kaya kahit iba na ang gusto ko ay nalulungkot parin ako sa kaalamang aalis na sya at malamang na hindi kona makikita.
"Vivian"
Niyakap ko ang dalaga. Nagulat pa ako ng umiyak ito sa dibdib ko. Nawala ang katapangan at kamalditahan ng babae.
"Julio ingatan mo ang sarili mo, sa mundo natin alam mong maraming kalaban, Sana hindi kayo mapahamak nila Agustin, umaasa akong pag nagkita tayong muli ay ikaw na ang Mafia boss number one. "
"Ano number one? Para kang sira alam mo naman na mahina ang utak ko. Si Miguel at Eli pa baka sakali sila ang maglaban sa rank 1, pero ako? Naku ewan ko lang--" natatawa kong sabi pero seryoso ang dalaga.
"Magaling ka Julio, yan ang itatak mo sa isip mo. Kung matalo ka man sa akademya ay kayang -kaya mong bumawi sa labanan. Alam kong kaibigan mo sila pero sana ikaw ang maging number one, "
"S-salamat sa tiwala Vivian. Hayaan mo at gagalingan ko," nakangiti kong sabi.
Malungkot man sa pagalis ni Vivian ay masaya naman ako dahil nakipag break na sya sakin. Nakahinga ako ng maluwag. Pwede ko ng ligawan si Georgia. At ipinapangako ko na hindi na ako maglalasing.
NANG araw na yon ay umuwi ako sa mansyon dahil sa mahalagang sasabihin ng amang si Juanito. Ako lang ang pinatawag nya kaya dina sumama si Agustin at nagpaiwan sa MECS.
"Papa?" Tawag pansin ko sa ama. Nasa hardin ito at umiinom ng kape katabi ang assistant nito.
"Julio, come here son!" Masayang sabi nya at pinaalis ang mga tauhan sa tabi kaya naiwan kaming dalawa don.
"Pa bakit nyo ako pinatawag?" Naupo ako sa tapat .
"I just want to see you Son, kumusta na ang studies mo?"
"Maayos naman po" sagot ko.
Kakaiba ang awra ng ama ko ngayon. Tila problemado ito at parang may lambong sa kanyang mga mata.
"Julio alam mo naman na ikaw lang ang tagapagmana ko diba?" Seryosong sabi nya, tumango ako.
"Alam kopo pA"
Bumuntong hininga sya saka matiim akong tinitigan.
"Matanda na ako ng magasawa at ang mama mo naman ay sakitin kaya maagang nangiwan. Ikaw ang pinakamahalaga sa akin anak, kaya ang gusto ko maging malakas ka, ipinasok kita sa MECS para makakuha ka ng ranggo. Kung basta ka lang Mafia boss ay hindi ka makakakuha ng kakampi. Pero kung mapapasali ka sa Rank tiyak na pagtitiwalaan ka ng lahat ng mga bosses. Julio naiintindihan mo ba ang mundo natin?"
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomansaAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
