Chapter - 38

771 125 75
                                        

GEORGIA'S POV....

Naabutan ko si tito Alejandro sa bago naming bahay galing kaming palengke ni mama at nagpa check up don. Gusto ko sanang makatiyak sa gender ng anak ko pero di pa daw pwede.ilang buwan pa daw.

Ewan ko pero parang ayoko muna syang makita. Baka mapahamak na naman ang papa ko dahil sa kanya. Lumayo na nga kami pero nakasunod parin ito.

"G-georgia buntis ka nga" sabi nito habang nakatingin sa tiyan kong halata na sa daster.

Seryoso ang mukha ni daddy. Tila madilim ang mukha nito sa kausap.

"Alejandro umalis kana, wala na akong balak makipagsabwatan pa sayo, tahimik na kami ng pamilya ko dito" sabi ni papa sa kanya.

"Gascon ano kaba, maganda ang plano ko, kahit bukas din ay mag invest ako sa kompanya mo, magagamit natin ang pinagbubuntis ni Georgia laban kay Julio, anak nya yan"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Nakadama ako ng takot. Bakit pati anak ko ay gustong gamitin ni tito laban kay Julio. Wala naba talagang natitirang konsensya dito?

"Hindi ako makakapayag. Alejandro sumosobra kana. Umalis kana at wag ng babalik. Matagal ko ng tinapos ang o
Pagkakaibigan natin mula ng tanggihan mo akong tulungan sa paghahanap kay Georgia non"  galit na sigaw ni Papa. Inawat ito ng mama ko.

"Ikaw ang bahala Gascon, sana lang ay hindi mo pagsisihan yan, baka kapag sinugod kana ni Julio dito ay saka ka lalapit sa akin para humingi ng tulong" madilim ang mukhang sabi ni tito Alejandro bago umalis sa bahay namin.

Nagpupuyos ang kalooban ni papa ng makaalis ang lalaki. Medyo nabawasan ang pangamba ko dahil di pumayag si papa sa gusto ni tito.

"Georgia anak, delikado ang ipinagbubuntis mo, baka kung anong gawin sayo ng hayop n Alejandro na yon at mapahamak pa kayo" sabi ni papa.

"Papa anong gagawin ko?" Kinakabahan kong tanong.

Napapikit ng mariin ang ama ko. Nagaalala din si mama sa tabi nya.

"Kailangan mong bumalik kay Julio, doon mas mapo- protektahan ka at ang anak nyo. Kung narito ka ay delikado. Ni guard ay wala na tayo. "

"Papa"

Natakot ako sa suhestiyon nito. Oo nga at nami-miss kona ang binata. Pero hanggat di pa ako sigurado sa gender ng anak ko ay ayaw kong bumalik sa kanya. Baka patayin nya ang baby ko pag naging babae yon.

"Anak kahit ayaw ko sa taong yon ay wala akong ibang choice. Anak nya yan at sigurado akong tatanggapin nya"

Hindi ko naman masabi sa ama ang aking saloobin. Napayuko nalang ako.

GASCON'S POV....

Kinamumuhian ko ang Julio Evañez na ito dahil sa ginawa nya sa aking anak. Pero handa kong isantabi ang galit na yon sa binata para masiguro ang kaligtasan ng anak at apo ko sa isa pang ganib na si Alejandro. Talagang sagad na ang kasamaan ng dating kaibigan. Kaya ibinaba ko ang aking pride at pinuntahan ang lalaki sa mansyon ng mga Evañez.

Nakita ko na naman ang napaka daming bodyguard doon. Bantay sarado ang malaking bahay. Tiyak na ligtas si Georgia dito. Kompara sa amin na isang bala lang ay pwede nang tumagos sa katawan namin at ikamatay.

"Hintayin mo nalang dito si Don Julio" sabi ng isang tauhan.

DON JULIO? Sobrang bata naman nito para sa ganong tawag. Kinakabahan na naman ako sa paghaharap namin ng lalaki. Lalo na nang makita ko syang pababa sa mansyon nya.

"Gascon ano na namang ipinunta mo dito? " galit na sabi ng lalaki.

"Tungkol kay Georgia ang ipinunta ko."

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon