AGUSTIN'S POV.....
NANG makarating kami sa mansyon nila Julio matapos ihatid ng huli si Georgia ay naabutan namin ang papa ng kaibigan na umiinom ng alak sa sala ng bahay at tila sadya kaming hinihintay.
"Mga babaero, lumapit nga kayo dito" tawag sa amin ng lalaki ng matanaw kami sa bungad ng pinto.
Nagaalangan kaming lumapit sa lalaki.
"Pa gabing -gabi naman yang alak mong yan, masama yan sa puso nyo ah?" bati ng kaibigan sa ama. Nagmano lang ako sa lalaki at naupo din sa tapat nito.
"Wag mong baguhin ang topic Julio, ano yung narinig ko kina Doni na double date daw kayo nitong si Agustin? Pati kaibigan mo ay tinuturuan mo na ring mambabae tskk" aniya.
"What,? Pa sya nga ang nagbalak non at sumama lang kami ni Georgia sa perya" depensa ni Julio. Nakangiti lang ako sa usapan ng dalawa.
"Perya? Ang cheap nyo naman, teka sinong Georgia?" Tanong ni Juanito Evañez.
"Anak ni Gascon, kilala nyo yon diba?"
Sukat sa narinig ay natigilan ang lalaki. At lalo itong di nakaimik ng sabihin naman ni Julio na si samantha Perez ang nobya ko.
"Tskk tingnan mo nga naman ang pagkakataon, sa mga yon pa kayo na-in love. Mga anak ng kaaway ng mga Evañez"
"H-ho? Pati si Georgia Pa?" Reaksyon ng kaibigan. Alam naman naming nagkakaalitan ang mga Evañez at Suarez pero diko alam na maging ang pamilya ni Georgia ay kasali don.
Malungkot na tiningnan kami ng ama ni Julio.
"Agustin, Julio anak, kailangan mong mag rank 1, maraming gustong magpabagsak sa mga Evañez at dahil Ang mga Suarez ang pinaka may kakayahang gawin yon, maraming naninira sa atin sa kanila para magalit ang mga ito sa atin so they'll take our place. "
Natahimik kami ni Julio at napaisip ng malalim.
"Julio seryosohin mo na ang buhay mo, ayokong saka ka palang kikilos kapag nandyan na ang problema, Si Georgia--- ang pamilya nila ay nakasuporta sa Mondejar. Masyadong tuso si Luis, Gusto nila ni Alejandro na makilala ang Apelyedo nila sa taas kaya dumidikit sila sa mga Suarez, hindi natin alam kung kelan susugod ang mga kalaban. Please Julio iwasan mo si Georgia.. Ang nabalitaan ko ay nais syang ipakasal sa alin mang anak ni Alejandro"
Nagulat si Julio sa narinig . Hindi ito nakapagsalita. Napatayo ito bigla.
"Hindi yan totoo Pa, iba si Georgia.. Kung may away man ang pamilya namin ay labas na kami don, magkakaibigan kami at hindi namin hahayaang masira yon!"
Pagkasabi ni Julio non ay tumayo ito at galit na umakyat ng taas ng bahay. Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin. Sinumpong ang kaibigan ko tskk.. Bigla tuloy namroblema si tito Juanito.. Ako naman ang binalingan nya.
"Agustin.. Help my Son.. Kung dumating man ang oras na----- Please mangako ka na di mo sya iiwan"
"H-ho? Tito ano po bang sinasabi nyo, masyado kase kayong seryoso.. " pinilit kong mapagaan ang paguusap naming yon.
Umiling -iling ang lalaki..
"Hanggat maari ay umiwas kana sa mga Suarez, Agustin hindi sila basta-basta.. Lalo na ang Vicente na yan. Nagbalik na sya ng pilipinas at alam kong malapit na ang gulo. Kaya lamang tahimik ang mga yon ay dahil di pa lumalabas ang ranking ng mga bagong Mafia.
"T-tito-- anong gulo?---"
"Agustin hawak ng mga Suarez ang pinakamagaling na Assassin sa buong Europa, maari ding pinakamagaling sa buong mundo, walang nakakaalam kung sino sya maliban sa kanilang pamilya. At ang hula ko ay si Samantha yon----"
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
