8 YEARS LATER....
Samantha's POV...
Heto na naman ako, ilang ulit naba akong nagtangkang tumakas pero sa huli ay bigo parin na makaalis sa impyernong pinagkulungan sa akin ni Miguel? Matapos ng nangyari sa akin ay nagpasalamat ako at di ko ikinamatay ang aksidente na yon. Kung meron mang magandang idinulot yon ay ang pagiging maingat na sa akin ni Miguel.
Sayang, malapit na eh, nasa main gate na ako. Kaya lang bigla nalang yong bumukas at pumasok ang kotse ng lalaking kinasusuklaman. Napalugmok ako sa pagkapagod at panlalata. Sobrang dami ng mga taong nakabantay sa akin don. Padami sila ng padami araw-araw sa loob ng halos walong taon.
Bumaba si Miguel at madilim ang mukha nya ng tingnan ako. Ginantihan ko yon ng matalim na tingin. Pagkuway nabaling ang atensyon ko sa kasama nitong binata. Yon ba ang anak nya? Nakatingin din ito sa akin. Kumunot ang noo ko dahil parang may pamilyar na mukha akong naaaninag sa kanya.
"Samantha hanggang ngayon ba naman ay tinatangka mo paring tumakas dito? Napakatigas ng ulo mo," aniya saka ako hinawakan sa braso at kinaladkad pabalik ng mansyon.
Nang makapasok don ay marahas syang napabuntong hininga ng makita ang maraming sugatang tauhan.
"Kahit ano pang gawin mo, hindi ako titigil hanggat di nakakatakas dito" sabi ko sa lalaki.
Galit nya akong binitiwan kaya halos mapasubsob ako sa damuhan. Mabuti nalang at nakahawak ako sa katawan ng hagdan papasok ng palasyong yon.
"You can't run away Samantha. lalo na ngayon nakakita na ako ng magaling na magbabantay sayo. Hindi kana makakatakas pa" sabi nya na ikinakunot ng noo ko.
Napasulyap ako sa binatang kasama nya dahil makahulugan nya itong tiningnan.
"This is Markus, mula ngayon ay sya ang magiging personal mong tagapagbantay. Kung ano ang kakayanan mo sa pakikipaglaban ay alam din nya kaya wala ka ng magagawa pa para makatakas." Aniya.
Nanginig na naman ang kalamnan ko sa galit. Balewalang pumasok sa loob si Miguel. Di ko pinansin ang binata na si Markus at bagkus ay sinundan ko ang lalaki para komprontahin.
"Miguel.hanggang kailan mo ba ako ikukulong dito? Parang awa mona naman, Miguel kailangan ko nang makita ang anak ko. Miss na miss ko na si Ellaina at ---"
"I told you na dito ka lang hanggang di mo ako natatanggap dyan sa puso mo. At wag kang magalala sa anak mo, maayos ang lagay nya."
Kahit pa sinabi nya yon ay di yon sapat para matahimik ako. I need to get out of here. Lalo na ng malaman kong patay na si Agustin. Nasaktan ako ng labis at inisip kung nasaan na ang anak naming si Azzerdon. Marami akong kailangang malaman pero para akong ibon na nakakulong sa Solace Palace.
Ilang buwan kong ipinagluksa ang kaalamang wala na ang lalaking pinakamamahal. Para akong mababaliw noon pero ang nagpatatag sa akin ay ang mga anak ko. Sila nalang ang dahilan para di ako mawalan ng pagasang makatakas doon.
Ilang araw ang lumipas. Naging parang anino ko si Markus na kahit saan ako magpunta ay kasunod ko. Ang maganda lang ay nakakalabas na ako ng gate para mamasyal o bumili ng paglilibangan kong mga babasahin. Yun nga lang kasama lagi si Markus.
Sa tantiya ko ay halos kaedad lang ito ng panganay kong anak na si Azzer. Matipuno ang pangangatawan at di mababasa ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi din ito palangiti at never kong nakitang nakipagusap sa mga tauhan don. Profesional itong masyado na ikinaiinis ko dahil sobrang higpit nitong magbantay.
Isang hapon ay dumating si Miguel na lasing at nagulat ako ng magalit sya bigla sa akin. Nagwala sya sa harap ko habang tila galit na galit.
"Ano bang problema mo?" Inis kong tanong dito.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
