SAMANTHA'S POV...
NANG makarating sa hacienda ay mugto ang mga mata ko ng bumaba sa sasakyan ni Eli. Tangka nya akong alalayan sa siko pero pumiksi ako. Dumeretso ako sa loob at nakita ko doon si Vicente at si lolo na ikinabigla ko dahil nakatungkod na sya.
"Samantha?"
Sinugod ako ng yakap ni lolo Alfonzo pero nakay Vicente ang tingin ko. nakita ko pa si yaya Meding na nabigla ng makita ako.
Binalingan ko si Eli at pinaalis muna ito. Usapang pamilya at hindi sya kasali don. Bumuntong hininga ito bago umalis. Saka ko tiningnan ang lalaking tunay na ama ko daw.
"Totoo ba na ikaw ang totoo kong ama? Totoo ba yun mga sinabi ni Eli?" Tanong ko kay Uncle Vicente.
Marahang tumango ang lalaki.
Napaiyak na naman ako. Si lolo ay hinimas ako sa likod."Apo wag kang magalit sa ama mo. Ginawa lang nya ang nararapat para maprotektahan ka"
"Eh bakit nalaman ni Eli?"patiling tanong ko. Matalim na tiningnan si Vicente. "Sinabi mo no? Sinabi mo para mapilitan akong sumama pabalik, you are worst than i imagine. Ipapakasal mo ako sa lalaking hindi ko mahal, anong klaseng ama ka?"
"Samantha wala akong ginawa, si Eli at ang ama nya ang ayaw tumigil. Nanahimik na ako sa ibang bansa pero gusto parin ni Eli na ikasal ka sa kanya, at anong gagawin ko kung alam na nila ang lahat?"
Napapikit ako sa panghihina. Para akong nanlalata na napasalampak sa sahig. Gusto ko nalang masiraan ng bait para wala na akong maalala sa lahat. Hindi kona maaalala ang anak ko at si Agustin. Hindi kona maaalala na niloko ako ni Vicente.
"Apo nanganganib ang pamilya natin kay Eli. Iba sya sa ama nya. Hindi sya titigil hanggat dika nakakasal sa kanya." Naiiyak ding sabi ni lolo. Niyakap ko sya ng mahigpit.
Nakaramdam ako ng matinding poot sa pamilya Mondejar. Sila ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko.
"Samantha" tawag sa akin ni Vicente.
Pinahid ko ang luha at tumayo.
"A-anak" he said . Tangka nya akong yakapin pero umiwas ako.
"Uncle Vicente, yun ka lang sa akin. Isa ka sa sumira ng buhay ko and i will never forgive you" madiin kong sabi. Saka sila iniwan doon at umakyat sa silid.
Ilang saglit ay naroon na si yaya Meding. Umiiyak akong yumakap sa kanya. Nanabik din ako sa tagapagalaga.
"Yaya may anak ako.. May anak kami ni Agustin" amin ko sa kanya. Maging ito ay napaiyak na rin sa sinabi ko.
"Hija tatagan mo ang loob mo, ngayon alam mona ang totoo ay makakapag-plano ka ng dapat gawin"
Napatango ako sa babae. Tama ito.. Kahit ikasal pa ako kay Eli sa lahat ng simbahan ay magagawa ko paring makawala sa kanya basta makapag-plano ako ng tama.
Napaluha na naman ako. At minasdan ang braso kung saan nakalagay ang porselas ni Agustin.
Sana mahintay pa ako ng mag ama ko.
GEORGIA'S POV....
Kasalukuyang nilalaro ni Julio ang anak naming si Danica ng dumating ako sa mansyon. Pero ng makita ako ay agad nyang iniwan ang bata. Napairap ako sa kawalan. Ano bang kaartehan ng asawa ko. Akala koba ay itatapon nya sa kangkungan? Wala pa daw itong makita kaya naroon pa rin ang baby sa bahay. Kunwari pa to. Pero sinasakyan ko nalang ang trip ni Julio.
Maya-maya naman ay narinig ko ang pagaaway nila Joven at Jarred sa tabi ng crib ng sanggol.
"Anong nangyayari?" Tanong ko sa dalawa. Isang anim na taon at magtatatlo nasi Jarred..
![](https://img.wattpad.com/cover/231910080-288-k326769.jpg)
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
DragosteAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...