Chapter - 54

757 121 59
                                    

Samantha's POV...

"May isa po akong kapatid si Erin, mula bata kami lagi na kayong bukang bibig nila Papa, kaya noon paman ay excitted na ang bunso kong kapatid na makilala kayo, fairy godmother pa nga po ang bansag nya sa inyo. Sabi kase ni Papa sobrang ganda nyo daw na parang fairy. At totoo naman pala. Kaya lang nang mamatay sila ni mama nalaman ko na matagal na palang nakasanla sa banko ang bahay at toy factory namin. Hindi ko alam ang gagawin non dahil kakatapos ko lang ng high school,  pinilit kong magtrabaho para sa kapatid ko. Naghirap nga lang sya dahil di sya sanay. Mabuti nalang po at nakakuha ako ng magandang trabaho. Pagka tapos ni Erin ng high school ay sinabi nyang ako nalang muna ang magaral. Kaya nakatapos ako madam sa tulong ng scholarship at ni Erin. Nagtrabaho sya para may maipangtustos sa pagaaral ko. Nagtulong kaming magkapatid para makaahon. Ngayon ay sya naman ang balak kong pagaralin."

Nakadama ako ng lungkot sa kwento ni Markus. Hindi pala naging madali ang buhay nila ng kapatid nya ng mamatay ang mga magulang.

"bago po sya tuluyang mamatay ay ibinilin sa akin ni Papa na hanapin kayo. Kinausap ako ni Papa at sa akin nya sinabi ang tunay na nangyari sa inyo"

Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko si Markus. Kami lang naman ang nasa sasakyan ng mga oras na yon at galing kaming book store. Kasunod ang tatlo pang sasakyan na kinaroroonan ng batalyong mga tauhan ni Miguel.

"Kasama po kase nya ang bodyguard nyo noong si Rex at nakita nya ang pagkuha sa inyo ni Mr. Cabrera. Kaya lang natakot sila Mama at papa na madamay kami kaya sa asawa nyo nalang nya sinabi"

Naguluhan ako sa mga narinig. So naroon din pala si Kenzo ng dukutin ako ni Miguel? Nalungkot ako ng maalala ang dating bodyguard. Pero si Eli-- ibig bang sabihin ay alam ni Eli ang ginawa ng kaibigan nya sa akin?

"M-markus, ibig mo bang sabihin bago namatay si Eli ay alam nya ang nangyari---"

"H-ho? Hindi pa po patay ang asawa nyo. Katunayan ay kasama sya ng anak nyo ngayon. Na coma sya ng magkasunog ang hacienda at ngayon lang sya nagkamalay.--"

Nabigla ako sa sinabi nya at naguluhan.

"Wait anong sinabi mo? Buhay si Eli? Pero ang sabi sakin ni Miguel. Patay na daw si Eli, nagpakamatay ito na di nya sinabi ang dahilan?"

"Madame, hindi po nagpakamatay ang asawa nyo, nagasawa lang sya ng iba."

Napuno ako ng mga tanong at kaguluhan sa isip.

"S-sino ang asawa nya?"

"S-si Georgia po, dating asawa ni Julio Evañez"

Lalo akong naguluhan. Ano ba ang nangyari? Buhay naman pala si Eli pero bakit di nya ako hinanap kay Miguel? At bakit sya nagpakasal kay Georgia?

"Markus, alamin mo ang lahat ng nangyari sa loob ng walong taon, gusto kong hanapin mo rin ang anak kong si Azzerdon, kailangan kong malaman ang nangyari sa kanila" sabi ko sa binata.

"Opo madam, wag po kayong magalala, aalamin ko ang lahat at ipinapangako ko na itatakas ko kayo dito sa tamang oras."

Malungkot man ay nginitian ko ang lalaki habang tumatango. Parang si Kenzo ang kausap ko. Naiiyak na naman tuloy ako ng maalala ang ama nya.

"Markus kapag natapos ang lahat ng gulong ito sa buhay ko, ipinapangako ko na tutulungan ko kayong mabawi ni Erin ang lahat ng mga nawala sa inyo. Yung bahay nyo at toys factory. Ibabalik ko yon sa inyo" pangako ko sa binata.

"Salamat madam, kung ako lang ay wala na sakin yon dahil sanay na ako sa simpleng buhay. Kaya lang sobrang mahal ng kapatid ko ang factory na yon lalo na ang bahay namin. Kahit di sya magsalita alam kong iniiyakan nya lagi ang mga nawala sa amin. Nandon kase lahat ng alaala nila mama at papa"

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon