Agustin's POV....
Kumunot ang noo ko sa amoy na yon na sinabi ni Julio. Bigla ko kaseng naisip si Samantha. Yon ang madalas kong maamoy kapag nasa paligid sya. Naigala ko ang paningin sa loob ng clinic. Posible kayang dumaan don ang dalagita?
"Hay naku ang mga tukso talaga makukulit, pag naman na- virginan iiyak-iyak"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Julio. Napansin kong nakangisi sya at ng magtama ang tingin namin ay kumindat ang kaibigan sabay nguso sa ilalim ng kamang kinahihigaan ko. Napangiti ako.. I knew it.. Hindi makakatiis ang dalagita na di ako puntahan.
"Julio nakita moba sa labas si Samantha?" Kunwari ay tanong ko na mabilis sinakyan ng lalaki.
"Hindi bakit?"
"Hirap kase akong kumain, magpapatulong sana ako" natatawa kong sabi.
"Ha di ko nakita eh, kay Sussaine ka nalang maglambing. Teka at tatawagin ko."
Sira ulo talaga si Julio. Lumabas ito ng clinic room kasabay ng paglantad ni Samantha sa pinagkukublian. Napangisi ako ng matalim nya akong sulyapan.
"Samantha nasa ilalim ka pala ng kama, bakit ka nagtatago?" Painosente kong tanong.
"Agustin mamatay kana, pareho kayo ni Julio babaero!!" Galit na sabi ng babae na muntik ko ng ikahalakhak. Pulang-pula ang pisngi ni Samantha dahil sa inis.
"Anong ginawa ko?"
"Ewan sayo, bwisit ka. Kaya mo siguro ako tinanggihan dahil sa Sussaine na yon, mas maganda naman ako don, legs ko palang wala na syang panama!" Inis na sabi nito.
Sukat sa narinig ay napatawa ako ng malakas. Then i motion her to come closer. Nang makalapit sya at hinila ko ang kamay nya at napasubsob sya sa aking dibdib.
"N-na miss kita Samantha!!" Bulong ko sa kanya . Naramdaman kong natigilan sya.
"A-agustin totoo ba?" Nagliwanag ang mukha nito ng tumango ako.
Saka sya naman ang kusang yumakap sa akin.
"Ayokong magalit ka sakin Sam, masakit dito!" I said at dinala ang kamay nya sa tapat ng dibdib ko.
"Agustin, kahit naman galit ako sayo, gusto parin kita, " nakayukong sabi nya. Pinisil ko ang hawak kong kamay nya.
"Sam, wag kang magmadali.. May oras para sa atin,.. Napaka bata mopa,. At marami pang pwedeng mangyari sayo." sabi ko.
Sumimangot sya bigla.
"Pero gusto mo ako diba?" Tanong ng dalagita. Hindi muna ako sumagot kaya nainis sya saka ako natatawang tumango.
"Gusto kita Sam.. Gustong-gusto kita" tapat kong sabi.
Malawak na ngiti ang sumilay sa mga labi ng dalagita. Saka nya ako muling niyakap.
"Agustin hayaan mo hindi na kita tutuksuhin, aayos na ako ng kilos ko at hindi kita ipapahamak. Basta ang mahalaga sakin gusto mo na ako" aniya.
Hinaplos ko ang buhok ni Samantha. Maaring bata pa nga ito pero handa ko syang hintayin na dumating sa tamang edad para pwede ko na syang mahalin.
Samantha's POV...
Ang kaalamang gusto na rin ako ni Agustin ay nagdulot sa akin ng walang kapantay na ligaya. Kahit pa sabihin na wala pa kaming relasyon ay may unawaan naman kami, yon ang importante. Nakakalapit na ako sa binata at kasa-kasama na nila akong lagi. Kahit sa canteen ay kasabay nya akong kumain. Sa sumo wrestling nila ay naroon din ako. Sa pagtambay nila sa kubo ay isinasama na rin nya ako. At ang saya lang.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
