Julio's POV....
Para akong tumama sa lotto sa narinig kay Georgia. Sa lahat ng kamalasan ko dahil sa kabobohan ko sa math ay diko akalain na may ibubunga din palang maganda yon. Akalain mo yon? Tutulungan ako ni Geogia My loves sa math. Ow shit.. Ramdam kona na magiging maganda ang love life ko ngayong taon.
Masaya akong umuwi ng dorm, si Agustin ang kasama ko don, sa dulo naman sila Eli at Miguel pero nadatnan ko silang kompleto sa silid namin.. Lalo akong natuwa. Mabuti nang naroon din ang dalawa para marinig nila ang maganda kong balita.
"Hoy Julio anong kalokohan mo kanina dyan? Sinagot mo ng ganon si Romero, paano kung ibagsak ka non?" Salubong sa akin ni Miguel.
Pero dahil good mood ako ay tatanggapin ko ang sermon de mamon nila.
"Don't worry Miguel my boy, tomorrow i will kneal in front of everyone to ask his forgiveness"
Sukat sa sinabi ko ay nagtawa si Agustin at Eleazar.
"Akala ko sya ang paluluhurin mo eh, tiyak pasado ka don!" Sabi ni Miguel na ikinainis ko. Pinitik ko sya sa tenga.
"Tumigil ka nga sa kabastusan mo, ikaw yata ang gustong tumira sa baklang yon eh" sabi ko.
"Gago!"
"Ulol, huling pagkapahiya ko na yon sa harap ng klase kase----" ibinitin kopa ang sinasabi at nakangiting tiningnan sila isa-isa.
"Wehhh??" Sabay- sabay na sabi ng tatlong ulupong. Napikon ako kaya tinalon ko si Agustin na nasa higaan at sinakal ko sya ng braso ko. Pero ang bwisit na lalaki ay ihinagis lang ako sa gawi ni Eli kaya sabay kaming bumagsak sa upuan .
"Aray! Tangina mo Agustin" daing ko. Napatama ang pangupo ko sa lapag at si Eli naman ay nasa ilalim ng likod ko
"Alis dyan " sabi ni Eli at sinipa ako sa likod.
Nagtawa pa si Miguel na lalo kong ikinainis.
"Ano masakit ba?" Nakakalokong tanong ni Agustin sa akin. Tumayo ako habang sapo ang pangupong nasaktan. Sa gulo namin don ay tiyak na mararamdaman at maririnig yon sa ibang silid dahil kahoy lang naman ang pagitan ng tinutuluyan namin at maging ang lapag ay makinis na kahoy din..
"Pasalamat ka good mood ako ngayon, di ko kayo papatulan" ngisi ko. Natuwa ako ng magpalitan sila ng tingin .
"Bakit mukang masaya ka?" Tanong ni Miguel kaya kinilig ako. Pero binatukan nya ako kaya natigil ako sa ngiti kong yon...
"Ano ba? Kaya ako nabobobo kasasapak nyo eh, ulo pa talaga ha" inis kong sabi.
"Para ka kaseng tanga dyan," anito.
"Ano ba kase yon?" Si Eli.
"Secret-- sayaw ka muna Eli boy" sabi ko .
"Sisikmuraan na kita eh!" Sabi nya. Natawa lang ako... Saka pumikit at nakangiting nagsalita.
"Kase tuturuan ako ni Georgia my loves sa math!"
Sukat sa sinabi ko ay pinaghahampas ako ng unan ng tatlong gago.
"Whoahh.. Kasalan na!" Sigaw pa ni Agustin sabay yabog ng unan sa ulo ko.
Pakiramdam ko lalo akong mabobobo sa kanila .
Georgia's POV...
Sa ilang araw kong pagtuturo kay Julio ay naging masigasig ito sa pagaaral . Hindi naman pala bobo ang lalaki, tamad lang talaga itong magaral. Pero ng i tuitor ko sya ay naging maayos ang klase namin. Nakakasagot na sya pag tinatawag ni Romero at lagi na syang nakikinig sa klase. Bagay na ikinatuwa ko.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
