Chapter - 32

745 124 45
                                        

SAMANTHA'S POV...

NAPABILIS ang pagtakbo ko sa mansyon nila Julio ng marinig ang sunod-sunod na pagpapaputok ng baril sa mansyon ni Juanito Evañez. Natakot ako at inisip na baka naroon si Agustin. Huli na ba ako ng dating?

"Lady Samantha!" Tawag sa akin ni Rex. My personal bodyguard.

Sinenyasan ko sya kasama ng mga tao nya na pumasok sa kabahayan. Tumango naman ang mga ito at sumunod. Inayos ko ang takip sa aking mukha bago kinuha ang palaso sa likod saka maingat na pumasok sa likuran ng mansyon. Iginala ko ang paningin kung saan pwedeng magtago. Sobrang ingay ng mga putok na yon ng baril at hindi kami basta makakakilos. Kapag may nangyari kay Agustin ay papatayin ko silang lahat at wala akong ititira. Ilang minuto ring tumagal ang pagratrat ng bala nila at halos masira ang malaking bahay nila Julio. Saka ako pumasok at naglambitin sa taas.

Nanikip ang dibdib ko ng makita ang maraming katawan ng mga nakabulagtang mga tao. Mga katulong at kamag anak ni Julio na wala ng buhay. Napaluha ako ng makita ang lolo nya na naghihingalo. Dinaluhan ito ni Juanito na may hawak na baril.

"P-papa" ang naiiyak na pagdalo nito sa matanda.

"Juanito, si Julio?" He asked sa kabila ng hirap sa paghinga. May tama ito ng baril sa balikat.

"Hindi ko alam papa, kasama nya si Agustin, kailangan nating umalis dito"

"Hindi na ako A-abot anak"

Kaya lang ay hindi na kinaya ng matanda at nakita kong sumuka na ito ng dugo at tuluyan ng binawian ng buhay. Napaiyak si Juanito Evañez at nanlaki ang mga mata ko ng makitang nanikip ang dibdib nito. Natumba ito habang nakadiin ang kamay sa dibdib.

Nang bumukas ang pinto at makita ko si Alejandro at ang mga tao nito ay natakot ako. Sinenyasan ko sila Rex. Agad nilang kinuha ang katawan ni Juanito. Saka ako nagpakawala ng mga palaso para maharangan sila.

Mabilis akong sumunod sa sasakyan. Nakita ko ang hirap na paghinga ni Juanito.

"Dalhin nyo sya sa ligtas na ospital, at hanapin nyo si Julio" sabi ko sa mga tao ko.

Walang pwedeng makaalam na nagpunta ako don. Kailangan kong makabalik sa hacienda. Ngayon na sigurado akong wala don si Agustin. Gusto ko mang hanapin ang binata ay paano? Baka lalo lang syang mapahamak kapag hinanap ko sya.

Agustin.. Sobrang hirap ng sitwasyon natin.. Pero hindi ako bibitaw..

ALEJANDRO'S POV...

GALIT na galit ako ng hindi makita sa mga nasawing Evañez sila Juanito, Julio at Agustin. Sino kaya ang nakialam at itinakas pa ang Juanito na yon?

"Umalis na tayo, parating na ang mga tauhan ng mga Evañez. Baka tayo ang maubos dito" tawag sakin ni Luis.

Inis akong umalis sa lugar na yon. Hanggang di namamatay si Juanito ay hindi ako pwedeng makampante. Sumakay na kami sa sasakyan pero bago yon ay inutusan ko muna ang mga tao na hanapin sila Julio at Agustin. Anong mukha ang ihaharap ko kay Vicente kapag nalaman nyang di ko naubos ang mga Evañez. Sa dami naming tauhan na ipinadala nya. Nahampas ko ang manibela. Inutusan ko na ang driver na umalis sa lugar na yon lalo at naririnig kona ang tunog ng mga helicopter na alam kong kampo nila Juanito.

Nasa daan na kami ng biglang may humarang sa aming apat na magagarang sasakyan. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Pero ganon nalang ang gulat ko ng makilala ang bumaba don.

Hilario Mercado?

"Alejandro, Tila yata nakakalimutan mona ako, " sabi nya ng bumaba din ako.

"Hilario hindi yan totoo, importante lang ang mga ginawa ko nitong nakaraan" sabi kong itinago ang takot .

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon