Chapter - 15

747 129 28
                                        

Samantha's POV...

Umiyak ako ng umiyak at hindi ako tumigil hanggang di nawawala ang bigat ng kalooban ko dahil kay Agustin. Maging sila Kenzo at Lori ay walang nagawa para pawiin ang aking nararamdaman. Pagkarating sa mansyon sa hacienda ay nagkulong ako sa silid at don ipinagpatuloy ang pagiyak. Kaya naman namugto ang aking mata.

Kahit ng pumasok sa silid ko si Yaya Meding ay di parin ako kumibo. Ito ang katulong na naging kasama ko paglaki kahit ng magpunta ako sa Europe ay kasama ko din sya. Dahil puro lalaki sa pamilya ay ito ang madalas kong mapagsabihan ng problema. Lalo na ng tungkol sa girls problem. Tulad ng una kong pagreregla ay ito ang umalalay sa akin. Para ko na itong ina.

"Samantha, may dinaramdam kaba anak?" Nagaalalang tanong nya. Pero umiling lang ako sa babae.

"Nothing yaya, i want to be alone" malungkot kong sabi.

Narinig ko ang buntong hininga nya. Gustuhin ko mang ikwento sa kanya ang nangyayari ay hindi pa ako handa. Nahihiya akong ipaalam sa kanya ang mga ginawa ko. Baka mahimatay ito pag nalaman nyang halos ipagtulakan ko ang sarili sa isang lalaki at tinanggihan lang ako.

"Anak kung may nais kang ikwento sa akin ay handa akong makinig lagi. Wag kang mahihiya" sabi pa nito.

"O-opo ya', wag po kayong magalala sa akin"

"Bweno, kanina pa pala sa sala si Kenzo, gusto ka yatang makausap ng batang yon,"

"Pakisabi pong ayoko syang kausap" nakasimangot kong sabi na ikinataka ng ginang.

"Samantha,. Nobyo mo ba ang binatang De Villa na yon?" Tanong nito na ikinalaki ng mga mata ko.

"Yaya hindi!!, sa tingin nyo ba magugustuhan ko yon?" May disgustong saad ko.

"Aba gwapo ang isang yon, at anak pa ng ranchero, bagay kayo, akala ko nga ay nobyo mo" nakangiting sabi.

Napipika ako sa tagapagalaga pero nagtimpi ako.

"Yaya nobyo yon ni Lori, kaibigan ko lang si Kenzo" sabi ko.

Napatango naman ang babae.

"Ah si Lori pala ang kasintahan non,. Oh sya babain mona at baka may nais sabihin sayo"

Napabuntong hininga ako. Naiinis na umalis ng higaan. Ang kulit talaga ni kenzo. Sinabi ko ng ayokong makipagusap muna ay ang kulit nito.

"M-master Sam"

Tumayo ito sa kinauupuan ng makita ako. Nakasimangot ko syang tiningnan.

"Ang kulit mo talaga, sabi ko ayoko munang kausapin ka diba? I need to mend my heart " naupo ako sa tapat ng kinauupuan nya.

"Master wag kang malungkot, narito ako para tulungan kang makaganti sa Agustin na yan. Kapal ng mukha nyang tanggihan ka. Igaganti kita sa lalaking yon" sabi nya.

"Ano ba, ang ingay mo, marinig ka ni yaya" mahinang asik ko sa binata. Mabuti nalang at walang ibang tao sa paligid.

"Master igaganti kita sa Agustin na yon, bugbugin ko ano gusto mo?" Sabi nya na ikinagalit ko.

"Bobo ka talaga, alam mong future husband ko yon tapos bubugbugin mo, hindi sya pwedeng masaktan"

"Ha? Pero Master sinaktan ka nya. Hindi tamang wala tayong gagawin. Si Samantha Suarez ang sinaktan nya. Ano sya hilo?" Sabi pa ng lalaki. Napangisi ako.. Tunay na kaibigan talaga ang lalaking ito kahit nakakainis ang kadaldalan nya.

"Magisip ka ng iba, wag yong ganon" sabi ko.

"Hmm.. Deadmahin mo nalang muna sya Master Sam. At ako ay magiisip ng ibang paraan, basta wag kang iiyak, ayaw ng mga lalaki ng iyakin, "

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon