Chapter - 47

764 129 78
                                    

AGUSTIN'S POV...

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay namin. Ang balitang sumabog sa harap ko ay tila balaraw na tumusok sa aking dibdib. Nang malamang wala na si Samantha ay ang anak kong si Azzerdon agad ang naisip ko kaya madali akong umuwi ng bahay. Wala pa doon si Azzer. Tahimik akong pumasok at binuksan ang maliit naming lagayan ng mga damit. Tila wala sa sarili ng kunin ko ang palaso ni Samantha. Ang palaso na ginamit nya sakin pagliligtas noon sa mga batang nakaaway ko. Ang tanging bagay na alaalang iniwan nya.

Nanikip ang dibdib ko kaya lumabas ako dala ang arrow at sumagap ng hangin. Tila nililimi pa ng sistema ko ang katotohanan. Na patay na ang kaisa-isang babaeng minahal ko. Nang mag sink in yon sa utak ko ay tila ako nauupos na kandilang napasalampak sa damuhan sa tapat ng aming bahay.

"S-samantha--" mahinang bigkas ko nung una..

Saka ko muling binigkas ang pangalan nya kasabay ng pagkalat ng sakit sa dibdib ko. Napahagulgol ako at pilit itinatanggi ng puso ko ang lahat.

Hindi pwedeng mamatay ng ganon kaaga si Samantha. Hindi nya pwedeng iwan si Ellaina sa mga Mondejar. Paano pa sya makikilala ni Azzer? Umiling ako ng umiling habang umiiyak. Saka ko inamin sa sarili na mahal na mahal ko pa rin sya. Na walang nagbago don sa kabila ng lahat. Na kahit sobra ang pagdaramdam ko sa pagiwan nya sa amin non ay hindi ko sya kinamuhian. Inintindi ko sya dahil naniniwala ako sa kanya . Na sa kabila ng sinabi kong kakalimutan na namin sya ni azzer, sa puso ko umaasa ako sa pangako nya na balang araw mabubuo ang pamilya namin. Na magsasama-sama kami.

Pero iniwan na nya kami ng tuluyan ng mga anak nya. At parang di ko yata kakayanin ang isipin na kahit kailan hindi ko na sya makikita pa.

"S-samantha-- bakit?" Tumatangis kong tanong habang nakatingala sa kalangitan. Yakap sa dibdib ang palaso nya.

"Samantha.. Mahal ko! " bigkas kopa saka umiyak ng umiyak sa aking mga palad.

Nang dumating si Azzer galing school ay nakita nya ako sa ganong lalagayan . Nagtataka man ang anak ko kung bakit ako umiiyak ay di ito nagtanong. Niyakap ko sya ng mahigpit habang humahagulgol. Higit ang awa sa sariling anak na di manlang nagkaroon ng tyansa na makilala ang ina. Na ni isang larawan ay wala akong maipapakita kay Azzer kung sakaling magtanong sya sa mga susunod na araw. Wala na ang nanay nya, tuluyan nang naulila sa ina ang anak ko.

Sa libing ni Samantha ay lihim akong nagpunta. Natupok ang sinasakyan nito kaya halos di makilala ang babae. Tahimik akong nanangis habang nakatingin sa mga taong naroon. Si Eli ay kalong ang anak kong si Ellaina na umiiyak din. Sobrang sikip ng dibdib ko sa nakikita. Ang tatlong magkakapatid na Suarez ay mga nakaitim na damit at bakas din ang pagdadalamhati sa mga mukha nila lalo na si Vicente.

Matyaga akong naghintay na umalis ang mga tao. Kaya ng umulan at isa isang magsialisan ang lahat maging sila Eli ay saka ko lang nagawang lapitan ang puntod ni Samantha. Wala akong pakialam kung mabasa man ako ng ulan. Lumuhod ako sa harapan ng puntod nya at lumuluhang hinaplos ang lapida ng pinakamamahal na babae.

"S-samantha, im sorry Samanth.." Puno ng pagdadalamhating sabi ko. "Im sorry kung di kita naipaglaban ng totoo. Im sorry kung hinayaan kitang mawala sa buhay namin ni Azzer. Kung sana ay kinuha kita ng pilit kay Eli, hindi sana ganito ang kahahantungan mo, pasensya kana Samantha kung ganito lang ako kaya di kita naipaglaban. Samantha.. Sobrang sakit.. Pero kakayanin ko para sa mga anak natin. Kukunin ko si Ellaina para manlang matupad ang pangarap mong mabuo ang pamilya natin."

Humahagulgol na pala ako sa pagkakaluhod kong yon at humalo na sa ulan ang luha ko. Gustuhin ko mang magwala ng mga oras na yon dahil sa nangyari ay ano pang maiitulong non?

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon