Julio's POV...
Masama na nga ang loob ko sa nakikitang closeness ni Georgia kay Eli ay makikita ko pa syang inaalalayan ang lasing na kaibigan papasok ng silid nila ni Miguel sa Dorm. Hindi naman kase talaga ako umalis agad sa party na na yon. Binantayan ko muna sa kubling lugar si Georgia. Pero yun nga ang napala ko.
Sabi pa naman sa horoscope na magiging makulay ang lovelife ko ngayong taon pero mukang kulay black yon sa sobrang sakit ng ginagawa sakin ni Georgia. Hinintay ko ang dalaga na makalabas sa silid ni Eli ng may pangamba. Baka madala sila sa kalasingan. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makitang lumabas din sya agad don. Nagulat si Georgia ng makita ako sa daraanan nya.
"J-julio?" Naiilang na bati nya. Pero sumimangot ako.
"S-si Eli ba yung sinasabi mong gusto mo ha?" Kahit alam kona ang sagot ay tinanong ko parin para mas masakit shit! Todo mona Georgia.
Bumuntong hininga ang dalaga.
Saka tumango.
"Oo gusto ko sya kaya lang hindi----"
"Stop!" Pigil ko sa kanyang sinasabi habang naka tapat ang palad dito.
"Pakinggan mo kaya muna ---"
"Sabi ng stop eh, alam kona, so hindi mona kailangang mag explain." Sabi ko saka pumasok ng room namin ni Agustin at iniwan si Georgia sa labas.
Masamang -masama ang loob ko sa dalaga. Pero wala naman syang ginawang masama sa akin kaya wala akong karapatang magalit. Pero nakakatangina ang sakit sa heart. Sa sobrang sakit ay di ako makatulog kaya lumabas ako para kumuha ng alak sa party. Sasalo sana ako kina Agustin at Miguel dahil nakita ko silang naguusap ng man to man pero gusto kong mapagisa kaya hindi na ako nagpakita sa dalawa at doon ako nagpakalasing sa isa sa mga kubo don.
Hindi ko alam kung anong oras na yon ng bumalik ako sa room namin para itulog nalang ang kalasingan. Pero ilang saglit palang akong nakakahiga ay nakita kona ang pagbukas ng pinto. Inakala kong si Agustin yon kaya hindi ako nagmulat ng mata. Pero nagulat ako ng maramdaman na may tumabi sa akin at humalik sa labi kong nakapinid.
"Vivian?" Gulat kong sabi ng masinagan ang muka ng dalaga.
"Julio mahal pa rin kita, obvious naman diba? I still love you please.. " sabi nya at pilit akong hinalikan sa labi.
Ex ko si Vivian at ito ang pinakamatagal kong naging girlfriend at sa lahat ay ito lang ang iginalang ko. Yun nga lang nagbreak din kami dahil pareho kaming isip bata. Then i met Georgia at naintindihan kona ang totoong meaning ng love. So i cant be with Vivian anymore.
"Vivian may iba na akong gusto, alam mo naman na yon diba?" Sabi ko. Pilit pinananatili ang katinuan ng isip sa kabila ng kalasingan.
"But i still love you Julio, isa pa hindi naman ikaw ang mahal ni Georgia, si Eli ang gusto nya, bulag ka lang"
Marahas akong napabuntong hininga ng maalala ang dalaga. Bigla nalang naghubad sa harap ko ang dalaga at pumatong sa akin.
"V-vivian---"
Pero hinalikan lang nya ako ulit ng mapusok sa labi. At pinairal ko ang kagaguhan ko. Lalaki lang ako at ika nga ng iba: palay na ang lumalapit sa manok. Ang isip ko ay nais tumanggi sa nangyayari, dahil alam ko naman na si Georgia na ang gusto ko pero nang maalala ko ang pagtanggi sa akin ng dalaga ay tila naging gatong yon para patulan si Vivian. At inisip na sa pamamagitan ng babae ay makakalimutan ko rin sya.
Pero ang hindi ko inaasahan ay birhen pa pala ang babae. Natigilan ako at namutla, pagkatapos kase naming mag break ay alam kong may mga naging boyfriend sya kaya hindi ko ini - expect na wala pa syang karanasan. I wanted to stop pero niyakap nya ako ng mahigpit. Kaya pikit mata kong itinuloy.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
