Agustin's POV...
Tutulog nalang kami sa silid namin ay wala pa ring tigil sa kakakwento si Julio tungkol sa magandang new student ng section Alpha. Halatang -halata namang hanga sya sa babae. Natutulig nga lang ako sa kadaldalan nito. Umiikot lang naman ang sinasabi nya sa salitang maganda. Babaero kase to kaya ganon.
"Crush ko na sana Tol, kaya lang boba, di sya bagay sakin" sabay sabi nya.
Tumaas ang kilay ko..
"Wow ha, talino natin ah!" Buska ko.
"Kaya nga sabi ko di kami bagay kase pareho kaming boba, kung magkaanak kami ay kawawa ang mga bata. " aniya na ikinatawa ko.
"Natumbok mo"
"Isa pa kinse lang, di pa pwedeng asawahin, si Georgia 20 na, pagkatapos natin dito sa MECS ay pakakasalan ko na sya"
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Wait, anong pakakasalan? Hindi mo naman sya nililigawan ah? Ligawan mona kaya ng alam mo kung may aasahan ka o wala" sabi ko.
"Saka na, baka mabuntis ko agad eh, pag lumabas na ang rank saka ko sya liligawan"
Napatango ako. Sabagay may punto ito. Talagang nagseseryoso na ang kaibigan ko. Sobrang nagaaral na talaga sya at focus sa training. Maganda yon.
Kinabukasan ay sabay kaming pumasok sa klase ni Julio at ganon nalang ang gulat ko ng makita ang sinasabi nilang Samantha Suarez na nakaupo na sa pwesto nya. Ito ang dalagita kahapon. Ang niyakap ko sa science room. Nailang akong bigla ng magkatitigan kami.
"Sam ang aga mo ah, Nga pala si Agustin bestfriend ko." Masiglang pakilala sa akin ng kaibigan saka naupo sa pwesto nito sa tabi ng dalaga. " Me lagnat sya kahapon kaya ngayon lang ulit nakapasok" sabi pa.
"Hi!, im Sam, ikaw pala si Agustin" ngiti ng dalagita.
Pinigil ko ang mapaismid ng maglahad ito ng kamay. Mukang nagpapanggap si Sam na ngayon lang kami nagkita. Nakahinga ako ng maluwag. At tinanggap ko ang palad nya. But the moment na mag daop yon ay lihim akong kinilabutan ng bigla nyang pisilin ang palad ko. Kumunot ang noo ko kay Samantha. Pilya palang talaga ito. Kababaeng tao namimisil ng palad. Grabe.. Pasimple kong binawi ang kamay. Si Julio ay tila naman walang mahahalata. Spoiled brat kaya ganon.
"S-sa labas nalang kaya muna tayo" akit ko kay Julio. Para akong naalibadbaran sa mukha ni Samantha. Kung lalaki ito ay masasabihan ko ito ng maniac. Lantaran ang pagtitig nya sa katawan ko. Tskk...
"Ha? San naman tayo pupunta? 20 minutes nalang at magta-time na, "
Nainis ako kay Julio dahil di ito makahalata. Bumuntong hininga ako sa inis dito.
"Gusto mo samahan kita?"
Sabay pa kaming napabaling sa dalaga ng sabihin nya yon.
"Friendly talaga yang si Sam, bait mo naman " si Julio.
Mabait ba talaga ito o weird? Kakakilala lang sakin ay feeling close na agad.
"H-hindi na, " sabi ko saka napilitang maupo sa pwesto ko. Nasa likod ko sila bandang kaliwa. Magkakalayo ang upuan don dahil lalabing lima lang kami sa Section na yon. Sa alpha two ay marami. Don kase lilimiin ang mga magagaling .
Nang magsimulang magsidatingan ang ibang kamagaaral ay tahimik lang si Sam. Parang nanibago ako sa kanya ng konti, nung makita ko kase sya kahapon ay may pagkamaingay pero ngayon ay tila matimtimang birhen ang ganap ng babae.
Nang pumasok sila Eli at Miguel ay bumati ito sa dalaga.
"Hoy Agustin tuloy na ang sumo wrestling natin mamaya ha, magaling kana diba?" Sabi ni Eli.
BINABASA MO ANG
ONCE, There Was A Love
RomanceAng Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yong magdurugo... _ Agustin Quinto DATE STARTED: july 8 2020 DA...
