Chapter - 34

743 119 56
                                        

AGUSTIN'S POV....

"Julio, " nanlalaki ang matang awat ko sa lalaki ng tutukan nya ng baril si Gascon na di nakakilos sa kanyang kinatatayuan.

"Gusto kitang patayin alam mo ba yon? Pero hindi ko muna gagawin, kase mas gusto ko munang makita kung paano kayo maghihirap. Saka ko kayo iisa-isahin. Kapag wala na kayong pagpipilian kundi ang mamatay nalang" galit na sabi ni Julio. Sobrang dilim ng awra nya at maging ako ay dina makilala ang kaibigan.

"Julio kung galit ka ay wag mong idamay ang anak ko, wala syang kinalaman dito" ani Gascon.

"Kulit mo rin, malay koba sa anak mo? Baka naman kunwari ka lang na naghahanap pero ang totoo ibenenta mo kung kani-kanino. Sana sakin mo nalang ibinenta para may tagaaliw ako habang nagpaplano ng paghihiganti sa inyo"

Nagulat ako maging ang ama ni Georgia sa sinabi ni Julio. Tiim ang bagang na nais sanang suntukin ng lalaki ang binata pero natakot ito sa baril na nakaumang sa kanya.

"Hindi ko ibebenta ang anak ko, hindi sya ganong babae hayop ka!"

"Naisip ko lang naman yon, kung sa tingin mo ay narito si Georgia di hanapin mo, Dama samahan mo nga ang traydor na to at ipakita sa kanya ang lahat ng silid." Tawag pa nya sa lalaki, agad sumunod ang inutusan.

Nang maiwan kami at matiim ko syang tinitigan. Pero madilim ang mukang nagiwas sya .

"Julio ikaw ba ang kumuha kay Georgia?"

"Pati ba naman ikaw ay maniniwala sa ibinibintang ng gagong yon?"

"Pero nawawala si Georgia, hindi kaba manlang magaalala? Hanapin natin sya" sabi ko sa kaibigan pero nagsalin lang ito ng alak sa baso.

"Wala na akong pakialam sa kanya, Agustin mag focus muna tayo sa mahahalagang bagay at kalimutan ang mga walang kwenta okey? Nahanap mona ba ang mga Bosses na ibinigay ni Mr. Villegas?"

Nabigla man ako sa pagbabagong yon ni Julio sa damdamin nya kay Georgia ay dina ako nagsalita pa tungkol don.

"Marami pang kulang. Nasa ibang bansa ang karamihan sa kanila at hinihintay ko nalang na bumalik sila dito"

Tumango-tango ito..

"Good, ikaw na ang bahala, kailangan ko munang mag stay sa isla ko, magsabi ka nalang kay Dama or kay tonny kapag may kailangan ka, "

Tumango ako sa kanya. Maya-maya pa ay bigong bumaba ng hagdan si Gascon kasama si Dama.

"Alam kong itinatago mo sya Julio. Hindi ako naniniwalang may ibang kukuha sa anak ko maliban sayo" sabi ni Mang Gascon sa kaibigan

"Bahala ka sa gusto mong paniwalaan,. Umalis kana sa pamamahay ko at baka samain kapa"

Matalim muna syang tinitigan ng lalaki bago lulugo-lugong umalis.
Ilang saglit pa ay nagpaalam na sj Julio sa akin. Nagmamadali na itong umalis patungo sa isla ng mga Evañez. Napabuntong hininga nalang ako.

SAMANTHA'S POV...

ILANG beses na akong dumuwal sa banyo at halos lahat ng nakain ko ay nailabas kona pero heto na naman ako at parang nais na namang sumuka, nanlalambot na ako at naiinis din dahil ilang araw na akong naghihintay sa pagdating ni Agustin pero ni anino nito ay hindi ko nakita.

Iritang-irita ako, nagkulong na lang ako sa silid at don nagpahatid ng pagkain.

"S-samantha--buntis kaba?"

Napalingon ako kay yaya Meding na nasa tabi ng pinto ng banyo. Natigilan ako sa tanong nya. Ako? Buntis?

"Yaya!" Nahintakutan ako at hinila sya sa tabi.

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon