Chapter - 30

778 122 28
                                    

SAMANTHA'S POV....

ANG Pagmamahalan namin ni Agustin ay ang klase ng pagiibigang handa kong ipaglaban hanggang dulo. Lalo na at alam kong mahal din nya ako ay sapat na yon para di ako panghinaan ng loob.

Sa loob ng science room ay muli akong nagpaubaya sa kasintahan. Pansamantala naming kinalimutan ang labas. Kinalimutan namin ang nagaganap na kompetisyon, ang pagtutol ni Vicente, ang engagement namin ni Eli at ang gulo sa pagitan ng mga Mafias. Ang importante lang ng mga oras na yon ay kaming dalawa ni Agustin. Oh God how i love this man and wanted to be with him.

Nang matapos yon ay pawisan at humihingal kaming nagyakap ng lalaki. Nakapikit lang ako habang nagbabawi ng lakas sa ibabaw ng kasintahan. Ilang saglit ay inutusan na nya akong magayos ng sarili.

"Kakausapin ko ang lolo mo. Sasabihin kong tapat ang pagmamahalan natin at sa kanya ko hihingin ang basbas nya." Sabi nya na ikinalingon ko.

"P-pero Agustin paano kung--?"

"Samantha yun lang sa ngayon ang pwede kong gawin. Para di ka malayo sa akin. Kailangan kong ipakita sa pamilya mo ang katapatan ng pagmamahal ko" seryosong sabi nya.

Napangiti ako at nabawasan ang mga alalahanin. Nagtitiwala ako sa nobyo. Anumang sabihin nito ay syang paniniwalaan ko. Masarap malaman na dalawa kaming lumalaban. Kaya masaya akong nagbihis at sabay kaming lumabas ng science room.

Magkahawak kamay pa kami ng maglakad palabas ng eskinita ngunit ganon nalang ang pagkabigla namin ng makita sa bungad ng daan si Uncle Vicente kasama ang mga tauhan nya.

"U-uncle--"

Napasigaw ako ng suntukin nya si Agustin. Aawatin ko sana sila pero hinawakan na ako ng mga tauhan ni Uncle. I tried to fight them pero mahigpit ang hawak nila sa akin. Napaluha nalang ako habang pinapanood ang pagbugbog ni Uncle sa kasintahan. Hindi manlang lumaban ang lalaki at hinayaang masaktan sya. .

"Tama na Uncle, " umiiyak kong sabi.

Natigil lang ang pananakit ni Uncle ng dumating sila lolo kasama si Arturo Villegas .

"Tama na Vicente, " awat ni Lolo.

Dinaluhan ni Mr. Villegas ang binatang duguan .

"Binalaan kita na layuan si Samantha, kapag hindi ka parin sumunod ay papatayin kita" mariing sabi ng tiyuhin dito.

Lalo akong napaluha ng lumuhod sa harap nila lolo at uncle si Agustin.

"Mahal ko po si Samantha, please hayaan nyo pong patunayan ko ang katapatan ko sa kanya.. Wag nyo po syang ilayo sa akin" nakaluhod na pakiusap ni Agustin. Nakaalalay lang dito si Mr. Villegas.

Pero inismidan lang sya ni Vicente.

"Kahit anong gawin mo ay di mo na mababago ang desisyon ko. Hindi ako makakapayag na sa yo mapunta si Samantha. Ito na ang huling paglapit mo sa kanya. Dahil papatayin kita kapag inulit mopa to"

Yun lang at sinenyasan na nya ang mga tao nya na umalis tangay ako.

Umiiyak lang ako habang nakalingon sa kanya. Sa ngayon ay hahayaan ko si Vicente sa ginagawa nya. Pero sa oras na mapuno ako ay patawarin nya ang aking gagawin. Baka sa kanya ko unang ipakita ang pagiging assassin ko.

Agustin maghihintay ako kung kailan natin ipaglalaban ang pagibig natin sa isat-isa.

AGUSTIN'S POV....

NANLUMO ako ng makitang kaladkad na ang dalaga ng mga tauhan ni Vicente. Nadama ko ang duguan labi. Napakuyom ang kamao ko. Saka ako sumulyap kay Arturo Villegas. Puno ng simpatya ang mukha nya habang nakaalalay sa akin.

ONCE, There Was A Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon