Prologue
"Oo, grabi kawawa talaga 'yang dalagitang 'yan, grabi daw pagbuhatan ng kamay ng kanyang ina,"
"Hala, kawawa naman. Anak niya 'yan 'tapos ganyan ang ginagawa niya,"
"Alam mo nga sa tingin ko'y hindi niya anak 'yan dahil grabi ang trato niya, mas binibigyan niyang pansin ang bunso niya,"
"Mabuti nga nandyan ang Lola ng bata, kahit papaano may nagtatanggol sa kanya,"
"Paano naman din kasi hindi pagbubuhatan ng kamay 'yan, e, napakapangit!"
Napapikit ako nang marahan nang marinig nanaman ang usapan ng kapit bahay namin.
Hinimas ko ang aking sentido at inayos ang pagtali sa aking buhok tsaka itinapon ang mga basurang ipinapatapon ni Mama na hindi ko nagawa dahil sa gumawa ako ng mga crafts na pinapagawa sa akin ng mga kapit-bahay namin.
"Apo, jisel....pag pasensyahan mo na ang mama mo huh? Hindi niya naman sinasadya iyon," Ani Lola na ngayo'y tinutulungan akong itapon ang mga basura.
Wala naman akong magagawa kung hindi tiisin lahat ng ito dahil mama ko siya. Nanay ko siya and i respecting her.
"Opo naman, Lola." i smiled.
"Itong tatandaan mo apo, mahal ka ni Mama at Lola," hinalikan ni Lola ang noo ko. Niyakap ko naman siya biglang tugon sa kanyang sinabi.
"Mahal ko rin po kayo, Lola. Ok lang naman po sa'kin ang ginawa ni Mama. Deserved ko po 'yun," Ani ko, kahit sa totoo nagtatanong ako sa sarili. If ganon ba magmahal ang isang ina.
Hurting your child? For what? For satisfaction?
She slapped me earlier, pulled my hair and told bad things at me but still i am thinking that she loved me after all.
"Halika na, pumasok na tayo sa loob," Aniya.
"Mauna na po kayo, Lola. May bibilhin lang po ako saglit," sagot ko tsaka ngumiti sa kanya.
"Ganun ba? Sige, magmadali ka dahil kakain na tayo," ngumiti si Lola sa akin tsaka pumasok sa loob.
Kailangan ko pa palang bumili ng bondpaper dahil naubos na. Hindi na pala ako nag-aaral, suppostedly i am at my second year college but i stopped. Wala kaming sapat na pera, i know..i can work pero si Mama na rin ang nag pursue na itigil ko na at magtrabaho na lang.
Marami sa mga estudyante mapa-highschool man o ibang tao ay nagpapadrawing sa akin. Marunong akong magdrawing. That's my hubby.
Nang makabili ay agad akong pumasok sa gate namin. I was about to get in when i heard Mama and Lola talking.
"Jusko naman, Ma.. Alam mo naman po 'di ba ang magiging parusa kapag nalaman na na sa'tin 'yan! Ma, naman.." Si Mama.
Kumunot ang noo ko tsaka patuloy na nakinig. Who are they talking to?
"Anak, hindi naman natin siya pwedeng iwan. Nasanay na siya sa atin, sa loob ng 17 na taon...paano mo naman magagawang iwan siya..napakabait—"
"Ma, ilang taon na lang ma! Hindi mo alam ang pinasok mo ma! Kailangan na nating iwan ang batang 'yan! Malapit na ang disi-otso niyan ma! Alam mo ang parusa hindi ba, ma?" Sagot ni Mama na naiinis.
Ano ba ang pinag-uusapan nila? Ako ba iyon? Dahil ako naman ang magdidisi-otso. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila.
"Huwag mong lakasan ang boses mo, Imilia! Baka marinig niya—"
"Ate!" Napahinto si Lola sa kanyang sinasabi ng hatakin ni Lea ang dulo ng damit ko. Ang bunso kong kapatid, sumigaw siya kaya nabaling sa amin ang kanilang atensyon.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...