19

888 60 0
                                    

AN/ Srsly guys, its so easy to vote, y don't u guys can't do it? jk.

Chapter 19

AMEN.

Hindi ko na mabilang kung nakailang dasal na 'ko. Kuhain na sana ako ng lupa ngayon. Please lang.

"Ito ang kumot at unan. Matulog na kayo, ha, sige na." Ani ni Aling Din. Inabot niya sa amin ang unan at kumot na gagamitin NAMIN ni Sir Russel.

Oo, magkatabi kami. Masikip ang kwarto, tanging kama lang talaga ang nandun kaya't wala kaming magagawa kung hindi tumabi sa isa't-isa. Naiilang ma'y umupo na ako sa Sofa.

"Good night," Ani ni Sir Russel tyaka humiga. Nakasuot na siya ng medyas, nakapikit na habang ang braso'y nakapulupot.

Ang tangkad n'ya kaya hindi kaya ang haba niya sa kama.

"What are you looking at, go get some sleep. Maaga tayo aalis," Aniya sa akin.

Napapikit ako sa kahiyaan. Kanina pa pala ako nakatingin sa kanya. Nagdasal muna ako bago humiga na rin, lumayo-layo ako ng kaunti, huwag na lang kaya akong matulog? Aish, hindi pwede 'no.

Lumunok ako ng maramdaman na nagdikit ang aming mga braso parehas kaming agrisibong umusog kaya ang ending nalaglag kami.

"Fuck," Rinig kong mura niya.

"Sorry, Sir Russel, kayo na lang po ang matulog dito, hihintayin ko na lang pong mag-umaga." Sabi ko.

"Uh, anong tingin mo sa'kin papayag ako? Matulog na tay-" Tumigil siya sa pagsasalita. "Matulog kana," Aniya na lang sa akin tyaka humiga na. Mga kalahating oras na ata akong nakiki pagtititagan sa ceiling fan na umiikot sa taas. Tumingin ako kay Sir Russel.

He's now sleeping peacefully. Ang amo nang kanyang mga mukha. Nang mapagtanto ko na nakatitig ako sa kanya ay humarap na ako sa gilid tyaka pumikit hanggang sa ang talukap ng aking mata ay sumuko na rin, at sumarado na.

Napapikit ako ng maramdaman ang sikat ng araw sa aking mata. Tinakpan ko nang kamay ko ang aking mata nang sa ganun ay hindi ako masilaw.

Pagbukas ng aking mata ay una kong nakita ang lalaking may pinakaperpektong mukha.

Ang gwapo...

Nanlaki ang mata ko ng dumilat ito.

"AHH!" Sabay kaming tumayo at sumigaw ng matamaang yakap namin ang isa't-isa.

Oh my god, lord. We're hugging each other for Pete sake!

"I'm sorry, I didn't know!"

"Pasensiya na Sir Russel, hindi ko sinasadya!"

Sabay kaming nagsalita.

Napatingin kami sa pinto ng may kumatok.

"Hija, hijo? Anong nangyari? Ayos lang ba kayo?" Tanong ni Aling Din.

Sabay kaming pumunta sa pinto at binuksan. Bumungad sa'min ang nanunuyang mukha ni Aling din.

"We're fine."

"Ayos lang po."

Sabay nanaman kami! Ah!

"Ganun ba, sige lumabas na kayo at para kumain ng almusal." Sabi ni Aling din.

"Sige po, salamat po," Sabi ko.

"Mauna na po kayo dun, Sir Russel, ililigpit ko lang po ito.." Nahihiya kong ani.

"No, you go first. I will take care of that." Sabi niya.

"Hindi na po, Sir, ako na po,"

"Ako na,"

"Bakit hindi na lang kayong dalawa?" Napatingin kami ni Russel sa pinto nang may magsalita.

Si Lars! Tumakbo siya sa'kin at niyakap ako.

"Lars!" Tinawag ko siya, yumakap siya sa'kin at niyakap ako.

"Bestfriend! Anong nangyari sa'yo!?" Nag-aalala niyang tanong sa'kin. Lumabas na ng pinto si Sir Russel kaya't kami na lang dalawa ni Lars ang nasa kwarto.

"Ayos lang ako.." Sabi ko.

"Ah! Grabi! Pinag-alala mo 'ko ha! Anong nangyari!? Hindi ba magkatabi lang tayo!? Paano ka napunta dun sa-"

"Pagpasensiyahan muna ang Kaibigan mo, masyadong OA." Napatingin kami sa pinto ng magsalita si Tyler. Inirapan siya ni Lars.

"Sagutin mo muna ako jisel, paano ka napunta sa gubat?" Tanong niya sa'kin.

"Tsk, ingay mo talaga. Kita mo pati si Jisel naiingayan sa'yo kaya 'di siya makasagot, tss!" Asik naman ni Tyler. Lumapit si Lars kay Tyler.

"Excuse me!? Ikaw ba ang kinakausap ko-"

"Argh! Pare, ano ba 'tong kapatid mo, bakit ganito? Ang ingay!" Natigil sa pagsalita si Lars nang magsalita si Tyler habang nakatingin kay Russel na ngayo'y masama ang tingin sa kanya.

"Let's go now." Sabi ni Russel.

"Maraming maraming salamat po, aling din at Grace," Sabi ko nang paalis na kami.

"Walang anuman, hija, hijo," Sabi ni Aling din.

"Wait, ano number ni pogi?" Tanong sa'kin ni Grace.

"Uh, hindi marunong magcellphone 'yan," Bulong ko.

"Ha?"

"Bye na po, salamat talaga," Sabi ko.

"Dre naman, parang bata oh, sige na! Pansinin mo na 'ko, hindi naman talaga ako 'yung nagsabi na iwan kayo eh, si Josh 'yun," Sabi ni Tyler nasa sasakyan na kami.

Si josh, tyler, Lars ang nagsundo sa amin.

"Uh, ang kapal mo. Nandadamay ka pa. Ikaw nga 'yun," Sabi ni Josh.

"Tama kuya, si Tyler ang nagsabing iwan namin kayo!" Singit ni Lars. Nasa harap kami habang ang tatlo nasa likod.

"Luh! Anong ako? Hindi nga!"

"Sus, ikaw nga!" Sagot naman ni Josh.

"Kapal mo ha! Ikaw nga sabi mo pa nga hayaan na natin 'yun!"

"Wow! Wala nga akong sinasa-"

"Tyler, sinungaling!"

"Mang jun, may baril ka ba d'yan?" Napatigil si josh at tyler sa bangayan ng magsalita si Sir Russel. Ang kanyang tinatanong ay ang driver na nakangiti.

Rinig ko ang mahinang tawa ni Sir Russel.

"Wala po, sir russel." Natatawang sabi ni Mang Jun.

"Bomba?" Tanong ulit ni Sir Russel.

"Wala din po," Sabi ni Mang Jun.

"Sayang." Bulong niya tyaka pumikit.

"Ano bang gagawin mo sa baril at bomba, Russel?" Tanong ni Tyler.

"Papatayin na sana kita kaso wala e, ligtas ka." Tinapik ni Sir Russel ang braso ni Tyler tyaka lumabas na nandito na pala kami sa labas ng hotel.

Bumaba nadin kami ni Lars. Halos matumba ako ng yakapin ako ni Sir Ace.

"Jisel!" Aniya at sinalubong ako ng yakap.

Hindi ako makagalaw. Ano 'to? Bakit n'ya ako niyakap?

That Nerd Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon