41

765 59 6
                                    

Chapter 41

"T-talaga?" Utal na sabi ko. Hindi ko alam ang  sasabihin ko.

"Yes. And i'm 100 percent sure na 'yun. Lahat ng detail ay tugma." Sabi ni Madam third.

Agad kung niyakap si Madam third. After a very long time masasagot na ang mga tanong na hindi masagot sa utak ko.

"Salamat...salamat..." Halos maiiyak na ako. Sobrang saya ko.. sobra..

"Nasan sila nakatira?" Tanong ko.

'Here. Sa probinsyang 'yan. Tatlo ang nakatira sa kanila. Ang lola na sinasabi mo, isang ina at isang bata," Ganun na lamang ang ngiti ko ng sabihin 'yun ni Madam third.

"Tama ka.. sila nga..." Sabi ko. Anlakas ng tibok ng puso ko na sila nga.

"Madam, pwede ba akong umalis gusto ko lang puntahan ang lugar na 'to.." Tinuro ang larawan sa phone ni Madam third.

"Huwag ka ng mag-alala. I command my guards to take them with us, pabalik na rin siguro sila." Masayang sabi ni Madam.

Napahugot ako ng hininga. Excited na 'kong mabuo ang sarili ko.

"Madam!" Napatingin kami sa entrance ng cafe ng pumasok ang tatlong bata ni Madam third. O 'di kaya'y butler niya.

"Oh? Nasan na-"

"Paumanhin, Madam third. Pero hindi na namin naabutan ang magpapamilya na 'yun.. Tinamaan ng napakalakas na bagyo ang kanilang probinsya kaya bigo kami na mahanap ang katawan nila. Hindi namin alam kung sila'y buhay pa.."

Nanlumo ako ng marinig ang sinabi ng lalaki. Nangangatog ang tuhod ko..

"Jisel!" Rinig ko ang malakas na sigaw ni Ate lina ng matumba ako.

"Madam, ang sabi po ng tanod nila ay nadamay sila sa malakas na pagsabog ng bulkan,"

Hindi-- hindi pwede 'to! Hindi pwedeng mangyari 'to...

Ang Lola ko.. SI Mama... Si Lea...

"T-totoo b-ba 'y-yan..." Nanginginig ang boses ko.

"Pasensiya na, Madam third.." Sabi ng lalaki.

"Umalis na muna kayo, iwan nyo muna kami," Sabi ni Madam third.

Lumuhod siya at hinaplos ang ulo ko. "I'm sorry jisel.." Sabi niya.

"Ang lola ko..." Halos pabulong na sabi ko. Gusto kung sumigaw sa inis at galit pero walang lumalabas sa bibig ko.

Pamilya ko..... hindi man lang ako nakapagpasalamat sa ginawa nilang pagkupkop sa'kin... at hindi nasagot ang mga tanong ko..

"LOLA!" Pawis na pawis ako ng magising.

Nanlalaki ang mata kung humugot ng hangin..

What's with that dream!?

Salamat, lord... Panaginip.. Salamat!

UGh! Akala ko totoo na.. Ano bang panaginip 'yun!?

Napatingin ako sa phone ko nang magvibrate i'yon.

madamthird: bumalik na pala ex mo

Naguguluhan ako sa text ni Madam third. Paanong bumalik e, kinasal na 'di ba?

Kinabukasan ay maaga akong nagising, nilinisan ko pa kasi 'yung mga ginagamit ko sa paggawa ng drinks or tea.

"Good Morning!" Napatingin ako sa entrance ng pumasok si Madam third na sinundan ni ate lina.

"Jisel! May sasabihin ako sa 'yo." Sabi ni Madam third.

"Ayokong marinig," Mabilis na sabi ko. Alam kung tungkol nanaman 'yan kay Russel.

That Nerd Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon