27

861 52 3
                                    

Chapter 27

Hindi mapigilan ng aking labi na umarko sa ngiti. Hindi ko na maintindihan kung bakit ginawa 'yun ni Sir Russel.

Kakaibang Sparks ang naramdaman ko nang yakapin nya 'ko. Bukod dun, ngumiti din siya sa akin.

Uh! Ano na ba nangyayari sa mundo!? Katapusan na ba!?

Andami na talagang iniisip ko. Una, si Ace na may i-coconfess, pangalawa, 'yung sinabi ni Ma'am kate, pangatlo si Sir Russel!

Hindi niya 'ko yayakapin nang walang dahilan! Nakakainis!

Pagkagising ko ay bumaba na ako agad, agad din akong sinalubong ni Manang sa kusina.

"Hija, buti at gising kana." Sabi niya.

"Bakit po?" Tanong ko. Para kasing lahat ng mga maids ay parang natataranta.

"Hija, si Don Neo. Ang ama ni Russel at Lars ay uuwi ngayon galing sa amerika." Sabi ni Manang.

"Talaga po?" Tanong ko. Sa wakas kasi ay makikita ko na ang tatay nila. Kapag kasi tinatanong ko 'yun noon kay Lars sinasabi niya palagi daw 'to may business trip.

"Oo hija. Masyadong istrikto 'yun. Kaya't sana huwag kang magkakamali kapag kaharap mo Si Don Neo." Sabi ni Manang.

Tumango na lang ako tyaka ginawa na ang palagi kong ginagawa kapag maaga.

"Matagal na rin na hindi umuuwi si Don Neo, buti at uuwi na siya ngayon." Sabi ni Ate Aida.

Nalaman ko kay Manang na umuwi na 'yung mga kaibigan nila kagabi pa pati rin si Ma’am kate.

Wala pala talaga siyang gusto kay Sir Russel, talagang magkababata lang sila. Pero sige tapos na 'yung issue dun pero may sinabi siya sa’kin na ginugulo pa rin ang isipan ko.

"Nandyan na si Don Neo!" Napahawak ako sa aking dib-dib nang sumigaw ang isa sa mga maid dito sa bahay.

"Tara na." Sabi sa’kin ni ate Milda.

"Saan?" Tanong ko.

"Dun tayo sa gate para salubungin si Don, Neo." Sabi niya.

Pumunta kami sa harap ng pinto nakagilid kami na nakalinya pero nasa likod ako.

Lumabas si Lars na nginitian ako tyaka excited na pumunta sa harap ng kotse na kakaparada pa lang. Sunod naman si Sir Russel na may suot na bilog na salamin.

Grabi, kahit ang gulo ng buhok niya makikita mo pa din ang perpekto niyang mukha.

Agad kung inalis ang tingin ko sa kanya ng tignan niya din ako.

Halos lahat tumahimik nang lumabas ang lalaki na talaga namang kagalang-galang.

Sa porma nito para tuloy siyang isang hari. Para kasing ganun siya gumalaw. Grabe. Mana-mana lang talaga.

Pati ang ama nila talagang nakakatayo ng balahibo dahil din sa mukha nito. Ang gwapo din.

Nang yumuko sila ay gumaya na din ako. "Maligaya pong pagbabalik, Don Neo." Sabi ni Manang.

"Nagagalak akong makita kayo muli." Tumayo ang balahibo ko nang magsalita ito.

Nakakakaba ang boses ng ama nila! Natakot tuloy ako makagawa ng ingay!

"Daddy!" Masiglang sabi ni Lars tyaka niyakap ang Ama niya.

"Welcome back, dad." Sabi ni Sir Russel tyaka niyakap din ang ama.

"Nagtatampo na si Jacinta, Mattheo. Madalas mo na lamang daw siyang kontakin." Aniya ng ama.

Sinong Jacinta 'yun?

That Nerd Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon