Chapter 33
"Flowers, ha? Anong meron? Magka-away kayo?" Tanong ni Madam Third. Ipinasok ko muna sa kwarto ko 'yung red roses.
I didn't expect na umagang-umaga may pakulo siyang ganon. Silly.
"Hindi kami magka-away, nagalit lang ako sa kanya," sagot ko kay madam.
"Choco mocha, miss," Agad kung binigyan 'yung umorder na babae.
"Uh, Anong nangyari ba?" Tanong ni Madam Third habang sumisimsim sa tea.
Nung una ay tumanggi ako sa kanya na i-kwento ko pero hindi niya 'ko tinigilan kaya wala akong nagawa at sinabi ko sa kanya.
"Kahit ngayong umaga na 'to galit ka pa rin sa kanya?" Tanong ni Madam Third.
Hindi ko siya sinagot. Hindi ko pa alam. Ang labo. Sa sarili ko hindi ba dapat ako 'yung magdesisyon nun pero bakit hindi 'ko masagot? Tsk.
"Silence means yes," Sabi ni Ate Lina na kakapasok lang.
"Good morning sa inyo!" Sabi ni ate lina sa amin bago magsuot ng kanyang apron.
"Galit ka pa ba din kay Russel? Look, oh! Binigyan ka na nga niya ng flowers!" Asik ni Madam Third.
"Flowers!? Sinong may flowers!?" Biglang sulpot ni Ate Lina sa harap ko.
"Binigyan ka ng pogi mong boyfriend, Jisel?" Tanong sa'kin ni Ate Lina.
Hindi na ako sumagot at umalis sa harap nila nang may umorder. Pagkabalik ko ay bigla silang nagsalita.
"Jisel. Dapat hindi ka nagalit sa kanya." Sabi ni Ate Lina.
Napahinto ako sa pagaayos ng mga baso nang magsalita si Ate Lina. Siguro kwinento na ni Madam Third 'yung nangyari.
"Halika nga muna dito! Upo ka muna!" Asik ni Madam Third sa'kin tyaka ako hinila papaupo.
'Yung mga customer naman ay nakaupo din at walang paki-alam kaya naki-upo na din muna ako sa kanila. Ok lang siguro 'no? Boss naman nag-utos.
"You shouldn't felt that angriness of yours! Ang dapat na makaramdam talaga niyan ay si Russel!" Sabi ni Madam Third.
"Tama ka jan Madam! Lalaki 'yun eh! Malamang masusuntok niya talaga si Ace. Hello!? Kasama ng isang lalaki 'yung girlfriend niya sa isang kwarto sa tingin mo!? Maganda ba 'yun!?" Asik ni Ate Lina.
Agad na gumuhit sa'kin ang 'guilt' mukhang tama nga sila. Hindi ko dapat ginawa 'yun. Pero Kasi! Nakakainis siya. Pero mali pala 'yun!
"Alam mo jisel. Kahit ako ay bubugbugin ko din si Ace, girlfriend ko kasama niya!? Sa tingin mo ba maganda 'yun!? Ha!? Tsk." Ani ni Ate Lina ulit sa'kin.
"Inulit mo lang sinabi mo, gaga," Ani ni Madam Third.
"Ay, naulit ko na ba?" Balik na sabi ni ate lina.
Napabuntong na lang ako sa kanila.
"Kaya kung ako sa'yo! Huwag ka nang magalit sa kanya! Kawawa naman si Russel!" Asik ni Madam Third.
"Gwapo pa naman! Kung ayaw mo na sa kanya, bigay mo na lang sa'kin," agad akong napatingin kay ate lina nang sabihin niya 'yun.
'Kapalit buhay?' 'Yan dapat ang gusto kong sabihin kaso hindi ko na sinabi.
"Joke lang. Basta 'yun lang ang sa'kin. Dapat ayusin n'yo 'yung relashionship n'yo baka kasi maging relashionshit 'yan. Haha." Ani ni ate lina.
"H-hindi naman na 'ko galit sa kanya. Kagabi lang 'yun," Ani ko.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...