38

735 40 0
                                    

Sabay sabay tayong masaktan :( char

Chapter 38

"Ah, pinuntahan nila ‘yung bride ni Sir Russel."

Agad na bumagsak ang balikat ko sa narinig. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero feeling ko mawawalan na ako ng hininga. I felt like my body was dying.

"What!? Bride? ikakasal si Russel?" Tanong ni ate lina.

"Opo. Ikakasal na siya kaya pumunta sila sa bride niya kasama sila Ma'am Lars at ang dad nila,"

Ramdam ko ang kamay ni ate lina sa likod ko. Para na akong matutumba. HInigpitan ni ate lina ang hawak sa kamay ko tyaka bumulong.

"Kaya mo 'yan. Be brave. You need to face the truth." Matigas niyang sabi sa 'kin tyaka hinarap si ate aida na naguguluhan na sa sinasabi ni ate lina.

"What do you mean? Si russel ikakasal na? Nasa greece sila magpapakasal?" Tanong ni ate lina.

"Oo-"

"Aida!" Napatingin ako sa likod ni ate aida ng sumigaw si Manang. Agad niyang tinakpan ang bibig ni ate aida na parang takot ipaalam kung ano ang sinasabi ni ate aida.

"Manang--aray!"

"Oh! Jisel hija! Ikaw pala!?" Kunwaring nagulat si manang na nakita ako.

Nakikita ko na. Alam ko na alam niya na ang tungkol sa 'min ni russel kaya sa inaasta ni Manang ngayon alam kung sinusubukan niyang itago. Pero hindi ako tanga. Alam ko na ang totoo.

Ramdam ko ang mga luhang gusto ng bumagsak galing sa mata ko. Russel. You're unbelievable.

"Manang. Alam ko pong alam n'yo na... Mauna na po kami. Salamat po." Nakangiti ko silang tinalikuran.

Kailangan kong pigilan ang luha ko. Kailangan! Ayokong masayang ang mga tubig para lang sa walang kwentang tao.

Narinig ko pa na tinawag nila ako pero hindi na ako lumingon. Pasensiya na kung ganito ang asta ko pero ayaw kung makita nila na umiiyak ako.

"Jisel.. I can't believe russel-"

"Ate lina. Huwag na natin siyang pag-usapan," Sabi ko.

Nang dumating na kami sa cafe, agad na tanong mula kay Madam third ang narinig ko. But i refused to answer. Hindi ko nga ata kayang magsalita.

Kumikirot ang puso ko. KInuhako ang apron ko at sinuot ko ito.

"Jisel. Huwag ka na munang magtrabaho ngayon. Magpahinga ka na lang."

"Madam third. Okay lang. Kaya 'kong magtrabaho." Sabi ko.

I tried to smile at them. Pero ang mukha nilang dalawa ay hindi naniniwala sa akin.

"Jisel. Please. Magpahinga ka na lang. You need to take a rest." Ani ni ate lina.

"Okay lang ako." Sabi ko sa kanila.

Pero sa totoo ay hindi. Sobrang sakit. Ansakit..

"Jisel.. we're here for you.. "

Agad na bumagsak ang luha ko ng yakapin ako ni ate lina.

Lahat ng kaninang luha na hindi ko magawang ibuhos ay bumuhos na ngayon. Pinipigilan kong lumuha but they just won't stop. It freakin' hurts.

Akala ko hindi niya ako lolokohin. Akala ko totoo na mahal niya 'ko. Paano niya nagagawa sa'kin 'to!?

Bakit niya ako hinalikan? Bakit niya pa ako nilapitan? Bakit patuloy siyang nasa tabi ko.. bakit niya pa sinabing mahal niya 'ko.. Bakit?

Kung ikakasal na siya bakit niya pang sinabing gusto niya 'ko!? bakit!? Bakit niya 'to ginawa..

That Nerd Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon